Chapter 3 (First Kiss)

480 15 3
                                    


Habang nasa taxi si Yna, napangiti siya sa words ni Raffy bago siya umalis at hindi niya alam kung bakit siya napapangiti. "PAANO MABUBUHAY NG MAGKASAMA?" Kahit wala naman talagang meaning 'yun pero kinilig siya. Ang hot at gwapo naman kasi ni Raffy kaya siguro nag-rereact ang puso niya ng ganun.

7 pm na dumating si Yna sa bahay.
Nasa kusina si Raffy and preparing for a meal.
Humarap ito sa kanya mula sa pagkakaharap sa lavatories at nagtagpo ang kanilang mga mata. He is wearing a light blue T-shirt na natatabunan ng red apron. Para tuloy siyang nakatingin sa isang variety show ng isang celebrity chef nang dahil sa dating ng kaharap ngayon.

"Goodevening Yna," he smiled na parang husband na sinalubong ang wife na galing sa trabaho. Ang lawak ng ngiti nito na para bang nang-aakit ang mga mata.

"Goodevening Sir," ngumiti din siya. Medyo nagtataka na siya sa bilis ng pagbabago ng attitude ni Raffy pero 'di na niya ito binigyan ng meaning.

"Come on join me, pambawi sa dinner mo kahapon," he invited habang isa-isang nilalagay ang mga putahing niluto sa lamesa.

"Talaga? Thank you po," umupo siya sa bakanteng upuan paharap sa posisyon ni Raffy. Kanina pa niya pinoproblema ang natitira niyang pera kung aabot paba hanggang sweldo kaya hindi siya tatanggi sa pagkain na inoffer sa kanya.

"Umiinom ka?" Umupo nadin ang binata sa upuan opposite to Yna.

"Yes pero kunti lang."

"Its okay, you can, kunti lang naman yan." Itinuro ang wine na nasa tapat ng plate ni Yna.

"Thank you."

"Sir, ano po ba ang work niyo, parang 'di kasi kita nakikitang lumalabas eh," she asked and sip her wine na nilapag din niya sa lamesa.

"Hindi ako mahilig lumabas." Ang hindi alam ni Yna, nilagyan ni Raffy ng sleeping pill ang ininom nitong wine. But a mild type of sleeping pill, ayaw pa naman niyang pumatay ng tao.

"Masarap karin palang magluto?" She said nang sinimulang sumubo ng kanyang pagkain.

"Hindi naman, marunong lang," ang tipid na mga sagot nito.

"Online employee ka ba, parati ka kasing busy sa computer tsaka 'di pa kita nakikitang lumalabas, bampira kaba?" Hindi alam ni Raffy kung matatawa siya o ano kasi yung mukha ni Yna, seryoso pero yung tanong nakakatawa sa kawerduhan.

"Yes, Online ang work ko pero hindi ako bampira." Napangiti siya.

"Anong trabaho?" Habang patuloy na sumusubo.

"Online teaching pero college students. Tutorial in specific may online businesses din ako."

Ilang minutong pag-uusap, nakaramdam ng antok si Yna.

"Mukhang inaantok kana, you can rest, ako na ang bahala dito."

"Sigurado ka sir? Ok lang?" hikab siya ng hikab.

"Subrang inaatok na kasi ako, siguro dahil sa wine, nanibago, tagal ko nadin kasing di nakainom. Second year college pa ata ako nung first time kong uminom at panghuli before this."

"Yes, its okay, you can take your rest."

"Ok, thank you for the dinner and free service of washing our plate. Goodnight." She gladly said.

"Goodnight Yna." He said with a lurking smile on his lips.

Pagkatapos ay pumasok sa kwarto ang dalaga. Nakaya pa niyang magbihis at mag-toothbrush bago nakatulog.

Samantala, habang mahimbing na natutulog ang roommate ay sinamantala ni Raffy na hukayin ang loptop at cellphone nito para makahanap ng ebidensya kung spy ba talaga siya. Pati nadin locker at ibang storage niya ay pinakialaman niya dahil baka may baril ito at mahirap na, baka while tulog siya ay may gawin itong masama sa kanya.

Hankered Billionaire Series Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon