Chapter 15 (The backer's Warning)

205 9 0
                                    

"Anong kailangan kong malaman ngayon Garry?!"
Raffy said habang nasa confession room sila ni Garry.

Nakaupo siya sa harapan niya ngayon and ready to hear an information.

Nakapusas ang mga kamay ni Garry ngunit ang mga mukha nitong mabangis ay nahahaluhan ng kabutihan na makikita sa kanyang mga mata.

"Noong malaman ko na, binigyan mo ng libreng edukasyon ang anak ko. Nakabuo na ako ng desisyon na sabihin ang lahat ng nalalaman ko noon paman". Ang mahinahong wika ni Garry.

Napatawa ng hilaw si Raffy upon hearing that words from Garry.

"Mabuti naman at alam mo na ngayon kung sino ang dapat mong panigan? I did that because your daughter is still innocent, hindi siya pwedeng lumaking kagaya ng kanyang ama." He said na may kalakip paring galit sa kaharap.

Garry realized that Raphael is a good devil.

"Now.....tell me."

Huminga muna ng malalim si Garry bago nagsalita.

"Coincidence ang lahat, ang sasakyan ng nanay mo. Ibinigay ni Harold kay Salvador kapalit ng contacts ng grupo namin. Hiniram ko ang sasakyan na iyon kay Salvador dahil hindi na ito registered kaya perfect gamitin para sa isang krimen. At, hindi alam ni Harold na iyon ang ginamit kong sasakyan."

Tama nga ang magulong pagkakasabi ni Salvador. The story coincide to what Garry is saying right now.

"Nasaan ang sasakyan ngayon?!"

"Kinuha ni Harold ulit, pagkatapos ng krimen, nakipagkita ako kay Harold, para sa dagdag na amount na hinihingi ko. Nakita niya na ang gamit kong sasakyan ay sa kanya, tinawagan niya si Salvador at binawi ang sasakyan, mukhang hindi niya nagustuhan ang nangyari!"

"......at narinig kong sinabi niya kay Salvador na babawiin na niya ito dahil isa iyong ibidensya na dapat siya ang magligpit."

Nabanggit din ni Salvador na may ibedensya doon. Pero magulo ang mga katagang binitawan ni Salvador nang minsan niyang makausap ang lalaking iyon.

Raffy is now in the middle of analyzing the words from the messy sentences of Salvador to the detailed information of Garry.

Therefore, May kinalaman ang kanyang tiyuhin sa nakaraan ng kanyang ina. Hindi pa masyadong klaro ang lahat pero unti-unting may nakakalap siyang information about the past.

"Raphael, sa tingin ko, kailangan ko nading isakripisyo ang sarili ko para sa anak ko, pinag-isipan ko na to, alam kong mapapahamak ako, pero Raphael, pagkatapos ng lahat ng sasabihin ko ngayon sayo, nakikiusap akong sana bigyan mo ng proteksyon ang mag-ina ko, nakakulong na ako ngayon, sabihin ko man ang mga nalalaman ko o hindi, nasa panganib parin ang mag-ina ko."

He said na halos maiyak na. Garry was known as an assassin of the elite kriminal people kaya sigurado siyang mas marami itong nalalaman beyond thier expectations.

"Ano pang mga nalalaman mo?!" Muling nagkaroon ng interest si Raffy, an extreme one.

"Mangako ka muna sakin na bibigyan mo ng proteksyon ang mag-ina ko!" Ang pakiusap ni Garry na may kalakip na panghahamon.

"Ang mag-ina mo, nasa Mondragon Villa, ang asawa mo, kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa mansion ni Daddy kasama ang anak mo, may mahigit 100 na bodyguards ang Villa, ligtas ang mag-ina mo doon."

Tama nga si Raffy ng naging desisyon, kakagat si Garry sa paen niya. His weakness is his family. An now, Garry is willing to say everything to him kagaya ng naka-plot sa plano niya. Si Garry na mismo ang lumapit para sabihin ang lahat.

Hankered Billionaire Series Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon