Dahan-dahang nilalakad ni Raphael ang hallway ng building ng Korte. Nanghihina ang katawan at para siyang nahihilo sa mga narinig at nalaman.
Gusto niyang saktan ang sarili baka sakaling hindi totoo ang lahat ng nangyari at panaginip lamang ito.
Pero, hindi siya nagigising. Nakapa niya ang dibdib at niluwagan ang necktie na suot para makahinga ng maayos.
Nakatulala siya habang nakatitig sa kung saan ang naabot ng kanyang mga mata.
Ito pala ang dahilan, kung bakit tinago sa kanya ang lahat.
Napaluha siya, pinilit niyang tanggapin ang lahat at 'wag magdamdam. Mahal na mahal niya si Yna.
Pero....
Isa na siya ngayong bangungot na dumating sa buhay niya.
Pinipilit niyang isiping kagagawan lamang ni Harold ang lahat pero pumapasok parin sa utak niya na si Yna ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang ina.
Saving Rowena's life kapalit ng buhay ng kanyang inang si Veronica made him feel the pain inside his heart and made him cry out loud.
Sinundan siya ni Kenzo mula sa malayo. He is now trying to observe and read Raphael's misery.
He will be his healer to his nephew's unforeseen situation.
And him will be his bloodiest war in psyche.
____________________________________________Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang kaso mula sa nakaraan na nagbigay ng matinding pagsubok sa buhay sa pamilya ni Raphael at Rowena.
Nakulong nadin si Harold ng panghabang buhay. Pero, hindi sa kulungan ng mga kriminal kung hindi sa kulungan ng mga baliw. Tinanggap ng korte ang psychiatric diagnosis niya na nilabas ni Raphael kaya natransfer ito.
Dalawang araw nading hindi nagkita si Raffy at Yna.
Dalawang araw ding walang ginawa ang dalaga kung hindi ang umiyak at tumulala sa loob ng kanyang apartment.Tinanggap na niya na pagkatapos niyang ibunyag ang lahat, matatapos nadin ang pagmamahal ni Raffy sa kanya.
Hindi na din siya pumasok. Pakiramdam niya, natahimik ang buong mundo sa nangyari.
Para siya ngayong bumalik sa nakaraan noong hindi pa niya nakikilala ang binata.
Napapaluha siya sa bawat oras na naiisip niyang, wala ng Raffy sa buhay niya ngayon at magsisilbi na lamang siyang nakaraan.
Nagising siya galing sa pagkakatulala nang tumunog ang kanyang cellphone at isang message ang dumating sa kanya.
Pinunasan muna niya ang kanyang mga luha dahil halos 'di na niya maaninag ang mga letra dala ng pagkakaharang ng mga luha sa mga mata.
Message: Goodevening Rowena, this si Alyana, kindly help, si sir Raphael lasing na lasing, ayaw niyang lumabas sa opisina niya. Ikaw ang tinatawag. Go to company ASAP!.
Nang matapos basahin ay agad-agad tinungo ni Rowena ang kompanya.
It's 9 pm pero wala siyang pakialam kung late na, baka kung ano ang gawin ni Raphael sa sarili.
Nang marating ang building. Pinasok niya ang main door. Wala siyang makitang mga bodyguards o security guards kung hindi kadiliman lamang.
Ginamit niya ang flashlight ng cellphone niya para bigyang ilaw ang madilim na nadadaanan niya.
Habang nasa elevator siya paakyat ng 18th floor, tinatawagan niya si Raphael pero hindi ito sumasagot.
Subra na siyang nag-aalala ngayon.
Nang marating ang 18th floor, kagaya ng main lobby, tahimik at madilim din ito. Medyo nakaramdam siya ng takot ngayon.
Bakit parang may mali? Diba dapat nakabukas ang mga ilaw kung may tao man sa floor?
Hindi muna siya humakbang, tinawagan niya ang number na ginamit ni Alyana kanina.
Pero....
Hindi na ito macontact.
Dinial niya din ang number ni Alyana na nakasave sa contacts niya.
Nagring ito at sumagot, bago paman siya nakapagsalita ay may biglang pwersa ang bumangga sa katawan at pumalo sa ulo niya na dahilan para mapasubsob siya sa sahig kasabay nito ang pagkakatapon ng kanyang cellphone sa kung saan.
Nakaramdam siya ng basang malagkit sa mukha niya. Mahapdi at masakit ang parteng pinanggagalingan ng likido.
Tumihaya siya para hanapin kung saan nanggaling ang pwersang iyon.
Nanlaki ang mga mata niya nang maaninag sa dilim ang isang lalaking hindi makilala dahil sa nakatakip ang mukha nito hanggang ilong.
Napasigaw siya.
Nanlilisik ang mga mata nito at akmang aatakihin siya pero buong lakas siyang umilag at tumakbo palayo.
Takot, sakit at panghihina ang nararamdaman ngayon ni Yna.
Isa lang ang sinisigaw ng utak niya ngayon,
Si Raphael.
BINABASA MO ANG
Hankered Billionaire Series Book 1
Misterio / SuspensoThe only son of a Business Tycoon was framed as a murderer for his own cousin. In the middle of hiding and finding evidences to clean his name, he found an ordinary lady that leads him to discover another issue of his family. He also found out that...