Chapter 13

20 0 0
                                    

ADELAIDE

Napapadalas ang pagdalaw namin sa Marawi simula noong summer hanggang ngayon na balik-eskwela na. We often go there during semestral break. Avery is on her last SHS year so nakipag-usap ako kay Aze na maghanap na sana kami ng mas malaking bahay para magkasya kaming tatlo.

Hindi naman umangal ang isa at nagsimula na ngang magtanong-tanong ng mapagrentahan namin. I keep working as a cashier at a teashop samantalang si Aze naman ay dishwasher, parehas kami ng pinasukang trabaho.

"Pare, pwede bang ipaalam mo kay boss na hindi ako makaka full-time? May importanteng bagay kasi akong aasikasuhin eh." Si Aze habang niligpit na ang kanyang bag. Nandito kami sa worker's quarters.

"Oo naman. Basta wag kang umuwi mamaya ng hatinggabi ah?" 

May curfew kasi si Aling Sasing na 10pm sa apartment lalo na kapag estudyante. Ilang beses na ring matagal umuuwi si Aze kaya ako ang napapagalitan.

"Wag ka mag-alala diskarte ko na yun. Tenchuu!" Tumakas na nga ang mokong palabas pero ginawaran muna ako ng flying kiss bago tuluyang naglaho sa paningin ko. Napailing nalang ako.

Night shift ako ngayon dahil may klase na at 9 pm matatapos ang shift ko kaya naman kumakain na ako ng hapunan kahit alas singko palang. Nagsisidatingan na ang mga richkid naming costumers at ang iba ay mga professionals na, madalas mga prof namin.

Work, work, work, work, work.

Ilang oras ang lumipas at nagsimula na kaming magligpit, saka naman pumasok si Zee na may dalang pagkain.

"Addie, tara kain tayo sa inyo." Pag-aaya nito habang nakasandal ang kanang kamay sa counter. Napatingin ako sa dala niyang burger king. Syempre hindi naman ako bobo para umayaw diba?

"Sige. Kunin ko lang yung bag ko." Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko sa quarter at lumabas na.

Nang nakaratig kami ni Zee sa apartment ay siya na ang nag-ayos ng pagkain at inumin sa sala. Punyeta may pasok pa bukas.

"Bakit may alak?" Tanong ko sa kanya naglalakd ako palapit sa sala. 

"Wala akong balak sa'yo siraulo. Akin na lang lahat yan kung ayaw mo." Sabi niya habang kumakain ng burger.

"Okay na ako sa isa. Anong atin?" Tanong ko habang binubuksan ang can ng beer.

"Wala pare. May gusto kasi ako, kaya lang strikto ang magulang at mga kapatid." She looked sad when she stated it.

"Edi hintayin mo. Ang hina mo naman!" Sabi ko dito habang tinapik ang braso niya.

"Talaga ba? Gagana ba yan?" Uminom siya ng beer at pinukulan niya ako ng tingin na may bahid ng pagdududa.

"Depende kung gusto niyo pa ang isa't isa. Tss! Okay lang yan. Marami namang iba pag hindi gumana eh!" Pahiwatig ko.

"Gago hindi ako ikaw! Mabuti nga at hindi napunta sa kapatid mo yung karma ng kagagohan mo." 

Napatingin naman ako sa kanya. Kailan pa siya may pakialam kay Avery? Okay na ba sila?

"Hoy Zendaya. Kahit minsan ay walang naglakas loob para ligawan yang si Avery dahil ako ang ate niya at hindi pa dapat siya sumasabak sa ganyan." Napainom naman ako ng beer dahil hindi ko bagkus maisip kung may manliligaw kay Avery.

"Whatever. Saan pala si Aze at ikaw lang yung naabutan ko?" Zee turned the tv on and watched myx daily top 10. Cute daw kasi si Vj Chino.

"Ewan ko basta nagpaalam siyang umalis, dumidiskarte siguro dahil may balak siyang bumili ng motor eh." Pagkukwento ko. Naubos ko na yung burger at akma ko sanang kukunin yung pangatlong dala niya.

AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon