CHAPTER 14

55 3 0
                                    

...

Celestine's POV.

"Ms. Belleza, maayos naman po lahat nang tools at pati po ang mga materials na gagamitin ay nasa safety place naman po," paliwanag sa'kin ng assistant ko na nagsurvey sa paligid.

"E. Yung mga equipment and machinery?"

"Ayos din po."

"Ok, you may go now."

Napatulala naman ako sa building nang 'di malaman dahil siguro sa mga sinabi ko kay Bryan. Mukhang kahit ako gusto ko rin sa piling niya.

"Aish!"

Ano ba itong nasa isip ko!
Hindi pwede at impossibleng tumibok ulit ang puso ko sa tao at kahit kelan 'di ko na kayang magmahal!

Napaisip naman ako sa sinabi ni Jianah sa'kin. Mabait pa rin ba talaga ako?

"Slash!"

Matapos kong hiwaan ang sarili ko ay hinintay kong may tumulong dugo dito.

"Hay! Ano ba ang iniisip ko? Nagbabakasali ka talaga na may tutulong dugo sayo at dadaloy na parang dahil akala mo may puso ka at isa kang tao?" Pag-kausap ko sa sarili ko, agad naman akong napabuntong hininga at napatingin sa langit.

"Sana hindi nalang ako nabuhay muli... Akala ko nung una pinapanigan akong nang langit, dahil ginawa niya akong Goblin. Tsk! Mali pala, dahil isa 'tong parusa. Kahit malakas na ako, ay inaaming kong 'di ko kayang saktan, ang magulang at kambal ko."

"Gusto ko nang magpahinga at matulog nang matagal"

Tumalikod naman ako nang makaramdam na ako nang pagod pero bigla akong napahinto nang may mapansin akong nakatitig sa'kin mula sa malayo. Nasa malayo sila at nakakasigurado akong kinakailangan pang gumamit nang telescope para makita ako dito.

Nilingon ko naman agad at napagtanto kong nasa masukal silang gubat sa likod nang beach at dahil 'di ko na kailangan nang telescope ay mabilis kong na-recognize ang mga mukha nila.

Pero...

"Boom!"

Napaatras naman ako sa lakas nang pagtama nang kung anong bagay sa ulunan ko. Kahit nanginginig ako ay hinawakan ko parin kung ano nag bumaon sa aking noo at napagtanto na bala ng baril ito.

"B-Bakit?" Tanging nasabi ko nalang habang nakatingin sa gawi kung saan ang hitman. Pero, hindi parin matanggal sa paningin ko ang tao sa likod nang may hawak ng shotgun.

"D-Daddy?" Habang 'di ko makontrol ang pagkatumba ng katawan ko ay 'di tinanggal ang tingin kay daddy at kay Celine na nakangiti.

"Blag!"

Sa pagbagsak ko ay lumundag pa ang ulo ko nang dalawang beses sa lakas ng impact. Sa lumipas na sampung taon ay muli kong naramdaman ang mainit na likidong biglang dumaloy sa pisngi ko. Na nagmula sa aking mga mata at ang labis na sakit nang aking dibdib kahit na hindi na ito natibok pa.

"Daddy. B-Bakit?" Tanging daing ko nalang habang papaalis sila ni Celine sa kinanatuan nila sa masukal na gubat. Alam kong 'di nila ako naririnig dahil nasa malayo ako pero sila... Rinig na rinig ko. Nagpapasalamat si Celine kay daddy kaya marahil si daddy ang nagplano nito. Bakit niya nagawang patayin nag kahawig nang anak niya? Bakit n'ya ako nagawang patayin sa pangalawang pagkakataon?!

...

"And now! Let welcome and congratulates, our valedictorian this year. Please own your stage for your speech, Celestine Pearl Quintana!"

Nagsipaghiyawan naman ang lahat at lahat sila ay mukhang hangang-hanga ang mukha at masaya. Ang iba ay pinapagalitan dahil hindi naging katulad ko ang anak nila.

Nilingon ko naman ang paligid dahil mukhang wala parin ang parents ko.

"Celestine, mag-start kana. Mukhang 'di makakarating parents mo agad. Hayaan mo ako nalang maglalagay ng mga medals mo," nakangiting sabi sa'kin ni Ms. Perez, ang adviser ko.

"It was not so long ago when I dared to dream, and not so long ago, when I dared to take the first essential steps towards the fulfillment of my elementary education.
Today, together with my batch mates, celebrate our success after all these years of hardship, struggle and perseverance. We reminisce the challenges that stood before us, and we savor the victories that came upon our hands..."

Hanggang matapos ang speech ko ay 'di parin ako nawawalan ng pag-asa na may papasok sa gymnasium at sisigaw. "Whoo! Anak ko yan!"

Kahit na masakit ay nagawa ko paring maitawid ang graduation ceremony nang maayos at nang matapos ito ay kan'ya-kan'yang pag-alis ang mga ka batch-mate ko habang kasama ang mga magulnag nila at sinasabi kung gaano sila ka proud sa anak nila.

Habang ako, Valedictorian na ang nakuha ko pero pakiramdam ko pasang awa lang ako.

"Celestine, 'wag kana malungkot dahil hindi sila nakapunta. Anong malay natin may nangyaring emergency diba? Alalahanin mo na kahit anong mangyari anak ka nila at hindi man sila nakapunta ay paniguradong babawi sila sayo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ms. Perez, agad n'ya naman akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Ngayong hindi na ako ang guro mo sa susunod, sana maging mabait ka parin at kahit anong gawin nila sayo at iparamdam? Kahit pa batuhin ka nila ng bato, 'wag kang gaganti at unawain mo sila. Batuhin mo nang tinapay at pagmamahal para 'di na lumaki pa ang gulo. Pwede ba 'yun?" Dahil sa mga matatamis at cheering up ni ms. Perez ay nakaramdam ako nang pag-asa at pinangako kong uunawain ko nag mga tao na nasa paligid ko. Simula sa pulubi hanggang sa mga mataas na tao.

"Anak?" Napalingon naman kami ni ms. Perez at kuminang ang mata ko nang makita si daddy.
"Daddy? Yey!" sigaw ko at agad niyakap si dad ng mahigpit.

"Galit ka ba samin dahil 'di kami nakarating?" Umiling naman ako agad. "Sabi ni teacher, unawain ko lahat dahil baka may emergency lang. Kaya 'di po ako galit? Baka rin po mya nangyari kay ate Celine kaya siguro po kayo natagalan. Hayaan niyo po kahit po sa susunod na mga araw at kahit lumaki po ako ay uunawain ko po lahat ng desisyon niyo at sa susunod po ako na ang mag-aalaga kay ate Celine at sainyo."

"Pakiss nga si Daddy. Nakaka-proud naman na nakalawak ng pag-iisip ng Celestine namin."

...

Daddy!

Daddy!

Bakit nagbago ka narin?

Dati ikaw ang kakampi ko at laging nanghihingi ng tawad kapag 'di n'yo ako pinapansin. Napakabait mo rin sa mga taong nakakasalamuha mo.

Sinabi mo din sa akin na kapag may nakita akong nag aaaway ay pakinggan ko muna bago ako mag-desisyon kung kanino papanig.

'Bakit 'di mo man lang ako hinarap bago ako patayin!'

Dahan-Dahan akong pumikit at kinontrol gamit sa isip ang paligid. Unti-Unting natanggal ang bala ng baril sa noo ko at naghilom ang sugat. Biglang may namuong bagyo at lumakas nag hampas ng alon sa dalampasigan. Tumayo naman ako sa pagkakahiga ko, ramdam kong natakot ang sniper sa pwesto niya at ilang kurap lang ay nakita n'ya na ako sa harapan niya.

"Mali ka nang binangga," ani ko sa malamig na tono.

"H-Halimaw! Halimaw!"

"Bogsh!" isang malakas na kidlat ang tumama sa puno malapit saming dalawa.

"Kita mo 'yang puno? Isusunod kita dyan!"

Kinuyom ko nagkamay ko at natupi nag shotgun na hawak niya pa-ikot sa pulsuhan ng kan'yang kamay.

"Maawa ka! Binayaran lang ako! Gipit lang talaga ako!"

Napatawa naman ako sa reaksyon niya at pati narin sa sinabi n'ya.

"Gipit na naman ba ang maririnig ko? Script n'yo ba lahat 'yan? Para sabihin ko sayo hindi dahilan ang pagiging gipit sa buhay para pumatay o gumawa ng masama!"

Halos manlisik ang mga mata ko at muling ikinuyom ang kamay ko. Sa puntong ito, ay lupa naman ang kinontrol ko.

"Ibabaon kita ng buhay para maghiganti sa mga taong pinatay mo!"

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon