Chapter 12

20 0 0
                                    

GINGER

Nanatili kami saglit sa bahay nina Addie bago nagpasyang umikot muna sa buong Marawi. Nagkwentuhan sina Aze, tita, at si Avery, close nga ang dalawa dahil madalas raw dumalaw si Aze dito upang tumulong sa kanilang karenderya at para makaipon na rin ng pera dahil may sahod naman ito sa kanila.

Nang papunta na kami, sinama namin si Avery para makabonding niya si Addie. Siya na ang naupo sa front seat habang nagsiksikan kami nina Addie sa back seat, siya ang nakatabi ko. Napansin kong may tension nga sa pagitan ni Zaya at Avery dahil mainit ang dugo ni Avery sa kanya.

Nagpunta kami sa Masjid Abu Bakr at sa Lake Lanao. We took pictures and just enjoyed the ambiance and the view of these wonderful places. Nagtaka nga ako at first if muslims ba sina Addie, but I came to know that they only live in Marawi temporarily. Sa Gensan sila dating nanirahan.

Nagplano nga ang Papa niya na magpatayo ng bahay sa CDO pag may sapat na pera na silang naipon. Isa rin daw ito sa dahilan bakit ayaw ni Addie magpagastos. My source? The one and only, Aze.

Hindi rin kami nagtagal sa paglibang, bumalik na kami sa bahay nina Addie after eating dinner at some restaurant. May bring home pa kami para kina tito at tita.

"Oh Ry, Ma, Pa, paano? Babalik na ho kami sa CDO." Paalam ni Addie sa kanyang magulang at kapatid.

"Oh sige, mag-ingat kayo sa daan ha? Sa susunod dito naman kayo magpalipas ng gabi." Mungkahi ni tito. Addie agreed and gave her sister and parents a last hug bago pumasok sa sasakyan. There's a hint of sadness in her eyes. She must have missed them so much tapos ang dali lang ng oras namin dito.

"Aze pare, favor naman oh. Ikaw nalang magdrive pauwi." Si Zaya na humuhikab na, malamang dahil inaantok na. Pumayag naman ang isa at sumakay na sa driver's seat.

"Pee, ikaw lang muna sa front seat gusto kong matulog eh." Paghihiling pa ni Zee.

"Fine. Basta ako magdedecide sa music ah?" Tumugon na ang isa at naupo sa kabilang tabi ko. I'm in between Zaya and Addie. This feeling is uncomfortable hindi ako makakapag phone kasi parang ang open ng space. Bulabog pa naman si Zee.

Napatingin ako sa aking harapan at nakita sina Patty at Aze na nagbubulungan ng mga joke na sila lang ang nakakintindi. Sa kabila ko naman ay ang natutulog na si Zaya, leaning her head on me. Sa isa pang kabila ay si Addie na nakatingin sa bintana at tila may malalim ang iniisip.

She may not be looking at me but I know she knows I'm looking at her.

"If gusto mo matulog just lay your head on my shoulder, I won't mind." Addie spoke in a baritone voice. Namula naman ang pisngi ko dahil hindi naman siya ganito ka thoughtful.

"Okay." Sabi ko nalang.

The timing was perfect cause Patty played Meghan Trainor's Just a friend to you. I looked at Addie but her eyes are stuck outside kahit tinted naman ang window. It hit me hard when the chorus came. 

When you say I'm just a friend to you, Cause friends don't do the things we do.

Addie grabbed my hand and intertwined our fingers. Nabigla ako... I never expected that to happen. "Saktan ka lang niya ng isang beses... at hindi ka na niya makukuha ulit."

She kissed my hand gently and never let go of it for the rest of the ride. She hid our hands behind a cushion.

I am screaming from my insides, kung nakamamatay lang ang kilig baka kanina ko pa nakita si San Pedro. I am smiling to myself cause I finally know that she cares about me somehow. I didn't know what happened next cause I drifted myself to sleep.

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon