CHAPTER 30

34 4 0
                                    

Sa Rooftop ng Raven Company Building ay may isang naka itim na Gown ang nagpaikot ikot habang may hawak na bottled wine at nasisinagan nang liwanag ng buwan.


"Whoo, I won! Wala bang masaya para sa'kin? Congratulations to myself!" sigaw niya at nang maubusan ng hininga kaka sigaw ay humito siya at bumungisngis.


"CHEERS!" sigaw niya ulit at nalagok ang wine sabay hampas nito sa sahig.


"Master, tumigil na po kayo," naiiyak na ani ni Jianah habang saksi sa tuluyang pagkabaliw ni Celestine. Nilingon naman siya ni Celestine.


"H'wag mo akong iyakan, balang araw babaliktarin mo rin ako katulad nila. Hanggang sa sarili ko nalang ang matira, 'diba? Haha!"


"Master, pangako po kahit sa pangalawang buhay ko, kayo parin ang paglilingkuran ko."


"Tumigil ka, hindi mo hawak ang oras kaya h'wag kang magbibitiw ng panata."


Sighing...


"Tinaya ko ang sarili ko sa paghihiganti na 'to, kaya buhay din ni Celine ang kukunin ko. Hindi ako titigil dahil hindi pa tapos ang lahat."


Isang malakas na pagbagsak ng pinto ang kumalampag at nakakuha ng attention ni Celestine kaya nilingon niya ito. Bumungad ang isang lalaki multo at lumapit sa kaniya.


"New Goblin, nahanap ko na ang Omniscient Pavillion. Pasensya na po kung natagalan."


Naglingon nilingon si Jianah sapagkat wala siyang makitang tao na nagbukas ng pinto o kung sinong tao sa paligid maliban sa kanila ni Celestine.


"Nakalimutan ko, binigyan pala kita ng task sa Omniscient Pavillion. Mukhang 'di ko na kailangan ang Pavillion na yun para makuha ang information na kailangan ko dahil nakuha ni Bryan."


Lumuhod ang multo at tumungo. " Hindi na po ako magsi-sinungaling. Fake po ang papeles gumawa po ng documents si Sir Bryan para kalimutan mo na po ang tungkol sa Quintana," paliwanag ng multo.


"Fake ang info na 'to?" Taka ni Celestine. Simitsit si Jianah para pigilan ang multo at nagpatanto rin ni Celestine na may alam din si Jianah tungkol rito at nakakakita rin pala ng mga ligaw na kaluluwa.


"P-Pati ikaw? At nagkukuwari ka pang hindi nakakakita ng multo?" taka ni Celestine.


"K-Kasi...-" magdadahilan na sana siya ng lumihis na ng tingin si Celestine at nagtimpi.


"Patawad pero hindi ko po kayang magsinungaling sa inyo dahil may ipapakiusap ako. Pagbigyan mo po sana ako New Goblin," dugtong pa ng multo.


"Simula ngayon! H'wag kanang magpapakita sa'kin Jianah!" panggagalaiti ni Celestine kaya umiling si Jianah at nagmakaawa.


"Master, para sa inyo lang naman din po ang ginawa ni Sir Scoth. Kung hindi mo po kakalimutan ang paghihiganti ay mababaon po kayo sa galit at pighati. Lalo lang po kayo makukulong sa kalungkutan."


"Sabing umalis ka! LUMAYAS KA SA HARAP KO!"


"CELESTINE!" sigaw ni Jianah kaya nanlaki ang mata ni Celestine ng hindi siya na address ni Jianah bilang master.


"Nabubulag kana nang galit! Hindi ka makakakita ng kapayapaan kung patuloy kang magpupumulit na ikulong ang sarili mo sa nakaraan! Itigil mo na ito, marami kaming nahihirapan din tuwing nakikita kang natatakot! Pwede bang itigil mo na 'to," pagkumbinsi ni Jianah kay Celestine.


Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon