CHAPTER 27

35 2 0
                                    

"Sunugin na 'yan!"

Nag-umpisa nang sindihan ang sulu at nilagyan na ng tuyong mga damo o tinatawag na dayami ang paligid ng babae.

"Nararapat lang sa kaniya 'yan!"

"Ang babaeng nagmahal ng hindi tao ay itinuturing narin na isang halimaw."

"Esperanza, walang katotohanan ang paratang nila sayo hindi ba?" tanong ng isang lalaki kay Esperanza at napahinto ang lahat sa pagsigaw. Nagbalot ng katahimikan ang paligid dahil sa tanong ng binata.

"Sabihin mo ang katotohanan upang ika'y aking mapagtanggol-" hindi pa natatapos ang sinabi ng binata nang may humatak sa kaniya na isang dalagita.

"Tama na, nasuri na siya at hindi na siya birhen kaya halimaw man o tao ang nakauna kay Esperanza ay wala paring magbabago. Isa siyang madumi!"

"Ano pa't kung malaman ninyo ang tungkol sa akin... Pinatay na ninyo ang aking Ina at Ama. Kaya bakit ko pa papangarapin na mabuhay at isalba ang aking kahihiyan?" biglang sagot ng dalagang nakatali na may kasamang pagtatanong. "Patayin na ninyo ako, hindi na siya darating pa."

"Bakit Esperanza? Akala ko ba minamahal mo rin ako? Bakit nagawa mong ibigay ang sarili mo sa lalaking kahit kelan ay hindi man lang nagawang magpakita. Kinakahiya ka ba niya?"

"Tama na! Tigilan mo na ang kakatanong tungkol sa kaniya!"

"Paano ako hindi magtatanong kung nakikita kitang nag durusa dahil sa kaniya. Ako ang nasa tabi mo at mas 'di hamak na kaya kitang alagaan at bigyan ng magandang buhay, ituturing ka na parang reyna-"

"Hindi ko kailangan ng lahat nangyan. Ang nais ko lang ay ang simpleng buhay kasama siya. Maging isang ina at ngumiti kasama siya. Pero alam kong hindi rin ito magkakatotoo dahil nagmahal ako sa maling pamamaraan. Inakala kong lahat ng bagay ang may limitations maliban sa pagmamahal ngunit nagkamali ako, kaya nakagawa ako ng napakabigat na kasalanan. Kaya paalam at salamat sa lahat." Nagsimulang bitawan ang sulo sa paanan ng dalagita at dahan dahang kinain ang mga tuyong dayami.

"Esperanza~!" halos mapaos ang binata at lalapit na sana sa dalagita ngunit pinipigilan siya ng mga tao.

"Esperanza!!"

Isang malakas na hangin ang biglang umihip at umulan sa paligid ng dalaga kahit walang gaanong ulap. Nagsipag atrasan ang mga tao nang may lumitaw na nakaitim na lalaki at kinalagan sa pagkakatali ang dalaga.

"Halimaw!" sigaw nila. Samantalang ang dalaga ay hindi parin makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Lumutang siya papalapit sa lalaki at pinalupot nito ang isa niyang braso sa bewang ng dalaga. Ang isang kamay nito ay humawak sa pisngi na may puro pasa.

"Patawad kung ngayon lang ako," malamig na ani ng binatang nakaitim.

"H-Hindi ka dapat narito!" ani ng dalaga at kakalas na sana papayo sa binata nang yumakap ito nang mahigpit.

"Hindi ko kayang panoorin ka."

"Pero kasalanan 'to-"

"Wala akong pakialam, sabay natin itong haharapin. Hindi kita iiwan, kahit sa kabilang buhay o sa susunod na buhay, pangako."

Yumakap pabalik ang dalaga kahit mayroon kirot sa dibdib niya. Ang saglit na kasiyahan ng dalawa ay biglang naglaho ng kumulog at kumidlat malapit sa kanila. Nagsipagtakbuhan ang lahat sa takot. Nakaroon din ng pagyanig at nagkahiwalay ang dalawa sa lakas ng impak nito.

"Esperanza!"

"Ginoo!"

Tatakbo na sana sila nang may kumidlat sa harapan nila.

"Black Bone Reaper!"

"Esperanza Gomez!"

Tinawag ang pangalan nila mula kung saan nang may malalim na boses at kinahina ng katawan ni Esperanza.

"Black Bone Reaper, nagkasala ka sa batas ng reaper at ng langit at matinding ka parusahan ang naghihintay sayo. Ipapatapon ka sa-" hindi natatapos magsalita ang isang boses ng tumutol si Esperanza.

"Sandali!"

Napatingin siya sa Reaper at tumingin uli sa langit. "A-Ako ang may kasalanan. Ako dapat ang parusahan. H'wag n'yo na po siya idamay sa parusa," pagmamakaawa ni Esperanza.

"Ikaw na babae. Napakatapang mo para suwayin ang utos ko at lumaban sa desisyon ko. Kung ganoon pagbibigyan ko ang hiling mo!" ani ng isang boses na malalim. Napaluhod naman at namilipit sa sakit si Esperanza at napahawak sa leeg na parang may sumasakal o nauubusan ng hininga.

"Esperanza!" sigaw ng Reaper.

"Saakin ninyo nalang ibuhos ang galit ninyo. Ako ang may kasalanan. Parang awa n'yo na..." umuhod naman ang Reaper tumakbo sa gawi Esperanza.

"H-Huwag... m-mong g-gawin 'yan..." naghihingalong ani ni Esperanza. Niyakap naman niya ang dalagita at sa unang pagkakataon ay napaluha.

"A-Alam mo, nanaginip ako... M-Magk-kasama daw t-tayo at h-hawak k-ko ang supling natin..."

"Dapat ako ang magdusa hindi ikaw!"-reaper

"Esperanza, pinarusahan kita na kahit kelan ay hindi na makikita ang iyong pagkabuhay. Sa langit man o sa lupa."

"Pakiusap bigyan mo pa kami ng pagkakataon! Nagmamahalan lang po kami kaya h'wag po ninyo sanang ipagkait samin ito!" tutol ni Black Bone Reaper at napatingin sa katawan ni Esperanza na tuluyan nang naglalaho.

"Pakiusap!"

"Black..." tawag ni Esperanza at pinagmasdan ang mukha niya. Napangiti naman ito kahit na nahihirapan na. "Hinihiling ko na sana kalimutan mo na ako. Ayoko sisihin mo ang sarili mo tungkol sa'kin kaya sana mabuhay at magampanan ang tungkulin mo bilang reaper. M-Mahal n-na Mahal k-kitah...-" matapos magsalita ni Esperanza ay tuluyan na itong naging abo.

"Esperanza!!" sigaw niya pero mukhang malabo nang marinig pa siya nito.

"Pakiusap, handa akong gawin lahat para lang makapiling muli si Esperanza. Pakiusap pagbigyan n'yo po sana nag hiling ko," pagmamakaawa ni Black Bone pero ilang minuto siyang walang nakuhang sagot.

"Dahil sa pinakita ninyong pagmamahal ay pagbibigyan kita. Bibigyan kita ng 200 taon para sa isang mission at kung hindi mo mapapatay ang masamang goblin ay parurusahan ko kayo ng masahol pa sa kamatayan. Mabubuhay parin naman ang taong mahal mo, ngunit sisiguraduhin kong hindi niya papangarapin pang mabuhay muli. Mamatay siya ng paulit-ulit at magdurusa habang pagala gala sa mundo ng mga tao. Mabubura ang alaala ninyong dalawa at ipapatapon ka sa lupa ibang isang makasalanang reaper."

"Ito lang ang magagawa ko para sa inyo. Kaya gawin mo ang parte mo dahil nakasalalay ang kinabukasan ninyong dalawa sa tagumpay mo."

Nawala ang mga ulap at naging normal ang paligid. Nabura sa alaala nila ang tungkol sa babaeng si Esperanza at ang kakaibang paglitaw ni Reaper. Naiwang nakaupo sa sahig si reaper at napahawak sa ulo ng dahan-dahan nang nabubura ang alaala nilang dalawa.

"Hindi! Hindi ko dapat siya makalimutan! Esperanza! Esperanza! Esperanza!"

...

"Esperanza!!" napabalikwas nang bangon si Bryan matapos ang mahabang panaginip niya tungkol sa nakaraan. Nilibot niya ang paligid at natagpuan ang sarili sa silid ni Celestine.

"Master Scoth, gising na po pala kayo. Sandali lang po tatawagin ko po si Ms Aubrey," bungad ni Jianah. Pagkalabas ni Jianah ay sakatong pagbangon niya.

"Sino si Esperanza? Dalawang taon na ang lumipas kaya... pinahihirapan na siya ngayon!" ani pa niya at napahawak sa ulo. Bigla naman pumasok sa isip niya ang sinabi ng Evil Goblin na nasa paligid lang niya si Esperanza.

"Pinapahirapan siya..."

'Impossibleng siya si Esperanza!'

Kinuha ni Bryan ang taksido niya at naglaho, saktong pagpasok ni Celestine ay nawala na ito.

"Nasaan na siya?"

"Hindi ko po alam. Kasi kanina kakagising niya lang at..."

"Hay!'Di na bali, hahanapin ko nalang siya."

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon