Chapter 4

34.2K 704 8
                                        


Allyson

Napasugod ako dito sa isang resto malapit sa may School. Tinawagan kase ako ni Bie, nandito daw sya kaya mabilis akong pumunta dito.

Pagdating ko nakita ko lang sya sa may labas at nakatayo. Nakatungo sya at mukang malalim na naman ang iniisip. Bumusina ko kaya mabilis na syang pumasok sa sasakyan.

"Bie.." sabay hawak ko sa kamay nya. Ang lungkot-lungkot nya. Parang kinukurot tuloy ang dibdib ko. Ayokong makitang ganito sya. Dati nakikita ko lang syang ganito kapag nagwo-worry sya sa magiging result ng exams dahil di sya nakareview. Pero ngayon hindi ko alam kung anong problema nya.

Tumingin lang sya sakin sabay fake na smile. Lalo tuloy ako nag-alala.

Hinatid ko na sya sa kanila. Inintay ko lang sya makapasok saka ako umuwi.

"Bie.." napabuntong hininga na lang ako. Ano bang pwede kong gawin? Hay..

*****

Pagpasok sa School nagmadali akong maglakad papunta sa room namin. Iniwanan ko na sila Rina, lumalandi pa kase eh. Gusto ko na makita si Bie. Medyo nahirapan lang ako dahil nakaheels ako.

"Hi Bie" nakasmile na bati ko sa kanya at tumabi sa kanya.

"Hi" sabi nya sabay smile. Wow good mood na yata sya ngayon uh.

"Ganda yata ng gising natin uh?" nakangiting sabi ko.

"Bakit natin? Ako lang kaya. Hehe" natatawang biro nya. Ambilis naman nya maging okay, pero okay na to. Mas masaya sya, mas masaya ako. :)

After ng morning class nag-lunch kami. Dito na lang kami sa School cafeteria.

Masaya ko na mukang ayos na si Bie ngayon. Balik na sya sa dati. Hindi na ko nagwoworry sa kanya kapag ganito sya.

Pagtapos namin ay pumunta na kami sa next class namin. Nakasalubong namin ang new Prof namin, si Miss Eliz.

Binati namin sya, bumati din sya samin. Pero may napansin ako, lalo na ng tingnan sya ni Miss Eliz. Hindi sya binati ni Jessie, at nakasimangot syang tumingin dito.

Nakaramdam ako ng kaba sa pagitan nila. May itinatago kaya sila samin. Pero kung anuman yun, ayokong malaman. Natatakot ako.

After ng morning class, nakakalungkot dahil hindi samin sasabay si Bie. Ipinatawag sya kanina ni Miss Eliz nung nasa cafeteria kami.

"Uy!" si Mich na todo kulbit pa, parang hindi ko naririnig eh. Kinurot ko nga yung kamay nya.

"Ouch!" reklamo nya.

"Makakulbit ka kase!"

"Haha, eh pano nagseselos ka na naman dyan!" tatawa-tawang sabi nya. Inirapan ko nga lang!

Tumabi naman sakin si Trish at hinagod-hagod ang likod ko.

"Tama na yan Aly, makaka-move on ka din" biro naman ni Trish. Napataas tuloy ang kilay ko.

"Ano bang mga pinagsasasabi nyo?" inis na sabi ko habang tinutulak si Trish palayo.

"Hahaha, pano kanina pa kami nag-uusap dito wala kang imik" si Rina naman na tawa ng tawa.

"Eh ano naman" sagot ko.

Lalo sila nagtawanan sa sagot ko. Mga baliw!

"Aly, wala ka dapat ipagselos dun sa dalawa. Alam naman naming kung anu-ano ng iniisip mu sa pagitan ni 'Bie' at ni 'Hot Prof'." si Rina.

"Pano wala lang man nakekwento si Bie" malungkot na sabi ko.

"Maghintay ka lang sasabihin nya din yun. Saka alam mo namang pusong bato yung si Jessie kaya imposibleng may 'something' sila" si Mich naman na seryoso. Wow huh,minsan lang to.

Tumango-tango lang ako. Nag-order na rin kami ng pagkain.

*****

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon