Nakita kong may kausap si Eliz sa phone nang papunta ako sa faculty. Nasa labas sya at nasa may kalayuan ako. Napansin kong parang inis sya sa kausap nya saka nya binaba ang phone. Nagtama ang tingin namin ng umangat ang tingin nya. Mabilis nagbago ang facial expression nya dahil mabilis syang nagsmile sakin.
Lumapit sya sakin at hinila ako palabas.
“San ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng school.
“Kakain, nagugutom na ko eh.”
“Bakit hindi ka ba naglunch?”
“Hindi, kase diba wala ka kanina?” sabi nya.
Oo nga pala, nasa library ako kanina dahil may group project kaming kelangan asikasuhin. Para lang dun hindi na sya kumain?
“Bat hindi ka kumain kahit wala ako? Wala naman sakin ang pagkain mo”
“Wala akong gana”
“Ngayon may gana ka na?”
“Of course” sabi nya sabay ngiti sakin. Para kong kinikiliti sa smile nya. Napasmile din tuloy ako.
Nandito na kami ngayon sa isang canteen malapit dito sa may school. Hindi pa ko nakakain dito. Madalas kase sa mga resto at fastfood at school cafeteria lang kami kumakain.
Umupo na kami at tumingin sa malaking board menu sa taas ng counter ng canteen. Mga lutong bahay yung mga nasa menu nila. Mas okay to kase miss ko na rin ang mga lutong bahay ni Mama. Nakaramdam tuloy ako ng gutom sa sikmura ko.
“Nanay Leni!” masayang bati ni Eliz ng makita nya ang may katandaang ng babae na palapit samin. “Kamusta na po? Sorry, ngayon na lang ulit ako nakapasyal dito.” dagdag pa nya.
“Okay lang naman, basta wag mo lang kami kakalimutan dito” biro nito kay Eliz saka sila nagtawanan. Natigil sandali ang tawanan nila ng mapansin ako ni Nanay Leni.
“O may kasama ka pala?” tanong nito sabay tingin sakin.
“Uh opo, Nay. Si Jessie po, Jessie si Nanay Leni. Sya yung may-ari ng canteen na to” pakilala ni Eliz samin. Nagsmile ako sa kanya at ganon din sya sakin.
“Sige kumain na muna kayo dyan. May pupuntahan pa kase ako. Saka na lang tayo magkwentuhan” paalam nito samin saka umalis na.
Nagorder na kami. Gusto ko yung lechong paksiw nila, ang yummy kase. Si Eliz naman ang dami pa ng inorder. Sinigang na hipon, pork adobo, chopsuey at ginataang isda. Hindi ko alam pano namin uubusin to.
“Masarap ba?” tanong ni Eliz sakin habang kumakain kami.
“Sobra!” sabi ko sa kanya habang may laman pa ang bibig ko. Kakatakam kase talaga yung mga pagkain. Sayang naman kundi namin uubusin yun.
Pagtapos namin kumain, may lumapit saming lalaki at inilapag sa table namin ang isang malaking bowl ng Halo-halo.
“Thank you.” sabi ni Eliz sa lalaki na agad din umalis.
“Tara, dessert naman” sabi nya sakin habang nakangiti. Papatabain nya ba ko? Eh kakatapos lang namin kumain uh?
“Busog na ko eh” reklamo ko sa kanya. Pero parang hindi nya narinig dahil kumuha na sya at isusubo nya na sakin yun laman ng kutsarang hawak nya. Hindi na ko nakatanggi pa dahil naningkit na naman ang mata nya. Tapos biglang ngumiti ng kainin ko na yun sinusubo nya sakin. Kainis. Hilig manakot.
Pagtapos namin kumain bumalik din ulit kami sa School.
“Uhm Jessie, dito ka muna huh? May kakausapin lang ako sandali sa labas” sabi ni Eliz sakin ng makarating kami sa faculty. Nag-nod lang ako sa kanya tapos umalis na sya.
Naiwan lang akong nakaupo dito sa may desk nya. Wala akong mapaglibangan dito. Inaantok tuloy ako. Nakakapagod din kase ang araw na to, ang daming ginawa. Pero sino kaya yung kakausapin ni Eliz? Uhm friend nya siguro.. o baka boyfriend? Bigla ako nalungkot ng maisip ko yun. Inalog ko ang ulo ko para alisin ang naiisip ko. Saka isa pa, ano naman kung bf nya yun diba? Edi bahala sya sa buhay nya.
Antok talaga ko. Pwede kaya akong matulog dito? Tumingin muna ko sa paligid kung may ibang Prof dito. Iilan lang naman at mga busy sila. Saka isa pa, hindi naman ako kita dito, pwera na lang kung pupuntahan talaga ko dito.
Yumuko muna ko sa desk. Inaantok na talaga ko. Maya-maya bumibigat na ang mga mata ko dahil sa pagod at nakatulog na ko.
*****
Eliz
Nangingiti ako ng makita ko si Jessie na natutulog sa desk ko. Napaka-adorable talaga nya. Iniisip ko tuloy kung gano ako katagal nakipagusap sa Gian na yun. Nainip na siguro sya kaya nakatulog na.
Nawala ang inis ko kanina ng magusap kami ni Gian, dahil nakita ko na si Jessie. Habang tumatagal, mas lumalalim pa ang pagtingin ko sa kanya. Kahit ako nagtataka kung bakit ganito kalakas ang epekto nya sakin. Pero masaya ako pag kasama sya. Yung pakiramdam na kuntento ka pag nandyan sya malapit sayo at nakikita mo. Ito yung feeling na hindi mo masukat at maipaliwanag kase kusa na lang kumakabog ng malakas ang dibdib mo pag malapit sya sayo. Yung LOVE na.. unpredictable at unexplainable. Eto na yun.
Umupo ako at pinanonood ko sya habang natutulog. I gently touched her face at tinititigan lang ito.
Ano kaya kung ikiss ko sya? Namimiss ko na rin ang pakiramdam ng warm and soft lips nya..
Unti-unti akong yumuko para ilapit ang muka ko sa kanya ng —
“Hi, Eliz!” bati sakin ng matandang Prof na si Sir Tony habang nakangisi.
Pilit na nagsmile na lang din ako sa kanya. Ano naman kayang kelangan nito sakin at pinuntahan pa ko dito sa table ko. Alam ko naman kase kung gano kamanyak ang matandang to kahit na saglit ko pa lang sya nakakasama. Sa mga ngiti pa lang nya at tingin nakakabastos na.
“O, may kasama ka palang isa pang magandang babae dito?” sabi nya ng matanaw nya si Jessie sa may gilid ko. Tinitigan nya ng husto si Jessie na nagpabangon ng inis ko, kaya tumayo ako sa harapan nya para maharangan ko si Jessie. Napakamanyakis nito!
“I just want to invite you for dinner, kung free ka tonight?” nakangising pang sabi nito at bumalik na sakin ang tingin. O sa dibdib ko pala. Tsktsk! Tutusukin ko na mata nito eh!
“Sorry Mr. Manalo, busy kase ako tonight kaya hindi ako pwede” pagdadahilan ko sa kanya. Feeling naman nito. Kung lalabas man ako, wala akong ibang gustong makasama kundi ang Jessie ko. Che!
“Okay, okay, maybe some other time? Siguro libre ka na non?” sabi pa nito kaya tumango na lang ako at ngumiti ng mapakla bago sya tuluyang mawala.
Pagtingin ko kay Jessie gising na sya. Parang antok pa sya at nagising lang sa ingay ng matandang manyak. Nagkukuskos pa sya ng mata nya. Aww cute.
Paglingon nya sakin parang nagulat pa sya. Parang ngayon lang nya naalala na nasa faculty sya. Umupo ako katapat nya at hinawakan ko ang pisngi nya.
“Gusto mo ng umuwi?” malambing na tanong ko sa kanya. Mabilis naman syang tumango. Nagayos na kami para umalis na sa school. Sa bahay ko na lang gagawin ang mga dapat kong tapusin.
Dumaan na kami sa mall para kumain dahil alam ko malelate umuwi ang Mom nya ngayon, nagbilin kase ulit si Rei sakin. Panay ang reklamo nya dahil sobrang dami nya raw nakain ngayong araw. Hinatid ko na sya sa kanila at umuwi na rin ako.
**
.
.
.
Hi readers ! :)
Salamat sa pagbabasa nyo ng story na to. Dahil sa nyo kaya ko to tinutuloy. Feeling ko kase #waley talaga to eh.
Sya sya salamas po ulit ;) luv yah!
![](https://img.wattpad.com/cover/34478595-288-k377188.jpg)