Jessie
Nasa cafeteria kami ng pinatawag na naman ako ng Eliz na yun. Sigurado ngayon nya na uumpisahan ipagawa lahat ng gusto nya.
Dito kami sa labas ng School pumunta, sa isang fast food. Iti-treat nya raw ako ng lunch.
Hindi ko sya iniimik mula ng magkita kami. Last time na makasalubong namin sya sa lobby ng School di ko din sya pinansin. Gusto kong malaman nya na naiinis ako sa kanya.
Mula nung gabing nag-usap kami, nahimasmasan narin ako after ko makauwi sa bahay. Naisip ko na di ako dapat magpaapekto sa kanya. Kaya kinabukasan inayos ko ulit ang sarili ko at itinuon ulit ang isip sa studies ko.
"Let's eat." sabi nya habang nilalapag nya ang tray sa table. Tinulungan ko na rin dahil nakakahiya naman.
Umupo na sya sa harapan ko at todo smile nya huh, ano namang nakakatuwa? Che!
Sya na nagtanggal ng mga food sa tray at saka nilapag sa table. Tinanggal nya pa sa wrapper yung rice at pinunasan ng tissue ang spoon and fork ko.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nag-smile lang sya sakin. Iba yung smile nya ngayon, abot hanggang mata.
Nagstart na kami kumain. Nagugutom na rin ako kaya hindi na ko nag-inarte pa.
"Sorry about last night" narinig kong sabi nya. Napatingin ako sa kanya, ang lungkot ng muka nya. Naramdaman kong sincere sya sa paghingi nya ng sorry, kaya napatango ako ng wala sa isip.
Napansin kong may gravy sa may gilid ng lips nya kaya dinampot ko agad yung tissue at pinunasan yun. Nagulat na lang ako ng biglang ang laki ng ngiti nya pagtapos nun. Baliw ba sya?
Bumalik na lang ulit ako sa pagkain. After non bumalik na kami sa School.
Sa room ko na nakita ang friends ko. Ang iingay nila, palibhasa wala pang Prof. Tumabi ako kay Aly at binati sya, nagsmile naman sya.
"Kumain ka na ba?" tanong nya. Tumango naman ako. Dumating na rin yung Prof kaya di na kami nakapag-usap.
Pagka-dissmiss ng last class ay may estudyante na namang tumawag sakin. Pinapatawag na naman ako ni Eliz. Sumunod na lang ako at nagpaalam kila Aly.
Pagdating ko sa faculty room nakita nya agad ako. Nagsmile sya sakin at lumapit. Hinila nya na ko papasok sa faculty room. Iilan lang ang mga Prof dito, may class pa siguro yung iba.
Umupo na ko malapit sa kanya, cubicle lang kase to. May division lang bawat table.
"Uhm pano mo nalaman yung sched ko? At alam mo talaga kung saang room ako ipapatawag." tanong ko sa kanya.
Napasmile sya sa tanong ko, di nya yata inaasahan magtatanong ako.
"Block section kayo, so nagtanong ako ng sched nyo dun sa isang kablock mo." sagot naman nya habang nag-aayos ng mga papel.
"Uhh" nasagot ko lang.
"Tulungan mo ko magcheck ng papers ng ibang section na hawak ko"
"Bakit yung samin hindi natin ichecheck?"
"Tapos ko na pong i-check yon, at bawal mo yun makita" sya na talaga yung nag-opo. Hehe
"Hm ganon ba, pengeng red ballpen"
"Wait lang po MA'AM" sabi pa nya at inabot na sakin yung mga ichecheck at yung ballpen.
Pareho kaming busy sa pagchecheck na dalawa. Buti na lang medyo mahaba tong table nya at kasya lahat ng papers na iche-check namin.
Napatingin ako sa kanya. Busyng-busy sya sa ginagawa nya. Paisa-isang lumalaglag yun hibla ng buhok nya sa muka nya at pauli-ulit nyang iniipit sa tenga nya. Ang ganda nya.
Tumingin sya bigla sakin. Nagulat tuloy ako at napaiwas ng tingin.
"U-uhm p-pupunta lang ako muna sa banyo" sabi ko sabay alis. Nakakahiya kase, ramdam kong namumula ako.
Hay ang ganda nya kase..
*****