JessieIt's been 5 days after ng incident samin ni Stacy. Hindi ko na pinaalam kila Mama kung anong nangyari sakin dahil ayokong mag-alala sila sakin lalo na at malayo sila.
Nabalitaan ko kila Trish na suspended ang group nila Stacy. Hindi na rin kumalat sa School ang nangyari kaya parang normal pa rin ang lahat. Maliban lang sa mga kaibigan ko na lagi na nag-aalala sakin mula ng malaman nila yon.
Si Aly, mas lumayo pa sya sakin. Nalulungkot ako na umabot na kami sa ganito. Na kailangan nya pang lumayo para sa kaligtasan ko. Wala nga sila Stacy, pero dahil problema daw lagi ang dala nya, mas pinili nya ng lumayo.
And si Eliz, kinakaya ko syang harapin sa tuwing magkikita kami sa school. Pero hindi ako makatagal kapag nagtatagpo na ang mga mata namin. Pakiramdam ko ganon din sya. Kase siguro.. dahil nagi-guilty sya.
After school, dumirecho ako dito sa mall para libangin ang sarili ko. Para hindi na ma-stress kakaisip.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo dyan,"
Nalimutan kong sabihin na kasama ko nga pala si Carol. Nagpunta sya dito para samahan ako. Kahit tumanggi ako, mapilit sya.
Dala-dala nya yung binili nyang milk tea para samin. Nakaupo lang kami dito sa isang bench ng mall.
"Hindi naman," sagot ko saka kinuha yung milk tea.
"Baka naman ako na yang iniisip mo huh?"
"What??" shock at hindi makapaniwalang tanong ko.
And she just shrugged.
"Kapal.." pabirong sabi ko.
"Baka lang naman eh," nakangising sabi nya.
Napapailing na lang ako habang nangingiti. Alam ko namang nagbibiro lang sya. Hindi ko rin alam kung alam nya na bang into girls din ako.
***
Tok! Tok! Tok!
Nagmadali akong bumaba para tignan kung sino yung kumakatok.
"Hi, sorry bukas kase yung gate kaya tumuloy na ko," nakangiting bati ni Aly sakin. Hindi ko inaasahan ang biglang pagdating nya.
"Ok lang, pasok ka."
Umupo muna sya sa may living room samantalang ako naman dumirecho sa kitchen para kumuha ng maiinom.
Kumuha ako sa ref ng isang pitsel ng juice at kumuha ng dalawang baso sa cabinet.
Natigilan ako ng may maalala ako..
Naalala ko pa ng pumunta si Eliz dito at nagpakuha pa ng juice bago sagutin ang tanong ko.
Kahit ang mga simpleng bagay pinapaalala pa rin sya sakin. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot.
Natigil ako sa pag-iisip ko nang may maramdaman akong yumakap sa likuran ko.
"Aly?" saka ako humarap sa kanya.
Yumakap ulit sya sakin at bumulong sa tenga ko, "Namimiss na kita.."
"Aly, akala ko okay na tayo? Akala ko tapos na tayo dito? Diba nag-usap na tayo?" nag-aalangang sabi ko sa kanya pagkakalas ko sa yakap.
"Oo naman. I mean gusto lang kita mayakap, makasama, kahit sandali lang, please? Pero sa school, iiwas na talaga ko. We're still friends, right?"
Tumango na lang ako to end the conversation. Wala naman problema kung nandito sya. Lalo na at wala namang magseselos pa. Wala namang magagalit pa.
Magkasama pa rin kami ni Aly dito sa bahay. Gaya ng dati, movie marathon. Pero ang iba lang ngayon, hindi na kami kasing close ng dati. Magkatabi lang kaming nanood at hindi nagdidikit.
