Chapter 14

16 0 0
                                    

ADELAIDE

Mag-iisang linggo na kami hindi nagpapansinan ni Ginger dahil sa nangyari. I knew I upset her but what can I do? I was upset too.

We're in the middle of our first semester in second year and we all keep on grinding. Tomorrow is a long quiz for every subject so the University decided to give us a half day.

Patungo na ako sa gate nang may narinig akong tumatawag sa akin.

"Adelaide! Fausto!" Sigaw ng mga lalake na sina Greg at Dane. Mga tropa ni Aze sa Criminology. Ang tatangkad ng mga hinayupak kaya tumingala ako sa kanila.

"Ano ba kailangan niyo?" Tanong ko sa mga ito.

"Grabe ka naman, Fausto. Gusto lang namin magpaalam dahil doon kami tatambay sa apartment niyo ni Aze. Sabi niya kasi baka hindi ka raw magiging komportable." Pagpapaliwang ni Greg.

"Okay lang, mag-iinuman din kami nina Zendaya doon. Iligpit niyo lang ang mga kalat niyo pagkatapos."

"YESS! Salamat dai." Si Dane naman ngayon ang nagsalita. Nginitian ko lang sila ng tipid bago lumabas sa gate.

"Sabi ko sa'yo medyo mabait yun mukha lang siyang hindi mabait." Narinig ko ang isa sa kanila nagsalita. 

Ano ba naman ineexpect ko sa mga kaibigan ni Aze? Edi chismoso rin.

Nakarating na ako sa apartment at bumungad naman sa akin ang mataray na pagmumukha ni Patty. She is sitting on the couch while holding her beer staring at me. Bakit mag-isa lang siya dito?

"Ano?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

She just pursed her lips and smirked at me. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"I know what you did to my friend, Addie." She said drinking her beer still locking her eyes on mine. Hindi nagbibiro si Patty, she is dead serious.

"I understand you care about her. But it's between me and Ginger." I moved to the kitchen and grabbed myself a smirnoff.

"Addie-"

"Sino ba bumili ng mga ito? Ang dami ah?" I opened the drink with a spoon. Wala kasi kaming abridor.

"Addie ano ba?!" Patty exclaimed hitting the table with her palm. 

Natigilan naman ako. I stared at her for a bit before speaking.

"What do you want me to do? I already told you guys I am not ready for commitments and I don't deserve Ginger. Okay?"

"Atleast have guts to talk to her... heart to heart. And stop leading her on Addie, hindi marupok yan si Ginger pero pagdating sa'yo... I knew she took risk for you more than once."

Para naman akong binuhusan ng isang batis sa nalaman. I bit the insides of my cheeks thinking for a second.

"I will. Thank you for telling me this." I assured her. 

Kumalma siya at huminga. 

"Zendaya's driver brought those beverages. Nag out of town daw siya pero babalik naman yun before dinner." Sabi ni Patty. Madalas na nawawala si Zee tuwing weekends or holiday. 

"Napapadalas yung pagbibiyahe ni Zee ah? Saan daw siya pumupunta? I asked curiously.

"That I do not know, Addie. Basta I heard the girl she likes is cities away from here so baka doon siya pumupunta." Patty took the last gulp of her beer before sitting again in the couch. 

Tama nga ang hinala ko. She must be so serious of the girl she likes. Baklang 'to.

Tinanong ko ang kasama ko ba't siya mag-isa dito. Sinagot niya naman yung tanong ko sabi pa niya namalengke daw saglit sina Aze at Greg para mag grill ng barbeque at isda. Buti nalang at nauwi ako ng maaga baka mapaano pa siya dito.

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon