Umiinom si Raffy ng can beer habang nakaupo at hinintay na magising ang lalaking nakatali ang kamay, katawan at paa sa isang plastic chair na kinuha lang din niya sa condo unit na iyon. Masyado ata niya itong nabugbog kaya napahimbing ng tulog.
Maya-maya pa, nagising ito na parang hilo parin sa nangyari sa kanya. This man is really an assassin, mas nahirapan pa ata siya dito kaysa sa apat na tauhan ni Salvador. Pero he was trained as well kaya di parin umubra ang skill ng lalaki. Napatumba niya ito kapalit ng daplis ng kutsilyo sa tagiliran niya na kasalukuyang nagdurugo.
Masakit, mahapdi pero hindi niya alintana dahil hindi pa siya tapos. Nagkalat ang paligid ng kwarto kung saan niya natagpuan ang lalaking si Garry.
"A-ano bang kailangan mo!" Ang pasigaw na wika ng lalaki. Pero halata paring wala na itong lakas.
"Magkano ba binayad ni Harold Mondragon sayo for setting the frame-up?" Ang kalmang wika nito habang hawak-hawak ang baril na ano mang oras ay pwede niyang iputok sa kaharap. Walang bahid na takot ang kanyang mga boses.
Hindi nagsasalita ang lalaki. Mukhang kailangan na niyang gamitin ang alas niya para mapaamin ito. Alam niyang wala itong balak umamin kahit pa doblehin niya ang ibibigay na pera kumpara sa ibinigay ng kanyang tiyuhin. After all, mayaman parin ang lalaki at loyal sa amo niya. Milyon-milyon ang bayad sa kanya ng mga elite criminal people kaya hindi na niya kailangan ng pera.
Hinablot niya ang isang maliit na litrato sa kanyang bulsa.
"Ang ganda naman ng batang 'to, sayang kung mawawala sa mundong to ng maaga. Wala siyang kamalay malay sa ginagawa ng kanyang ama....nakakaawa." He gave a devil smile while looking on the picture of a sweet child na anak ni Garry.
"'Wag na 'wag mong sasaktan ang anak ko, hayop ka!" Pasigaw na wika ng lalaki, bigla itong nalagyan ng lakas that he almost breaks the chair.
"Sa ngayon, wala sa bahay niyo ang mag-ina mo, namamasyal sila sa isang lugar na baka huli na nilang makikita," Tumayo ito at lumapit kay Garry na kasalukuyang nanginginig sa galit.
Ilang segundong 'di ito nagsalita. Garry is a professional hitman at kilala sa malinis nitong mga gawa kagaya ng ginawa niyang frame up, hindi ito basta lang na lalaking walang utak na ang alam lang ay pumatay. Sigurado si Raffy na nag-isip siya bago nagsalita.
"Si Harold, siya ang nakapatay sa anak niya. Nakita ni Lorence na may nilagay ang kanyang ama sa hiningi mong maiinom sa katulong niyo. Kaya para matakpan ang nagawa niya, humingi siya ng tulong sakin para eset-up ang crime scene....kapalit ng isang milyon." Wala ng choice si Garry para sabihin ang totoo, may pamilya siya na kailangan niyang iligtas. Alam niyang pagkatapos ng pagtatraydor niya kay Harold ay mapapahamak din ang pamilya niya pero sa ngayon, umaasa siyang maililigtas pa niya ang mag-ina niya.
Napansin niyang napahigpit ang hawak ni Raffy sa baril niya. Lumapit ito ng dahan-dahan, hinarap nito ang mukha ni Garry. They look each other like lion and tiger starting for a fight.
Maya-maya, nagsalita si Raffy. "Aminin mong ikaw ang pumatay, hayop ka." Ang mahinahong wika ni Raffy ngunit ang mga mata ay nanatiling nanlilisik.
"Subra na ang hinihingi mong kapalit, sinabi ko na ang lahat at alam kong nakarecord ka hinayupak ka Raphael!" Ang pasigaw at galit nitong wika na kung hindi siguro siya nakatali ay sinugod na niya ang kaharap.
"Gawin mong pinapagawa ko putang ina ka, kung ayaw mong tatlo kayo ng mag-ina mong magsasama sa empyerno!" Ang pasigaw na wika ni Raffy habang kinwelyuhan ang lalaki.
Hindi muna niya puwedeng ilabas ang krimeng nagawa ng kanyang tiyuhin. Kailangan pa niya ang mga ibedensyang 'to para paaminin si Harold kung bakit niya kinuha ang sasakyan ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Hankered Billionaire Series Book 1
Misterio / SuspensoThe only son of a Business Tycoon was framed as a murderer for his own cousin. In the middle of hiding and finding evidences to clean his name, he found an ordinary lady that leads him to discover another issue of his family. He also found out that...