Chapter 17

11 0 0
                                    

ADELAIDE

"Ry, ano bang usapan natin? Huwag muna yan! Ang bata-bata mo pa Avery!" Sumbat ko sa kapatid ko. Nandito kami sa kwarto ng bahay namin sa Marawi.

Birthday ni Papa bukas pero lumuwas ako tatlong araw bago yun dahil sem-break naman.

"Eighteen na ako! Ate..." Sagot nito. Napaupo ako sa higaan dahil para akong nanghina sa nalaman ko.

Nagpapaligaw na si Avery. Hindi yun okay sa akin. Matalino siya at lahat kaya ayaw ko maging tanga siya sa ganyan.

"Hiwalayan mo yan! Hindi ako papayag! Sisirain ka lang niyan Ry! Ang dami mo pang pagkakataon." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang braso.

Tumutulo na ang luha ng kapatid ko pero kailangan niya akong intindihin.

"Ayan ka na naman ate eh! Hindi ka na naman nakikinig." Tinanggal niya ang pagkahawak ko sa kanya at tuluyang lumabas sa kwarto.

Napahilamos naman ako sa mukha dahil sa halo-halong emosyon.

Simula noong nasaktan ako dahil sa pag-ibig na yan, nangako ako sa sarili kong huwag hahayaaan si Avery na maranasan ang lahat ng naranasan ko.

I was 17 when I fell in-love with a person, whom I thought would be with me through thick and thin. Pero wala eh, mali ako.

Napatulala ako sa hangin nang bumukas ang pinto at inluwa nito si Mama.

"Nak, anong nangyari?" Tumabi siya sa akin at hinagod-hagod ang likod ko.

"Wala ma, kaunting tampuhan lang po namin ni Ry." Sagot ko sa kanya.

I am disappointed at Avery for her decision but I would never tell on her, not to our parents. It's not my story to tell.

Umamin siya sa akin kanina lang. Tapos ilang buwan na rin pala sila ng animal niyang jowa. Paano kung niloloko lang pala siya?

"Naku! Kayong dalawa palagi naman kayong ganyan kahit noong maliliit pa kayo. Nagmana kasi sa'yo yang kapatid mo kaya hindi kayo magkasundo. Parehas bossy hindi naman ma-amo ang mga mukha." Pagkukwento ni mama.

Nilait na nga niya kami, natawa pa talaga siya.

"MA! Ano ba naman yan oy." Kunwaring pag-tatampo ko sa kanya.

"Ikaw talaga ate! Halika nga dito! Ang sungit-sungit mo na, ikaw ba talaga ang panganay ko?" Tanong niya pa.

She's backhugging me, and I swear I've never felt home ever since. My mama's arms is just my safest haven.

"Adeng, mag-usap kayo ng maayos ni Ry. Birthday na ni Papa mo bukas, dapat magka-ayos kayo. Ha?" Paglalambing na paki-usap ni mama.

Napangiti naman ako humarap sa kanya.

"Opo, Ma. Sorry. Ngayon na nga lang ako naka-uwi tapos ganito pa." Kailangan kong huminto at huminga ng malalim. "Miss ko po kayo. Miss na miss ko po kayo." Niyakap ko siya ng mahigpit at tuluyang naiyak.

Hinintay niya muna akong kunalma at hinalikan sa noo bago humiwalay sa akin. She was just there, and it was more than enough to calm my weary heart.

"Magpunas ka na para makatulog ka ng maaga. Mamamalengke pa bukas." Paalala niya pa.

Tumango naman ako kaya umalis na siya sa kwarto. Bago ako magpunas ay naisipan ko munang uminom ng gatas.

Papalabas na sana ako sa pintuan nang marinig ko si Mama at Papa sa kusina nag-uusap.

"Saan na si Avery?" Tanong ni Mama kay Papa.

"Nasa kwarto natin. Umiiyak kasi kanina, kaya pinatahan ko." Sagot naman ni Papa sa kanya habang sumasalin ng tubig sa baso tsaka ito ininom.

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon