Chapter 6

23 0 0
                                    

ADELAIDE

Gumising ako at 6 at pinaghain ng almusal ang dalawang pinsan ni satanas. Nagluto ako ng paborito naming maanghang na corned beef. Hindi naman nagtagal ay lumabas na sa guest room si Zaya na halatang bagong ligo. Zee has her own mini closet in the guest room just in case she wants so crash here. Si Aze naman ay kakagising lang ng dalawang ulo niya.

"Pssst! Goodmorning." Bati ni Zaya kay Aze at tinapunan ng throw pillow ang bakat nito. "Miss na miss na ata niyan si Patty ahh?" Tanong pa ni Zaya dito.

Napaismid naman ang isa at tinapunan siya ng medyas na alam ko suot niya kagabi. Tila sinampal ang mukha ni Zaya sa lakas ng pagkatapon ni Aze sa mukha niya.

"Ay piste! Ang baho... Hank Aziel Guivera!" Akmang sasalubungin ng kamao ni Zaya si Aze nang inawat ko sila.

"Ano ba?! Para kayong mga bata! Kay aga-aga ang iingay ninyo." Natigilan naman ang dalawa sa pagsasabat ko sa kanila.

"Si Montemayor ang nagsimula ng gu-" Hindi pinatapos ni Zaya si Aze at sinuntok ang tiyan nito.

"Aray! Ano ba!" Eksahaderang napahawak si Aze sa kanyang tiyan at minamasahe ito.

"Ayan. Okay na ako, kain na ta'yo?' Hinaplos-haplos ni Zaya ang likod ng isa na tila walang ginawang masama.

Inuntog ko ang ulo niya dahil alam kong nasaktan nga si Aze sa pagkasuntok niya. Bihasa siya sa martial arts kaya alam kong malakas siya. Black belter lang naman.

Talagang nasaktan si Aze nang itinaas niya ang t-shirt niya upang tignan ang kanyang tiyan, namula nga ito na parang magiging pasa.

Natauhan naman si Zaya sa nakita at nagmadaling kumuha ng ice pack sa freezer.

"Pasensya ka na pare, yan ilagay mo sa tiyan mo." Sabi pa nito. Makukonsensya rin pala ang hayop. Tinanggap ni Aze ang ice pack at nagpa-alalay patungo sa table.

Kumakain na kami sa lamesa at patuloy parin si Aze sa paglalagay ng ice sa tiyan niya. Sinusubuan siya ni Zee para talagang magsorry. Bittersweet.

Biglang nagbukas ang pinto ng condo at mabilis pa sa alas kwatro kaming nakapaghanda kung sakaling may susulong. Ngunit ang iniluwa nito ay si Ginger. May dala siyang kape.

"Oh? Bakit para kayong ninja turtles diyan? Ang tatanga niyong tignan." Napasinghap kami ng malalim. Bumalik naman kami sa pagkaayos ng upo. Pumunta si Ginger patungo sa amin at inilagay ang dala niya sa center island.

"Love kain ka muna, may bacon diyan." Panggagayak ko sa kanya. Sasagot na sana siya nang mapansin niya ang ice pack na hawak-hawak ni Aze. Napatingin siya sa aming tatlo na tila naghihingi ng paliwanag sa sitwasyon.

She threw all of us a deadly look and it landed on me. Wala akong nagawa kundi umamin.

"Nagkapikunan ang dalawa, kaya ayun sinuntok siya ni Zaya." Paliwanag ko sa kanya habang sumusubo ng pagkain ko.

Gee looked at Zee in mischief. Nilapitan niya si Zee at kinurot ang braso nito. Napaliyad naman ang isa sabay tayo para awatin si Ginger.

"Ikaw, ilang beses kong sinasabi sa'yo na wag na wag kang mamisikal kahit kanino." Paglilitanya ni Ginger dito.

"Aray naman kasi eh!" Si Zaya.

Natawa lang kami ni Aze dahil ang maangas na si Zaya ay walang kalaban-laban sa manipis na katawan ni Ginger.

Tinigilan na ni Gee si Zaya at ibinigay kay Aze ang dala niyang kape.

"Sayo na yan mainit pa yan para makapagrelax ang katawan mo." Tumayo naman ang isa upang salubungin ng yakap si GG at hinalikan ito sa pisngi.

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon