Chapter 26

15 0 0
                                    

ADELAIDE

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ni Avery ang buhok ko. We're invited to Zendaya's birthday party. 

You know Zee, no is not an acceptable answer. 

Si Ry lang ang nagpuntang Cagayan para dumalo, sina mama naman ay nagpa-iwan dahil busy sila sa karenderya.

"Okay na yan ate, maganda ka na." Sabi ng babae sa likod ko. 

Siya naman ngayon ang nag-ayos sa sarili niya nang tumayo ako sa kinauupuan ko. Masyadong girly kasi itong kapatid ko, kaya alam kong hindi yan gagaya sa akin. 

Hindi bakla yan. 

"Bilisan mo na diyan. Pupuntahan ko lang kuya Aze mo." Sabi ko dito at naglakad na palabas ng kwarto. 

"Naks! Ang ganda mo dai." Ani Greg. 

Nakaupo lang siya sa sofa habang naghihintay sa amin, sa kanya kasi kami makikisakay patungong mansion nila Zee. 

Mayabang akong tumango ako sa kanya at pinuntahan si Aze sa kwarto nito.

"Hoy! Bastos!"

"AHHHH!" This is horror. Tangayin mo ako lupa! Ngayon na!

Tinakpan ni Aze ang gitna niya at mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod ito. Nakahub't hubad pala siya pero hindi man lang naglock ng pinto. Punyeta talaga!

Jusme ang haba!  

Tinakpan ko naman ang mata ko at agad ring isinara ang pinto. 

Nagsipuntahan si Ry at Greg patungo sa akin dahil siguro na alarma sa pag-sigaw ko. 

"Hoy okay ka lang?" Kinalog ako ni Greg sa balikat habang si Avery ay nag-alala nga pero pabalik-balik tingin pa rin sa dala niyang maliit na salamin na may kasamang foundation.

Tinignan ko lang silang dalawa, hindi ako makapagsalita. 

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalakeng may mahabang ano. 

Napatulala akong tumingin sa kanya habang inaayos niya ang suot na long-sleeve polo at tiklupin ito hanggang siko. 

"Si Addie. Naninilip ng katawan ng may katawan." Saad ni Aze na nagpabalik sa akin sa realidad na kupal nga pala tong kasama ko sa bahay.

"Asa ka." Napaismid ako sa kanya.  "Ano? Okay na ba tayo lahat? Saan na ang mga regalo?" Tanong ko sa kanila. 

Si Avery parang bulate hindi mapakali hangga't hindi maganda. 

Edi gagalaw-galaw siya habambuhay.

"Nasa sasakyan na. So ano? Tara?" Tanong ni Aze sa amin. 

Wala nakaming inaksayang oras at umalis na pagktapos check-upin lahat ng gamit sa bahay pati yung mga nakasaksak na appliance at ilaw.

Nang makarating kami sa venue, grabe sobrang ganda at marami ring bonggang ilaw sa harapan ng bahay nila. 

Dinner kasi ang celebration sa birthday ni Zee. Hawak-hawak ko ang regalo ko sa kanya, nakalagay ito sa isang box at ang regalo naman ni Avery ay parang picture frame or painting. 

Nakabalot ito kaya hindi ko rin alam kung ano ang laman.

"Guys! Hi! Thank God at nakarating kayo." Patty met us in the entrance and let some sort of a butler or usherette take our gifts. 

We just followed the lady who lead us into a beautiful garden with numbers of table covered in a fancy golden and silver mantles.

This is a huge party. 

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon