CHAPTER 28

35 3 0
                                    

Ilang oras nang nawawala si Bryan at kahit si Celestine ay hindi matagpuan ang aura niya.

Samantalang ang katotohanan ay nagtungo siya kung saan naroon si Celine. Kasalukuyan naghahanap ng trabaho upang makaraos sa biglaang hirap.

"Sorry po ma'am pero late na po kayo, tapos na po ang interview para sa mga applicant." Harang sa kaniya ng guard matapos lumagpas sa oras ng interview.

"Ano ka ba! Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang dating may-ari ng Palace Company kaya dapat priority ako dito!" bulyaw ni Celine kahit aplikante lang siya.

"Palace Company?" -guard

"Oo, Palace Company nga kaya paraanin mo ako. I need to talk your superior!"

"Wait ma'am, kayo 'yung sikat na babaeng naging CEO ng ilang araw 'diba? Haha, tama! ikaw 'yung dahilan kung bakit nalugi ang Palace Company!" Isang babaeng mukhang architect sa company na t-trabahuhan niya ang nakapansin kay Celine dahil sa pang i-skandalo niya sa labas ng building.

"May lakas nang loob ka pang mag- apply sa kabila ng kahihiyan mo?" isang babae pa ang nakapansin at lumapit sa kaniya.

"Payo lang, layuan mo na ang field ng architecture dahil mukhang 'di ka qualified. Background mo palang ay hindi ka na tatanggapin. Mag Call Center ka nalang po mag model sa kalsada kung gusto mong kumita ng malaki. Haha~" Nagsipag tawanan sila at sa galit ni Celine ay hinatak niya ang buhok ng dalawa at binalungbon.

"G.R.O? Mas mukha pa nga kayong pokpok sa'kin! Ang kakapal ng mukha n'yo! MGA PANGET!" sigaw niya na mukhang walang mailabas na pambato sa mga mapanghusgang babae na nasa harap niya. Agad siyang inawat ng guard at itinulak palabas.

"Kung mag s-skandalo po kayo ay umalis nalang po kayo bago pa po namin kayo ipadampot sa awtoridad!" sigaw ng guard sa kaniya. Muntik matumba si Celine dahil narin sa pointed na takong ng sandals niya. Nang may umalalay na kamay sa kaniya sa likod.

Tumagal ang minuto ang pagalalay ng kaniya at hindi siya agad nakagalaw ng makitang si Bryan ang taong tumulong sa kaniya na 'di matumba. Tumagal ng saglit ang titigan nila at si Bryan na mismo ang nagputol nun. Tumitig ng masama si Bryan sa mga taong nang api kay Celine habang inaalalayan siyang makatayo.

"P-pasensya na po, H-Hindi namin siya itunulak! S-S-Si manong guard ang sisihin n'yo! Makaalis na nga rito," agad na naghugas kamay ang dalawa. Lalapit nasana sa kanila si Bryan ng pigilan siya ni Celine.

"Ayos lang ako, hindi ko kailangan ng tulong." Habang nagsasalita si Celine ay ramdam ang takot at 'di pag titig niya kay Bryan kaya 'di mapalagay si Bryan.

"A-Alis na ko-"

"Aalis ka na agad ng hindi pa nag aapply? Tara, sasamahan kita sa loob," singit ni Bryan pero ng hahatakin niya si Celine ay kumalas ito.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya layuan mo na ako~" bigkas ni Celine at diretsong tumingin kay Bryan.

"Bakit naiwas ka? Dahil ba kay Aubrey? Dahil ba-"

"Mr Scoth, tigilan mo na nga ang pagiging mabait mo! Simula ng makilala ko kayo ni Aubrey ay nag kasira-sira na ang buhay ko. Alam kong hindi coincidence ang mga nangyayari! May mga sa demonyo kayo, kaya layuan ninyo ako dahil ayoko na ng gulo!" bigkas ni Celine pero hindi siya tinigilan ni Bryan. Tatalikod na sana si Celine nang pinigilan siya ni Bryan sa braso.

"HINDI KA PARIN BA TITIGIL-"

"Esperanza~" Bahagyang napatigil sa sermon si Celine nang marinig ang pangalang binigkas ni Bryan. Isang kirot ang naramdaman niya at 'di napigilang maluha.

Napapunas siya sa tumulong luha at hinarap si Bryan. "Nabibiro ka ba? Esperanza? Lasing ka ba o kung ano para kalimutang Celine ang pangalan ko!"

"Esperanza, 'di mo ba ako naalala?" Tanong ni Bryan at napahinto ulit si Celine.

"Espe-"

"TUMIGIL KANA!" malakas na sigaw ni Celine. "Kung sino mang Esperanza ang tinutukoy mo ay hindi ako s'ya, at hindi ko papangarapin na maging siya o magkaroon ng koneksyon sa katulad mong halimaw!" Kinagulat ni Bryan ang narinig niya kay Celine, sabay umatras ito ng ilang hakbang at tumingin sa kaniya.

"Naalala ko... 'y-yung g...g-ginawa mo para maligtas ako sa sumabog na room sa hotel nang nasa palawan tayo. P-Pati 'yung ginawa mo sa restaurant. H-Hindi ko alam kung baliw ba ako, nag hallucination lang o kung ano, para paniwalaan ang nakikita ko pero... isa lang ang maliwanag sa'kin ngayon. Hindi ka tao, halimaw ka, multo o maligno na mula kung saan."

Hindi nakasalita si Bryan sa narinig mula kay Celine at ang katotohanang nagawang labanan ni Celine ang pagkabura niya sa alaala nito.

"Layuan n'yo ako, nangako ako kay mommy na hindi na lalapit sa katulad ninyong halang ang kaluluwa! Mga walang awa!" masakit na aniya na may namumula at namamasang mata.

Tatlong bagsak ng palakpak ang narinig nila kasabay ng tunog ng takong na pahakbang papalapit. Nilingon nila ito kung saan galing at bumungad nanaman ang nagpapairita sa araw ni Celine.

"Wow, Coming from you?" taka ni Aubrey at napatakip ng bibig nang bumungisngis.

"Ehem~" Tiningnan silang dalawa ni Celestine na nagtataka.

"Teka? Mukhang na nakagulo ko ata sweet moment ninyo?" Lumapit naman siya kay Celine at inangat ang mukha nito. "Aish! Nagbreak ba kayo agad? Nakakaawa kanaman, sunod kasi galingan mo pa ng panlalandi para 'di ka iwan." Napatawa ulit si Aubrey sa pangangasar niya kay Celine na halatang pikon na.

Bigla nalang nakisali si Bryan at hinatak ang kamay ni Aubrey palayo kay Celine. "Aubrey, tumigil kana."

"Mukhang tapos na ko rito, kailangan ko ng umalis," biglang paalam ni Celine at iniwan si Bryan habang pinipigilan si Aubrey.

"Teka, Celine. Ayaw mo ba mag lunch? Hoy! Haha," tawag pa ni Aubrey pero 'di sila nilingon ni Celine. Nang makalayo si Celine ay nagbago ang expression ng mukha ni Aubrey at bumagsak ang mukha at naging palaban. Hinatak niya ang kamay niya na hawak ng mahigpit ni Bryan pero wala atang plano bitiwan siya.

"Hindi ka parin ba titigil Celestine tungkol sa kapatid mo? Tumigil kana!"

"May ginawa ba ako? H'wag mo nga ako paratangan! Tsk!"

"Anong ginagawa mo rito! Siguro sinu sundan mo si Celine para maghiganti pa, no? Celestine kapatid mo siya kaya-"

"TUMIGIL KA NGA!" sigaw ni Celestine kaya napahinto sa pagsasalita si Bryan.

Imbis na sabihin ni Celestine ang tunay na pakay niya kaya siya naroon ay lalo lang niya pinaliyab ang baga.
"Ano naman kung nandito ako para mapahirapan pa siya? Eh, dun ako masaya e, kahit pa patayin ko siya hindi ko kailangan ng consent mo-"

Nanlaki nag mata ni Celestine ng bigla siyang hinawakan sa magkabilang braso ni Bryan at halos bumaon ang kuko niya rito. "Subukan mong saktan si Celine, ako talaga ang tatapos sayo."

"Bakit, pati ba ikaw na akit ka na niya? Hayop ang ganda naman ata ng kambal ko na pati reaper walang takas," asar ni Celestine habang pinipigilan ang sakit at selos na nararamdaman niya.

Napatingin si Bryan sa braso ni Celestine kung saan nakabaon ang kuko niya at nag dudugo ito, kaya napabitaw siya pero huminto ito sa pagdaloy ng dugo. "C-Celestine," tawag niya kay Celestine pero hindi siya pinansin kung saan man siya nakaturo.

Sighing, "Akala ko iba ka sa kanila pero ganon na karin pala," panlilisik ni Celestine.

"H-Hindi sa ganoon, may kailangan lang ako malaman-"

"TUMIGIL KA! ayoko marinig ang paliwanag mo. Ayoko masaktan at marinig nanaman ang mga dahilan ninyo, dahil parehong lang ang mga katwiran ninyo," ani ni Celestine.

"Simula ngayon, piniputol ko na ang relasyon ko sayo, ayoko na makita ang pagmumukha mo!"

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon