Jessie
"I missed you," sabi ni Eliz sabay halik sa labi ko.
Nandito sya ngayon sa bahay. Wala kase sila Mama kaya nakapunta sya ngayon. Mag-sleep over sya dito dahil namimiss nya raw ako ng sobra. Ang busy kase nya nitong mga nakaraang araw dahil may exam, ganon din naman ako.
"Kumain ka na ba?" tanong nya sakin. Mabilis akong umiling kaya napangiti sya.
"What? Hinintay kita, wala naman akong makakain dito sa bahay,"
"Lakas mo kaseng kumain. Yung mga iniiwan ni Rei dyan ang bilis mong maubos," sabi nya habang inaayos yung dala nyang pagkain.
"Eh kesa magpagutom diba? Gusto mo mamayat na ko?" niyakap ko sya sa likod at halikan sa pisngi nya.
"Syempre ayoko. Nagtataka lang ako, ang lakas-lakas mong kumain pero hindi ka naman tumataba," humarap sya sakin at niyakap ang braso nya sa leeg ko.
"Will you still love me kahit tumaba na ko?"
"Oo naman. I will always love you," saka nya ko hinalikan sa labi.
"Kumain na nga tayo, baka langgamin pa tayo," natatawang aya ko sa kanya.
***
"Babe, hindi mo ba talaga gusto si Jam?" out-of-nowhere na tanong ko sa kanya habang nakaupo dito sa kama ko at magkahawak kamay.
"Nagseselos ka talaga sa kanya no?" natatawang tanong nya sakin kaya inirapan ko lang sya. "Sabi ko naman sayo, kaibigan ko lang yung tao. Sadyang loka-loka lang sya kaya pagpasensyahan mo,"
"Hm, eh type ka nya kaya hindi ko maiwasang hindi magselos," saka ako nag-pout.
"Aww, ang cute talaga ng Babe ko. Lahat naman ng babae type nang mokong na yon. Remember nang una ka nyang makilala? Naiirita ako sa kanya dahil ayaw nya pang bitawan yung kamay mo, tapos hindi ka pa rin talaga bumitaw," inis na sabi nya ng maalala yon.
"Eh nahihiya kase akong hilahin agad yung kamay ko. Saka iba naman yun sakin at yung sayo, kase ikaw, hinalikan ka nya," nakangusong sabi ko.
"Hm, mas nakakainis kaya yon na sa harap ko pa ng hinalikan ka nya, tapos mismong date pa natin!" dagdag ko pa.
"Relax, haha. Kwento lang Babe, chill ka lang," natatawa pang sabi nito. Palibhasa yata sarap na sarap sya sa kiss na yon.
"Tss, ang saya mo. Masarap ba sya kumiss?"
"Babe, sobra na yan. Natutuwa lang ako dahil ang cute mong magselos," sabay yakap nya sa bewang ko.
"Sige na nga ibahin nalang natin ang usapan," sabi ko sa kanya saka ako mas lumapit pa sa kanya. Gusto ko sobrang lapit namin lagi.
"Sige.. Si Alyson, kamusta na sya?"
"Hindi ko na sya masyadong nakikita,"
"Eh si Carol?"
"Ayun busy din sa pagrereview these past few days,"
"And the girl named Jermy?" wow, inisa-isa nya talaga lahat? Ako nga si Jam lang ang natanong ko, sya tatlo?
"Uhm, hindi ko alam? Wala akong idea. Wait, pano mo sya nakilala?" wala kase akong matandaan na may nabanggit ako sa kanya tungkol kay Jermy. Nalilimutan ko kase.
"Si Jam,"
"Kilala nya si Jermy?" takang tanong ko.
"Uhm hindi ako sigurado, pero nakita nya kayo the day before kita bigyan ng flowers. Kaya nga pinadalhan kita, kase para i-remind ka na may nagmamay-ari na sayo," sabay kiss nya sa lips ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/34478595-288-k377188.jpg)