CHAPTER 16

55 2 0
                                    

...

"Master, hindi n'yo na po ba hihintayin si Sir Scoth na magising at pati narin po sila Sir Daniel? Para po magpaalam?" Nilingon ko naman si Jianah bago sumakay sa kotse.

"Hindi na," ani ko at ngumiti. Nang medyo makalayo-layo ako ay agad akong pumitik at sumabog naman ang kwarto ni Celine.

'Mula ngayon, lalaban na ako nang ayon sa gustong mong laro.'

"M-Master." Lumingon naman ako kay Jianah at halatang nag-aalala siya.

"'Wag kang mag alala dahil masamang damo ang nasa kwarto na pinasabog ko kaya hindi s'ya agad mamatay." Napasandal ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang mukha ko.

"Mukhang masyado akong na stress kaya dumaan muna tayo sa Facial Spa bago tayo bumalik sa manila. Ayokong umuwing panget," utos ko at napapikit nalang.

"Let's start this battle, Celine. Mukhang mali ako na minaliit kita."

...

(Third Person's POV)

Bago magpasabog si Celestine ay nakaramdam ng panganib si Bryan at sa 'di mapaliwanag na dahilan ay napunta siya sa room ni Celine. Napatulala naman si Celine at nang narinig ni Bryan ang pagpitik ni Celestine ay agad niyang iniligtas si Celine.

"S-Sino ka? Tao ka ba?" Tanong ni Celine. Nagtaka naman si Bryan dahil mukhang narinig n'ya na ito mula kung saan.

"Tumingin ka sa mata ko" utos niya at agad sinunod ni Celine. Katulad sa ginawa niya sa hitman ay natulala rin ito. "Hindi mo ako nakita at nakalayo ka sa hotel bago pa sumabog ito." Tumango si Celine ng wala sa sarili at naiwan ng walamg maalala sa nangyari.

"Hyst! Buti nakababa agad ako." Napahawak siya sa dibdib niya at tiningnan ang paligid na walang tao kaya pinagmasdan niya ang nasusunog na hotel.

"Celine! Buti naman nakababa ka agad," pag-aalala ni Cheska ng makita si Celine sa labas ng hotel.

"Parang ngang may kakaiba dahil hindi ko maalala kung paano ako nakababa." Napakamot ulo si Celine at pilit na inaalala ang nangyari.

"Tawag doon Adrenaline rush kaya siguro nakalimutan mo na agad," sabat ni Cheska. Habang nasa naguusap naman sila Celine at Cheska ay may nagnamasid sa kanila.

"Unti-Unti nang nagaganap ang plano," ani pa nito.

Sa kabilang banda...

"Musta na ang ratings ng company?" Tanong ni Celestine at umupo sa swivel chair ng office n'ya.

"Nanatili parin po tayo na pinagkakatiwalaan ng mga client and also mas lalo pa pong tumataas," pagbabalita pa sa kaniya ng assistant niya.

"Good, you may go now and ask may daddy if nahihirapan ba s'ya at magdagdag ka narin ng mga tauhan para tulungan si dad magpatakbo ng company." Inikot naman ni Celestine ang Swivel chair niya at pinahinga ang likod n'ya rito.

"Celestine!"

Naputol naman ang pagpapahinga n'ya ng marinig ang boses ni Bryan na nasigaw.

"Diba napag-usapan na natin na hindi ako si Celestine? Ako si Aubrey, You hear me? Aubrey is my name," pagkaklaro ni Celestine pero hindi nagbago nag expression ni Bryan na matalim parin na nakatitig sa kan'ya.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ka pwedeng makialam sa buhay ng tao!" sigaw ni Bryan at napasinghap naman si Celestine at napatawa ng bahagya.

"Ang sabi bawal lang kami pumatay at walang sinabing hindi kami pwedeng manakit. Masamang damo s'ya kaya ang pagsabog na ginawa ko ay kulang pa para mapatay s'ya." Tatalikod na sana si Celestine nang hawakan ang pulso niya ni Bryan at pinihit.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon