CHAPTER 3

117 5 0
                                    

Celine's POV.

" Congratulations, Celine."

" Bagay talaga kayo ni Daniel. "

Lahat naman ay nakatingin sa akin habang nag lalakad kami ni Daniel Lesley Selvestre sa Engagement Ceremony namin.
He is my future husband at hindi ko na siya papakawalan pa kahit kelan dahil nakikita ko na ang future ko na nasa bisig niya.

" Let's greet today's stars Celine Dana Quintana and Daniel Lesley Selvestre." pabungad ng emcee. Napakasaya ko ngayon dahil sa tagal ng relationship na meron kami ay sa wakas nag proposed na siya sakin.

*Smiled*

" Daniel, alagaan mo ang anak namin alam mong napakahalaga ni Celine . Bukod sa maganda na ay matalino din para pamahalaan ang Palace Company." ani ni Daddy at feeling ko tuloy tinatakot siya ng parents ko.

" Si Dad naman. Tinatakot niyo si Daniel." paglalambing ko kay Daddy kaya napatawa kami. Nilingon ko naman si Daniel na mukhang hindi ata masaya.

" Ayos ka lang ba?. " taka ko pero ngumiti lang siya ngunit pilit.

" Doon muna ako sa mga Buddies ko. " paalam niya kaya tumango nalang ako.

" Anak, alam kong nag-aalala ka sa pakikitungo ni Daniel pero normal lang yan sa mga lalaki." napatingin naman ako kay Mommy dahil mukhang na halata niya na kinakabahan ako.

" Baka po kasi hindi matuloy dahil hindi siya masaya tapos umurong siya." nanlumo naman ako kaya niyakap ako ni Mommy.

" Normal lang na makaramdam kayo ng ganyan pero malalagpasan niyo rin ang unang pagsubok niyo." ani pa ni Mommy kaya nabuhayan ako ng loob at di na masyadong mag alala.

" Thanks Mom, because you always came to advise me. " I smiled at my mom and hoped we could overcome the trials that hindered us before the wedding.

Celestine's POV.

" Mom? Kahit kelan ba hindi niyo ako kayang piliin? Kahit dito...-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tuluyan ng umepekto ang sleeping pills sa katawan ko.

Naramdaman kong gumaan ang katawan ko pero kahit napagakaganda ng pakiramdam ko ngayon ay di parin umalis ang sakit na nasa dibdib ko. Mga galit na kinimkim ko na sana ay nailabas ko manlang o nasabi sa harapan nila. Noong una alam kong wala akong karapatan dahil magiging masama ako sa harap nila kung makikihati pa ako sa attention nila para kay Ate Celine pero ngayon parang gusto kong bumangon at bumalik ulit sa katawan ko para sampalin sila at iparanas lahat ng sakit ngunit hindi ko na magagawa yun.

Mali ba ako na nagawa kong magparaya sa harap nila kaya ngayon ako din ang nagdusa dahil nilubos pa nila.

Mali ba na kamuhian ko kahit sa pagkamatay ko ang magulang ko dahil kinuha nila pati ang buhay na meron ako?.

" Bumangon kana." narinig naman ako ng malalim na boses ng lalake sa kung saan.

" Bumangon kana, New born Goblin." sa di malamang dahilan ay may kung anong tumagos sakin at bigla akong napadilat. Nilingon ko naman ang paligid at nasa loob kabaong ako.

"Tulong!." dahil sa liit ng espasyo ay hindi ako makahinga. Hahampasin ko na sana ang kabaong pero tumagos ang kamay ko rito. Binangon ko naman ang katawan ko at natagpuan ko ang sarili ko sa sementeryo.

" Patay na bako?. Multo ba ako?." taka ko. May nahagip naman ako na isang sapatos na nakinang kaya tumingala para malaman ako kung sino siya.

" Nakikita mo ko?." taka ko. Dahan dahan akong tumayo at tiningnan kung totoong multo na ba ako. Isang tahi ang may malapit sa puso ko ang napansin ko.

" Kung ganoon patay na ako?." di naman ako makapaniwala at halos gusto ko ibuhos ang galit ko ngayon na mismo.

" Hindi ka patay at hindi karin naman buhay." ikling sagot niya sakin.

" So saan ako nabibilang ngayon? " halos maluha ako hindi dahil nabuhay ako o namatay kundi dahil sa masaklap na naranasan ko.

" Papatayin ko sila." aalis na sana ako ng pigilan niya ako na ikinagulat ko dahil nahawakan niya ako.

" Huwag mong gagawin yan." awat niya sakin at inintay ko naman ang paliwanag niya.
" May dahilan kaya binigyan ka ng pagkakataon na mabuhay. Ang mga goblin na katulad mo ay nabuo sa pasakit at kakulangan sa kanilang pag katao. Hinahayaan kayong maglakbay sa lupa para hanapin ang kapayapaan na hinahangad ng kaluluwa niyo at ang matindi niyong kalaban ay ang mismo sakit na dinadala niyo. Kung magpapalamon ka sa masama at papakealam ang mga tao ay kailangan kananaming hulihin at hindi kana makikita kahit saan mang lupalop." paliwanag niya pa.

" Alam mo naman siguro kung paano ako namatay at alam niyo rin na kung mabubuhay ako ay malaking kasalanan ang magagawa ko sa langit. Kaya bakit mo pa ako ginising?" panggagalaiti ko sa galit.

" Dahil may kinalaman sa pagkamatay mo ang tinutugis kong masamang goblin at kailangan kita para...-" di ko naman siya pinatapos at napatawa.

" At sa tingin mo naman tutulong ako?." tanong ko at halatang naman na di ako interesado sa alok niya.

" Ito ang tandaan mo kahit na maging masama din akong goblin at tugisin ng katulad mo ay di parin magbabago ang desisyon kong parusan ang mga katulad ng bwisit kong pamilya." ani ko at tumalikod.

Mukhang bago pa ang hukay at kakalibing ko lang kaya malamang masaya sila ngayon dahil normal na ang buhay ng favourite nilang anak.

Balang araw ipapatikim ko sa inyo ang paghihiganti ko na masahol pa sa tinanggalan ng puso.

Sisiguraduhin kong hindi kayo mamamatay agad dahil masasama kayong damo. Ipaparanas ko sainyo ang masunog ng dahan dahan sa impyerno.

Kayo ang dahil kung bakit ako naging masama at kayo din ang dahil kaya ako bumangon sa hukay.

This is my last cry because I will make sure you feel how much pain you all caused me.

* 10 years after *

" Ang sweet niyo namang mag-ina. " bulong ko habang nakatingin sa kanila mula sa malayo.

Engagement Ceremony?

Para sa taksil ko Jowa at sa mapagpanggap kong ate Celine. Bagay nga sila parehong peste.

" Lasapin niyo na ng buhay na meron kayo habang mabait pa ako. Salamat kayo binigyan ko pa kayo ng ilang taon para magsaya sa tagumpay ninyo. " ani ko ng mahina kahit na kaya ko pasabugin ang Venue ng ceremony sa isang iglap ay nasa tamang pagiisip parin naman ako kaya lalaban ako ng patas.

Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin.

" Diba ikaw si Ms. Audrey Chinna Belleza na anak ng bagong may ari ng Raven Group of Companies?. " napalingon naman ako sa kumakausap sakin at ngumiti ng peke.

" Oo nga ikaw nga." ani pa niya, aalis na sana ako pero mukhang matatagalan pa ako dito dahil may nakakilala sakin.

" Ms. Belleza, nandito po ba kayo para batiin ang hiridera ng Palace Company?." masayang tanong nila. Tiningnan ko naman siya mula sa malayo at napaiisip na hindi pa panahon para makilala nila ako.

" No, I accidentally passing by here pero hindi din ako magtatagal. Pakipahatid na lang ng pagbati ko sa kanila." ngumiti ako ng peke para di nila masabing masama ang ugali ko.

" Osige po Ms. Belleza. Mag ingat po kayo." paalam niya naman.

*Tsk*

Iba talaga nagagawa ng pera.

Nakakapagpaamo ng mga tuta sa paligid.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon