CHAPTER 1

128 5 0
                                    

Nakaconfine ako sa Hospital at ang naghihintay na ang mga doktor para isagawa ang heart transplant ng kambal ko.

" Anak, patawarin mo si Mommy and Daddy," panghihingi nila ng tawad habang umiiyak.

"No, Mom. Kaya ko pa naman mabuhay diba? Daddy pigilan niyo si Mommy!" halos 'di tumitigil ang aking luha sa pag-iyak habang pinipilit na makagalaw at 'di makatulog.

" Mom, anak niyo rin ako diba? May paraan naman para matanggal ang Tumor ko sa utak kaya huwag niyo po sa'kin gawin ito. Please!" pagmamakaawa ko pero mukhang 'di na ata mababago ang pasya nila.

"Dad?" Kahit na bumibigat na ang talukap ng aking mga mata ay pinipigilan ko parin dahil alam ko kung ipipikit ko ito, hindi ko na magagawang dumilat ulit.

" Mom? Kahit kelan ba hindi niyo ako kayang piliin? Kahit dito lang?" gusto kong sumbatan sila daddy at mommy pero mukhang di ko na kaya.

They are my parents but to make a decision like this is such unforgivable. I'm their daughter but I can't feel that they love me. Alam ko na sila ang nagbigay buhay sakin, pero hindi naman tama na kunin nila ito basta-basta. Mayaman kami para ipagamot ako at ipadala sa America para sa operations pero 'di nila ginawa.

Si ate Celine lang ang mahalaga para sa kanila, kaya kinaya ng konsensiya nilang mamatay ako. Puso ko ang kailangan para mabuhay siya, pero huwag sana nilang kalimutan na anak din nila ako.

Since I was young I didn't get the attention of my parents. I was at home while they were in the hospital to wish my twin a Happy birthday. But they didn't even think of me, in fact it was also my birthday too. I tried to be a Valedictorian when I'm in elementary so that they see me and be proud but in graduation day, no one comes.

I love them at lagi ko sila inuunawa, pero ngayon hindi ko na kaya pa. Dahil Kinuha nila ang pinakamahalagang bagay na meron ako, ito ay ang aking puso.

* Months Ago*

"Daniel, bakit mo pala ako pinapunta sa gantong lugar? Siguro may surprise ka? Nakakahiya naman." ani ko at medyo kinikilig. Sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon niya lang ako niyaya lumabas, kaya medyo nahihiya naman ako dahil hindi ko napaghandaan.

"Dapat sinabi mo na may date tayo para nakapagsuot ako ng maganda." sabi ko habang namumula, pero nakapagtataka dahil tahimik lang siya

"Ayos ka lang? Hindi ba tayo gagala?" taka ako pero parang may gusto siyang sabihin.

"Daniel?" tawag ko sa kaniya at hinawakan ko ang ulo niya, dahil baka may lagnat siya pero wala naman. Lumayo naman siya sakin, na parang may nakakahawa akong sakit.

"Sorry Celestine." napatahimik naman ako ng bigla siyang magsorry pero nagkunwari akong walang narinig.

"Ano ka ba bakit ka nanghihingi ng tawad, tara na gala na tayo." Hinila ko naman siya agad pero hindi siya nagpahila at nakatayo lang sa isang puwesto.

...

"Let's Break up." napangiti naman ako sa kaniya at napailing.

"Joke yan right? Baka nang p-prank ka lang? Wait, saan ang camera?" nilibot naman ng paningin ko ang paligid pero wala akong nakitang camera. Hindi to totoo, Baka panaginip ko lang to.

"I'm inlove with Celine. Una ko palang siyang nakita kahit nasa hospital lang ay nagkagusto na ako sa kaniya. Actually palihim akong pumupunta sa hospital para lang dalawin siya, dahil masaya ako pag nakikita ko siya." paliwanag niya.

"Mahal mo siya kahit unang kita mo lang kay ate Celine? Diba boyfriend na kita nun?" Halos 'di ako makahinga dahil mukha na pala akong tanga sa relasyon na ito. Kaya pala ang lamig niya sa'kin at laging umiiwas.

"Teka, tayo tapos nanliligaw ka kay ate Celine? Binibiro mo ba ako!" sinampal ko naman siya, dahil sa nalaman ko. Bakit niya nagawa sa'kin ito? Mahal ko siya at kahit kelan hindi kita pinaghinalaan at nagbulag-bulagan parin ako sa mga nakikita kong kilos mo.

"I'm sorry Celestine. Please don't be mad at your twin sister. It's my fault at kahit na pinipilit ako ni Celine na layuan ko siya, ay 'di ko parin magawa. Pagod na akong itago sa iba ang nararamdaman ko para sa kaniya. Natatakot ako din na baka huli na bago ko pa mapagsigawan na mahal ko siya." Halos maiyak ako at gustong humagulgol pero hindi ko magawa, dahil sa ate ko mismo siya nagkagusto.

"Alam mong maikli nalang buhay ni Celine kaya gusto ko siyang makasama kahit sa ganitong paraan lang. Patawarin mo ko Celestine, siguro may iba pang mas karapat-dapat na lalaki para sa pagmamahal mo." huling sinabinniya bago ako iwan sa gitna ng Theme Park ng mag-isa.

"Daniel, huwag mo kong iwan!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon.

Bakit sa dami dami pa ng magiging karibal ko sayo bakit si Ate pa? Alam ninyo na hindi koya magalit kay ate Celine.
Bakit mo nagawa sakin ito?

Ikaw lang ang dahilan kaya hindi na ako mag isa ulit, pero ngayong wala ka na hindi ko na alam kung sino pa ang makakasama ko.

" Habang buhay nalang bang ako mag-isa?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil nakakaramdam ako na may tumutusok rito.

Ilang araw pa ang lumipas at bumalik na naman ang kinatatakutan kong buhay. Kung nagtataka kayo kung bakit 'di ako nakikipag kaibigan?  Dahil pati kasi mga kaibigan na dumadaan sa'kin ay biglang nagagalit at di na ako pinapansin. Kahit sino ang lumapit sa'kin ay hindi nagtatagal at iniiwan ako sa iba't ibang dahilan. Pagmamahal sa kaibigan, jowa at kahit sa magulang ko ay 'di nagtatagal.

Nagtataka na tuloy ako kung may sumpa ba ako para mabuhay sa loob ng isang kulungan na hindi ko man lang makita.

"Celestine!" bumalik naman ako sa realidad at mukhang kanina pa ako tinawag ng teacher namin.

"Ma'am lagi siyang ganyan kaya masanay kana po. Hahaha," nagtawanan naman ang lahat kaya yumuko nalang ako.

"Siguro ganyan talaga lahat ng matalino, gumagawa ng sariling mundo o 'di kaya nababaliw." umalingawngaw ulit ang tawanan kaya pinatahimik sila ni Ms. Tina,
"Ms. Quintana, What is a Momentum?" biglang tanong ni Teacher at buti nabasa ko na ang tungkol dito.

"Momentum is a product of the mass of a particle and it's velocity." sagot ko at napahanga sila.

" Grabe kahit 'di ka nakikinig ay alam mo na agad ang sagot." mangha ng mga katabi ko kaya ngumiti nalang rin ako. Nagsipagpalakpakan naman sila.

Mga libro kasi ang libangan ko kaya medyo advance na ako mga lessons. Bigla naman akong na out balance at sa isang segundo lang ay parang may bumibiak na ng utak ko sa sakit.

"Aray! Ang sakit ng ulo ko," daing ko at napahawak sa ulo ko at halos sabunutan ko na ang buhok ko.

"Tulong!" sigaw ko pa sa sakit na parang may bumabarena dito. Hindi ko na kinaya, at sa maikling minuto ay agad na nag black out ang paningin at na manhid ang katawan ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid at ang narinig ko lang ay isusugod nila ako sa Hospital.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon