Chapter 25

22.1K 485 43
                                    


Jessie

"Bie, kain na tayo? Ako nagprepare ng breakfast natin" excited na sabi ni Aly sakin pagpasok nya sa room. Nagshower pa kase ako para mabawasan ang hangover ko. Ugh. Hindi na ko ulit magiinom. Promise!

Hila-hila nya ko papunta sa dining area nila. Nakasalubong namin yung mga maid na bumati sakin kaya ngumiti naman ako.

Hinila ni Aly yung upuan para sakin saka ako umupo at ganun din sya. Nakita ko yung iba't-ibang food sa table. May pancakes, loaf bread, bacon, cheese at hot chocolate. Nagniningning ang mga mata ko habang ginagala ang mata sa pagkain. Siguro idadagdag ko na rin ang pagkain sa first love ko?

"Unahin natin yung pancakes?" tanong nya sakin at tumango naman ako. Three layers yun pancakes habang tumutulo yung syrup nito mula sa ibabaw. Yummy..

Sinusubuan pa ko ni Aly habang kumakain kami.. ako lang pala. Pinipigilan ko sya pero mapilit sya. Hindi na tuloy sya nakakain, samantalang ako ang daming nakain.

Medyo naiilang na rin ako. Pano ba naman patingin-tingin samin yung mga maid tapos magbubulungan at ngingiti na parang mga kinikilig.

"Uhm Bie, iniisip ko kung ok lang ba sayo na.." lumunok sya ng laway bago ulit nagsalita. "... lumabas tayo?" nakatingin lang sya na parang kinakabahan sa isasagot ko. May time na bang tinanggihan ko sya?

"Of course?" nagtatakang sagot ko sa kanya habang nangingiti. Kelangan ba talagang kabahan sya ng ganun? Isa pa, wala na kong karapatang tumanggi lalo na ngayong.. girlfriend ko na sya.

Halatang hindi mapigilan ang excitement nya at may sumusungaw na ngiti sa kanya. Aww ang cute. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinurot ko ang dalawang pisngi nya.

"Ouch," reklamo nya habang nakapout kaya binitawan ko na sya. Haha napadiin yata ng sobra yung pisil ko dahil namumula talaga sya.

Hinimas-himas ko yung pisngi nya para mabawasan ang pamumula nun. May narinig kaming mga humahagikgik kaya mabilis kaming napalingon ni Aly.

At nakita namin ang maids nila na mga kinikilig habang pinapanood kami. Natatawa na lang ako sa kanila. Mababait naman sila at alam nilang gusto ako ni Aly kaya sila ganun.

Nginitian ko sila at ibinalik ang tingin ko kay Aly. Nakatungo na sya at sobrang namumula sa hiya. Hinawakan nya yung kamay ko at hinila na ko paakyat sa kwarto.

"Bie, pagpasensyahan mo na sila huh?" sabi ni Aly pagpasok namin ng kwarto nya.

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Alam mo na.. yung pinakita nila kanina.. sorry?" apologetic na sabi nya.

"Ok lang yun 'no, nakakatuwa nga sila eh" nakakatuwa naman talaga sila kanina.

**

Nasa mall na kami. Sabi ni Aly gusto nyang mag-ice skating. Di ko alam kung magandang idea yun. Alam nya naman kasing hindi ako marunong nun. Pero sabi nya tuturuan nya naman daw ako.

Sunday ngayon kaya maraming tao ngayon dito sa mall. Nagsuot na kami ng skates at pumasok na. Nakahawak lang ako sa rail dahil hindi talaga ako marunong nito. Nakakatakot, baka papasok pa lang ako madulas na agad ako.

"Bie tara?" aya ni Aly sakin para mag-ice skate na.

"Uh.. sige una ka na.. papanoorin muna kita?" sabi ko sa kanya. Natatakot talaga ako kaya todo kapit lang ako sa rails.

"Sabay na tayo.. Aalalayan kita" saka nya kinuha ang mga kamay ko sa rails at hinawakan nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot talaga ko.

"Wag kang matakot, hindi kita hahayaang matumba" kahit sabihin nya yun, hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Nakakahiya pag nagtaob ako dahil ang daming tao dito.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon