CHAPTER 33

87 4 4
                                    

...

Tok!


Tok!


Tok! 


Magkasunod na katok ang narinig mula sa labas ng pinto nila Celine. 


"Celine, ikaw ba 'yan? Bakit napa gabi ka yata ng uwi!" saway ng Ina sa pag aakalang si Celine ang nakatok at kakauwi lang galing sa trabaho. Ngunit napatuloy ang katok at hindi sinagot ang tanong ni Mrs Quintana.


"Celine?" tawag ulit niya. Lalong tumaas ang balahibo ni Mrs Quintana ng napatuloy lang ito sa pagkatok.


"Celine! Magsalita ka nga d'yan! Pinapakaba mo ako e!" saway uli niya t'saka huminto ang katok. Huminga muna si Mrs Quintana ng malalim bago binuksan ang pinto at napalingon siya sa kaliwa't kanan pero walang tao.


"S-Sino naman 'yon? Hay, baka mga bata lang sa kapitbahay." Agad sinara ni Mrs Quintana ang pinto at nang tumalikod siya sa pinto ay bumungad si Celestine. 


"Mommy," direktang tawag ni Celestine sa kaniyang ina. Napaatras ng bahagya si Mrs Quintana nang makita si Celestine at halos itim ang buong mata, puting puti ang balat, nakalugay ang buhok at walang ekspresyon.


Umiling siya at napayuko. "H-Hindi... P-Panaginip lang 'to. Patay na ang anak ko," pagkumbinsi niya sa sarili niya pero napasigaw siya ng may humawak sa balikat niya. 


Lumapit ang mukha ni Celestine sa tainga ni Mrs Quintana at bumulong, "Hindi pa ako namatay, all this time nasa tabi n'yo lang ako at nagmamasid," sagot ni Celestine at bumungisngis. Nataranta palayo si Mrs Quintana at tumili. 


"L-Lumayo ka sa'kin!!" taboy niya pero nag-smirk lang si Celestine.


"Ayaw mo po ba akong makita. Sayang... alam mo po bang nabuhay ako para lang makasama ko kayo ulit." Halos mawala sa katinuan si Celestine. Ang nakangiting mukha ay napalitan ng nakakatakot na titig ni Celestine. "Pinatay mo ako 'di ba? Dahil sa pagmamahal mo kay Ate Celine kaya nagawa mong i-give up ang buhay ng pangalawa mong anak! Wala ka na nga sa tabi ko at laging nakatuon sa sarili mo kay Ate Celine at ngayon minanipula mo ang Medical data ko para bumaliktad ang kapalaran namin ni Ate Celine!!" Binuhos ni Celestine ang galit niya sa kaniyang ina at mabilis na lumapit rito sabay sinakal at inangat pataas ang kaniyang Ina. 


"C-Celestine... patay kana!" -Mrs Quintana


"Oo! Namatay ako dahil sayo!" gigil na sagot ni Celestine at inangat pa lalo si Mrs Quintana.


"A-Aubrey-y?" isang nginig na boses ng babae ang narinig mula sa pinto kaya nilingon ito ni Celestine at nasilayan niya si Celine at si Bryan.


"C-Celestine? Anong nangyari sayo?" taka pa ni Bryan nang makita ang nangingitim na mata ni Celestine. Lumingon si Celine kay Bryan ng may pagkataka.


"Celestine? Teka patay na ang kapatid ko." -Celine


Napatawa ng mala-demonyo si Celestine at binitiwan si Mrs Quintana t'saka natuon ang pansin kay Celine. Dahil sa pagkakasakal ay hindi nakahinga ng matagal si Mrs Quintana kaya nahimatay.


"Kapatid?... Oo, may kapatid nga ako," sagot ni Celestine at tumawa ulit. 


"Celestine? P-Paanong..." lalapit sana si Celine pero bigla siyang pinigilan ni Bryan.


"Hindi 'to maganda, tumakas kana!" sigaw ni Bryan at pinamadali si Celine na halatang ikinalito ni Celine.


"Bakit?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon