Jessie“Hi Bie,” bati ni Aly sakin pagdating nya dito sa room.
“Hi,” bati ko rin saka bumalik ulit sa binabasa ko.
“Uhm, I want to ask you something, if its fine with you,”
“Sure, tungkol saan ba?” tanong ko sa kanya.
“Bakit pumapayag ka na gawin yung dapat mga trabaho ni Ms. Eliz? Sya dapat ang gumagawa ng trabaho nya at hindi nya kelangan ng assistant. Tell me, tinakot ka ba nya?” concern na tanong nito sakin.
Huh? Medyo nagulat ako sa tanong nya.
“Ano ka ba, hindi uh, waag takutang naganap. Wag kang mag-alala, gusto ko naman yung ginagawa ko eh,”
“Sure ka? Kase alam ko, hindi mo gusto ng extra activities tapos biglang inuutus-utusan ka nya,”
“Hindi naman yun sa ganon,” sabi ko nalang.
Ano naman kase ang sasabihin ko sa kanya? Na kaya ko ginagawa to dahil nablackmail ako ni Eliz at isusumbong daw ako kila Mama about dun sa nakita nyang nagkikiss kami? Ayoko nang malaman nya pa yon. Baka lumaki pa lalo ang problema.
“Girls, malapit na yung sportsfest!” excited na sabi ni Trish samin pagkarating nya.
“So?” tanong naman ni Mich.
“Malamang edi sasali tayo?”
“Saan naman? May alam ka bang sports?” tanong naman ni Rina.
“Naman! Badminton, smash-smash at drop-drop lang yun no,” pagyayabang ni Trish.
“Eh kayo, Aly and Jessie?” tanong ni Mich samin.
Nagkibit-balikat lang ako.
“Hindi pwede! Dapat lahat tayo sumali,” sabi ni Mich.
“Anong sasalihan ko?” tanong ko sa kanila.
***
“Jessie, tara na!” tawag ni Rina sakin.
“Oo eto na!” sigaw ko at patakbong sumunod sa kanya dala ang backpack ko.
Nandito kami sa gym ngayon para magpractice. Napilitan na nga lang tapos napunta pa ko sa volleyball. Kapagod kaya dito. Ugh.
Ang mga baliw ko kaseng kaibigan dun ako inilista. Nakakainis!
“Girls, lapit na kayo,” sigaw ng isang babae samin. Agad ko syang nakilala paglapit namin, si Cha Santos.
Napansin ko yung mga kasama kong hangang-hanga sa ganda nya.
“Ang ganda ni Cha, beauty and brain talaga sya,” bulong ni Rina sakin. Tama sya, maganda naman talaga sya. Pero tigin ko may mas maganda pa sa kanya.
“Maiksi lang yung oras ng practice natin, kaya sumunod po tayo sa magiging coach,” dagdag pa ni Cha.
“Cha, hindi po ba ikaw ang magiging coach namin?” sabi ng isang babae.
“Hindi po eh, pero magaling sya at kilala nyo rin naman yata sya,” sagot ni Cha.
“Bakit girls, ayaw nyo ba sakin?” singit nama ng isang babae. Oh, si Jam pala.
“Si Jam ang magiging coach natin?” sabi nang iba. Mas naging excited sila ng malaman na si Jam ang magiging coach namin.
Narinig ko yung usapan nang iba na si Jam pala yung best player ng Volleyball team namin. At reigning MVP din sya.