CHAPTER 18

54 2 0
                                    

...

“Daniel! Nasaan si Daniel! Daniel lumabas ka!” ni Celine sa labas ng bahay nila Daniel. Bumukas naman ang gate at bumungad sa kaniya ang mukha ng Mommy ni Daniel na namumutla.

“Ikaw pala, Celine. T-Tungkol pala sa sinabi ko sayo. Ano kaba nagbibiro lang ako. Sinusubok ko lang kung g-gaano n'yo kamahal ang isa't-isa,” Pagpapalusot pa nito matapos itaboy ni Aubrey.

“Nasaan si Daniel? Gusto ko siyang makausap!”

“Kalma ka muna C-Celine. Mamaya nandito na rin s'ya-” Hindi pinansin ni Celine ang Mommy ni Daniel at agad pumasok ng walang pasabi. Pinangbuksan niya ang bawat pinto na makita n'ya mahanap lang si Daniel.

“Daniel! Mag-usap tayo!” sigaw ni Celine. Sa Comfortroom naman ay may lumabas na isang lalaking basa ang ulunan at nakatakip ang ibaba nito ng puting tuwalya.

“Celine?”

Slap!

“Ipaliwanag mo kung ano 'to!” sigaw ni Celine at tinapon kay Daniel ang Cellphone nito. Nagulat naman ng bahagya si Daniel dahil madami ng Views ang CCTV video nila ni Aubrey.

“Hindi ka makasagot? Daniel, ano bang kulang ko kaya humanap ka pa ng iba! Bakit sa mismong Engagement natin!” pagsigaw ni Celine at hindi mapigilan mahula habang nag wawala sa galit.

“Mahal kita! Mahal na Mahal at natatakot ako na mawala ka. Kaya nagbulag bulagan ako sa pagtatabou mo sa'kin tuwing nanjaan si Aubrey! Nakilaban ako ng patas sa kan'ya pero 'di ko alam na wala na pala akong pinaglalaban kasi umpisa palang nanalo na siya. BAKIT! BAKIT DANIEL?” Pinang hahampas ni Celine si Daniel at halos manghina na ang katawan n'ya sa kakaiyak at mapaos kakasigaw.

“Pasensya na pero hindi ko nakikita ang future ko na kasama ka. Patawad Celine pero 'di ko na kayang lokohin ang sarili ko. Ang totoo minahal kita kasi naaawa ako sayo, akala ko mas nahihirapan ka kaysa kay Celestine. Pinagsisihan ko na nakipag break ako sa kan'ya at hindi manlang pinansin ang effort n'ya.” Napatigil si Celine kakaiyak at 'di malaman kung nagtataka ba ito o natatawa.

“Kaya may nangyari sa inyo ni Aubrey dahil kamukha niya si Celestine diba? Daniel, patay na ang kambal ko at ibang tao na si Aubrey kaya... Ako nalang talaga ang t-tunay na nagmamahal sayo,” pagkukumbinsi ni Celine pero umiling si Daniel.

“S'ya man si Celestine o hindi. Mamahalin ko parin s'ya at kahit anong pagtaboy niya sa'kin ay 'di ko papansinin-”

“Daniel, ANO BA!” sabat ni Celine at napapailing.

“Bakit mo nakakayanang saktan ako ng paulit-ulit. Daniel, tama na. Hindi ko na kaya, bumalik ka na sa'kin.” Hinawakan naman ni Celine ang mukha ni Daniel pero umatras lang si Daniel at hinawi ang kamay ni Celine.

“Let's Break up. Ayoko nang lokohin ang sarili ko dahil kahit kelan hindi kita minahal.” Napakuyom naman ng kamay si Celine at Marahas na sinampal ang pisngi ni Daniel sa galit. Halos mamula ang mukha ni Celine at panlisikan ng mata si Daniel.

“'WAG MONG KALIMUTANG SAMIN KAYO NAKAASA. AKO NAGBABAYAD NG BINIBILI NI TITA AT KAMI DIN ANG DAHILAN KAYA UMANGAT KA! WALA KANG KARAPATAN PARA IWANAN AKO! ISA PA NAKALIMUTAN MO NA BA ANG LAST WILL NG KAMBAL KO?” Panunumbat ni Celine. Natauhan naman si Daniel at naalala si Celestine.

“Aalagaan mo ko diba? Nasa sa akin ang  puso ni Celestine kaya ako dapat ang mahalin mo.” Ngumiti naman ng bahagya si Celine kahit na may mga luha pa sa pisngi niya. Samatalang si Daniel naman ay napapikit at ginagat nalang ang labi n'ya para magtimpi.

...

(9 years ago)

“Celestine, sandali. 'Wag mo ko iwan dito tsaka saan ba tayo pupunta?” tanong ni Daniel kay Celestine at hinabol ito at niyakap patalikod.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon