CHAPTER 19

54 2 0
                                    


Sighing

"O, sige. Sang-ayon ako. Within this month, I will assure you all na mas aangat ang ratings ng company. Manuod ka lang." Nilingon ko naman si Aubrey at nilisikan ng mata pero kagaya parin ng dati... Mataas parin ang tingin niya sa sarili.

"So, Tapos kana ba mangako? Pwede na ba kaming umalis? Kasi... busy ako nagyon e. Tumawag kasi si Mr. Selvestre at gusto akong makausap." Tumitig naman siya sa phone at halatang pinapahiya talaga ako. Nilibot ko naman ang paningin ko sa mga shareholders at lahat sila sa'kin nakatingin.

"MS. BELLEZA, mukhang malabo ata ang paningin mo at pinagkakamalan mo ang fiancé ko na papatol sa katulad mo. Hay, ganyan ka ba talaga ka desperada sa boyfriend ko?"

"Hala hindi no. Actually, nakailang missed calls na nga siya at dahil close friend na kita ay hindi ako papatol sa kaniya," aniya at lalong nagbulungan ang mga tao sa paligid.

"Kung ganoon Ms Aubrey, totoo ang balita pati 'yung video."

"Kung ganoon tama ang hinala ko obsessed si Mr Selvestre kay Ms Aubrey."

"Mahirap talaga pag sinilang ka na perfect at hanga ako sa kabutihan mo Ms Aubrey kasi pinatawad mo parin 'yun."

Nagkalat naman ang papuri kay Aubrey at kahit isa man lang ay walang nagbibigay ng opinion sa pagiging ahas niya.

"Tumigil na kayo! Wala na tayong topic kaya dismissed!" sigaw ko pagkatapos ay marahas na kinaladkad ang bag ko at iniwan sila.

"Aubrey! Aubrey! Aubrey! Lagi nalang Aubrey! Mabait daw at perfect! Ano naman, halatang balat kayo n'ya lang 'yun total naman maraming pagbabalat na ginagawa ang ahas!" sigaw ko sa hallway at kinuha ang phone at tiningnan kung may message si Daniel pero blanko ang nakita ko.
Mas inuna n'ya pa tawagan ang kabit n'ya kaysa sa'kin!

"Wuah~"

"Ma'am Celine, kumalma po kayo," natatakot na paghinahon sa'kin ng secretary ko.

"Kumalma? Tingin mo magagawa kong kumalma kung pati company namin balak agawin ng babaeng 'yan?" Pagkatapos ko sumigaw ay nakita ko ang reflection ko sa Glass door ng office.

"Kailangan ko nga talagang kumalma. Baka masira ang ganda ko sa kakaisip sa kaniya at pagiging peste niya," ani ko at inaangat ang mukha ko.

"Sundan mo si Aubrey kung saan pupunta at kung makita mo na kasama si Daniel, ibalita mo agad sa'kin," utos ko at yumuko siya.

"Masusunod po, ma'am."

(Third person's POV)

"Teka si Ms Belleza ba 'yun?"

"Ang ganda n'ya nga talaga sa personal."

"Balita ko, hindi siya mag sasampa ng kaso kay Mr Selvestre kahit na may ginawa sa kaniyang masama."

"Oo nga, ang sabi pa hindi na daw niya palanagutin ang kahit na sino basat kalimutan nalang daw. Napakabait niya naman at ang narinig ko rin ay yung secretary nila ay dating katulong lang na pinaaral nila at bukod doon ay marami pa siyang natulongan. Maganda din ang pakikitungo nilang mag-ama sa mga trabahador nila pati sa mga clients."

"Sana makausap ko siya sa personal."

Halos umalingaw-ngaw ang bulungan sa paligid nang lumabas si Aubrey at pagkumpulan din siya nang mga shareholders.

"Alam mo sana ikaw nalang ang magpatakbo sa susunod ng Palace Company. Paniguradong sisikat 'to," pagpuri kay Aubrey kaya natawa nalang siya.

"Ano po ba kayo mas maganda parin kung galing sa Quintana tsaka shareholders lang naman po ako at baguhan pa sa company." Tumanggi naman si Aubrey pero mukhang siya ang gusto ng mga kasamahan niya na maging CEO.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon