CHAPTER 21

43 3 0
                                    


Habang nilalamon ng dilim ay may isang malakas na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa isang abandunadong gusali.

"Kung gano'n sa nakalipas na dalawang daang taon ay wala ka paring pinagbago. Mahina ka parin! Paano mo ako mahuhuli kung napakahina mo?" Pagmamaliit ng Evil Goblin kay Black Bone Reaper na hinanghina sa gilid.

"Ikaw! Napakarami mo ng pinatay na labag sa batas ng langit at lupa. Kailangan na kitang mapaslang agad!" ani ng Black Bone Reaper at pinilit tumayo.

Bigla naman tumawa ng malakas ang Evil Goblin at balot na balot ito ng itim at hindi makita ang mukha.
"Haha. Sino papaslang sa'kin? Ikaw? Ilang daang taon mo na ako hinuhuli ngunit wala parin nangyayari. Nakakaawa ka naman."

"Sabihin mo! Ano ang kailangan mo kay Celestine? Bakit mo siya pinatay at ginawang katulad mo?" Napakuyom naman ng kamao si Blackbone at susugod sana ngunit kusa siyang huminto sa 'di malamang dahilan at agad tumalsik.

"Gusto ko lang maglaro at tulungan ka na rin." Agad naman siyang tumawa at sinundan ng salita ang sagot niya.
"Ano ba 'yan, hindi ka man lang makalapit sa'kin kaya bakit mo pa pinipilit ang sarili mo? Dahil ba sa kasintahan mo? Sinasabi ko sayo hindi ka tutulungan ng langit at pahihirapan lang kayo. Kaya gumawa na ako ng paraan para tulungan kayong ni Esperanza na magtagpo. Mas mabuti ako kaysa sa diyos mo," ani ng Evil Goblin at nang mabigkas ang pangalan ng kasintahan ni Reaper ay kumirot ang dibdib niya.

"Tumigil ka! Hindi ako gagamit ng kasamaan para masilayan ulit siya!" sigaw ni Reaper at hinawi lang ng Evil Goblin ang kamay niya at napatalsik na sa kabilang bahagi ng haligi si Reaper.

"Kasamaan? Masama ba na tulungan kayo ni Esperanza?"

"Tama na ang pagbigkas sa pangalan niya!"

Napatawa nang bahagya ang Evil Goblin at lumapit sa kaniya. "Makinig ka, hindi mo ako kaaway kaya itigil mo na ang paghahanap sa'kin at tulungan akong kalabanin ang tadhana na binigay saatin."

"HINDI MANGYAYARI 'YUN!"-Black Bone

"Talaga? Kahit na sabihin kong tapos na ang dalawang daang taon na ibinigay sayo? Sa ngayon binuhay na ulit si Esperanza ngunit hindi para pagbigyan ka na makasama siya, kundi para magdusa sa mga kasalanan niyong dalawa. Ang babaeng minamahal mo ang sasalo ng pagdurusa na meron ka. 'Yun ang nakatadhana sa inyo, Ang Eternal Punishment. Nakakalungkot lang dahil wala naman kayong ginawa kundi nagmahalan lang." Nanlaki naman ang mata ni Black Bone at Tumingin sa Evil Goblin.

"Sabihin mo! Nasaan s'ya?"

"Sa ngayon maaring nagdurusa siya sa pagmamahal at unti-unting pinapatay. Pagkatapos nun ay, maaring ipanganak ulit siya at pahirapan parin nang walang katapusan."

Pinipilit ulit tumayo ni Black Bone at napahawak sa dibdib. Makikitang naluha ang mga mata ni Reaper dahil 'di makapaniwala. "Kasalanan ko 'to dahil 'di kita agad napatay! HUMANDA KA!"

"Mali ka, ang tunay na may kasalanan ay ang kalangitan, dahil hindi niya maunawaan ang pag-ibig. Wala siyang ibang ginawa kundi magparusa at kaya ko ito sinasabi sayo dahil kaya kong pagtagpuin kayo at ibaliktad ang kapalaran na nakaatang sa inyong dalawa. Dahil nauunawaan kita, ngunit kapalit nang 'yun ay papanig k ana sa'kin," pagkukumbinsi ng Evil Goblin at bigla naman gumulo nag isip ni Reaper.

"Pag-isipan mong mabuti ang alok ko," dugtong pa ni'to at aalis na sana ngunit pinigilan ni Reaper.

"Sandali! Gusto ko malaman kung nasaan si Esperanza, nasaan siya?" Tanong niya pero ngumiti lang ito at naglaho.

"Bumalik ka!"

...

Sa kabilang banda habang nagbabasa ng mga file si Aubrey ay agad lumapit ang assistant niya at may hawak na phone.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon