Chapter 21

11 0 0
                                    

ADELAIDE

Natapos na ang party at nagliligpit na kami ni Avery sa mga natitirang ulam. Sina tita at mama ay nakaupo sa lamesa nag-uusap. 

Lumapit sa akin saglit si mama at ibinigay yung mga ulam na natira sa lamesa.

"Anak, si Thryna pala, bakit hindi daw siya nakapunta?" Tanong niya habang hawak-hawak ang isang tupperware. Ipinapaabot niya ito kay Ry.

Gusto kong magsabi ng mga masasamang words. But instead, I took a deep breath.

"Ma, matagal na po kaming hiwalay ni Thryna. Nakalimutan niyo na ba?" Sagot ko sa kanya. Tiningnan ko naman si Avery na mapang-asar ngumiti.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko." Napangisi si mama. 

Nginitian ko lang siya ng tipid. Mabuti na lang at hindi na muling ibinanggit ni mama yung tungkol sa babaeng yun.

"Adeng okay yung mga kaibigan mo ah? Mayayaman pala, ang gara ng sasakyan! Mabuti yan." Sabi ni tita Mari. 

Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. Ano ang gusto niyang ipahiwatig?

"Mabuti rin po silang tao tita. Kayo naman." Pabirong sagot ni Avery dito. 

Sina Zee kasi ay nasa sala lang, hindi sila uuwi, dito daw sila magpapalipas ng gabi. Kilala na raw kasi ako ng Papa ni Gee at pumayag naman ito dahil kasama naman daw si Zaya.

"Hay naku! Ikaw Avery gayahin mo ang ate mo. Dapat kumaibigan ka rin ng mayaman para maranasan mo naman ang marangyang buhay at mga travel-travel kung saan-saan." Sabi naman ni tita Tess. 

Nakakainsulto na sila ah. Mahirap lang kami pero hindi naman kami mukhang pera.

"Masaya naman po kami sa buhay na meron kami." Sagot ko sa kanila. Tingnan ako ni Mama at sinenyasan na huwag na ituloy ang pagsasalita ko. 

Si mama kasi yung tipong mananahimik na lang para wala ng gulo.

"Sige na Ry, Addie, ayusin niyo na ang kwarto ninyo at doon matutulog ang mga bisita." Si mama. 

I know what she's doing, she's pouring water to the flame na hindi pa naman sumisiklab. We just sighed and listened to her.

Noong mga bata pa kami, kina tita kami nanirahan sa Gensan. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano, tinulungan nila kami, pero hindi ko talaga malilimutan noong may narinig si papa at mama na balita galing sa mga kaibigan rin nila.

Nagpahanda raw sina tita dahil sa wakas wla na daw yung mga pabiggat sa buhay nila.

Alam kong nasaktan si papa at mama noon ngunit pilit lang nila itong hindi ipinapakita at pinalaki pa rin kaming may respeto sa mga taong hindi naman karapat-dapat respetohin.

Ngayon nga lang nila kami kinamusta ulit dahil medyo nakaka-ahon na rin kami sa hirap, pero siguro kung hindi nangyari yun ay baka balewala lang ulit kami sa kanila. Napilitan nga lang sila sa amin dati.

Nagtungo kami sa sala ni Ry at naabutan namin ag tatlo na nanonood ng TV. They're all so focused. I cleared my throat that caught their attention. 

Sinabihan ko silang magpunas muna kung gusto nila. Alam niyo namana yung maarte sa amin. 

Naunang nagpunas si Gee sa kwarto habang si Aze naman ay sa common bathroom doon sa may kusina.

Umupo muna ako sa sala kasama si Zee at Avery. Napansin ko si Zee panay text sa phone niya at ang kapatid ko ganoon din. 

Palibhasa kasi nitong dalawa, may mga jowa.

"Hoy Zee, pakilala mo naman sa amin yung jowa mo. Parang tinamaan ka talaga ah." Pagsisimula ko. Medyo matagal na rin siyang ganyan per wala kaming kaalam-alam.

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon