CHAPTER 4

111 3 1
                                    

Nang makaalis si Celestine sa Celebration ay biglang sumulpot sa kaharap niya ang reaper na gumising sa kaniya.

“Natatakot ka ba na baka pasabugin ko to para mamatay na ang mga peste sa loob?” Walang emosyon na tanong ni Celestine at tumingin siya sa reaper.

“Bryan Timothy Scoth ay mali dahil gawagawa mo lang pala yun. Kilala ka pala bilang si Black Bone Reaper,” ani niya pa.

“ ‘Wag kang mag alala hindi ko pa gagawin ang balak ko kaya di pa ako magiging sagabal sayo. Hanapin mo nalang ang masamang goblin baka nasa paligid lang siya at pinagmamasdaan kang mabaliw kakahanap sa kaniya.” Nag-iwan naman ng malakas na ulan si Celestine bago umalis sa Engagement Ceremony.

Pagkaalis ni Celestine ay agad nakaramdam ng pagkahilo si Daniel na isa din sa umpisang plano niya.

“Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang namutla?” Pag aalala ni Celine pero umiling lang siya.

“Kailangan ko lang ito ipahinga kaya babalik muna ako sa condo,” pagpapaalam niya kay Celine dahil mukhang bibigay na ang kaniyang katawan, at ayaw niyang mapagkagulo ang lahat dahil sa kaniya.

“Pero... kung ako lang dito pagtatawanan nila ako.” Hindi naman pumayag si Celine dahil mas mahalaga sa kaniya ang Image niya. Kahit na tumanggi siya ay umalis parin si Daniel dahil bibigay na ata ang katawan niya.

“Daniel! Daniel bumalik ka dito!” sigaw niya kaya napatingin lahat sa kaniya ang mga bisita.

“Celine, huwag kang mag iskandalo. Babalik din naman siya,” pagpapakalma ng Mommy niya. Halos  mamula naman sa galit si Celine at kung ano ano na ang pumapasok sa isip niya na mga dahilan.

Habang pabalik sa condominium si Daniel ay hindi na niya kinaya at natumba mismo sa hallway.

“Sir, ayos kalang? Okey kalang ba?” Bigla naman may tumulong sa kaniya para alalayan siya palakad.

“Tatawag po ako ng tulong, sandali lang,” ani ng babae at aalis na sana pero hinila niya ito pabalik.

“H-Huwag mo k-kong iwan.” Hirap makahinga at namamawis si Daniel sa sobrang hilo at halos lagnatin sa sakit ng ‘di niya alam kung bakit.

“Mukhang masama na po ang kalagayan niyo kaya tatawag na po ako ng Emergency,” nag aalala na ani ng babae pero umiling siya.

“Ihatid mo nalang ako sa Condo Unit ko,” utos niya sa pagaakalang isa lang itong maintenance ng Condo. ‘Di naman umangal ang babae at hinatid nalang ito.

“Bakit ayaw mong pumunta ng Hospital?” Pag aalala ng babae na halos nagtataranta sa takot. Kumuha naman siya ng towel at tubig para punasan ito. Halos hinahabol ni Daniel ang hininga niya at nagkukumbolsyon.

“ ‘Wag ka munang kumilos para hindi ka lalo mahilo,” ani ng babae at inalalayan siya sa kama at tsaka pinunasan ang noo nito na umaapoy sa lagnat.

“C-Celestine” sa ‘di malamang dahilan ay agad nawala ang sakit ng ulo niya at napagtanto na kamukha ni Celestine ang babaeng kaharap niya.

“Celestine, ikaw nga,” halos maiyak si Daniel sa nakikita niya ngayon.

“Buhay ka, hindi ko akalain babalik ka sa tabi ko. Celestine patawarin mo ako sa lahat dahil hindi manlang kita pinahalagahan.” Hindi naman nagsalita ang babae at nakatingin lang ito sa kaniya.

“Totoo bang nanghihingi ka talaga ng tawad?” Tanong ng babae at hinawakan ang pisngi niya. Hindi mapigilan magtanong sa isip niya kung paano nabuhay si Celestine pero hindi na iyon mahalaga dahil nasa harap niya na ito ngayon.

“Teka Celestine mukha atang iba kana kumilos pero hindi naman nagbago ang mukha mo,” ani ni niya at nakangiti.

“Alam mo ba kung gaano kasakit sakin ang mahalin mo ang kambal ko at pagtaksilan n’yo ako. Kaya binigay ko ang puso ko kasi para kahit papaano puso ko parin ang tumitibok sa loob ng katawan ng taong minamahal mo,” ani ni Celestine.

“Patawad Celestine at huli ko na napagtanto na di ko kaya na wala ka sa tabi ko pero kahit anong sabihin ko huli na,” ani pa niya at niyakap ulit si Celestine.

“Kung ganoon mahal mo ako? Pero nagawa mo akong iwan at iparamdam sakin na mag isa lang ako. Dahil sayo isinakripsyo ang puso ko para magkasama lang kayo ni ate Celine dahil ayaw kong maranasan mo ang lungkot na dinadanas ko,” pagsumbat ni Celestine. Napakalas naman siya at tumayo. Agad siyang hinabol ni Daniel at niyakap patalikod.

“Kasalanan ko ang lahat. Akala ko mahal ko si Celine pero napagtanto kong naaawa lang ako sa kaniya ng mga panahon na maysakit siya,” paliwanag niya kaya humarap naman si Celestine na napapailing.

“Kung ganoon naawa ka lang din sakin ngayon kasi namatay ako kaya sinasabi mo ngayon na mahal mo rin ako?” May tumulo naman na luha sa mata ni Celestine na kinasakit ng dibdib ni Daniel.

“Alam mo ba kung ano pakiramdam ng mag sakripisyo? Gusto mo makita ang sugat ko sa dibdib ko para makita mo ang napala ko sa pagsasakripisyo ko para magkasama lang kayo ng matagal,” ani ni Celestine. Napatingin naman si Daniel sa katawan ni Celestine at nakaramdam ng pang iinit sa katawan. Ang kaninang malungkot na mukha na mukha ni Celestine ay napalitan ng malademonyo mukha.

“May sugat pa na naiwan...” Binaba naman ni Celestine ang pantaas na damit niya ng dahan dahan. Wala namang nakitang sugat sa katawan niya at tanging makinis na kutis lang ang tumambad kay Daniel at hindi niya mapigilan ang sarili niya. Agad niya namang hinila si Celestine at hinalikan. Parang wala sa sarili si Daniel at mukhang nakalimutang Engaged na siya kay Celine.

Nang dumating ang pagsibol ng araw ay nakangiti lang si Celestine habang  pinagmamasdan si Daniel na natutulog na kama sa
tabi niya. Napahawak naman si Celestine sa kumot nanakatakip sa mga katawan nila. Napapaisip din siya kung anong magiging mukha ng kambal niya sakaling lumabas na ganitong issue.

‘Sisirain ko ang buhay mo katulad ng pagsira mo sakin. Ibabalik ko sayo lahat ng ginawa mo.’

“Ugh!” Agad naman nakunwaring naiyak si Celestine ng mapansing pagising na si Daniel.

“C-Celestine? Kung ganoon hindi to panaginip?” Taka niya na sinakyan naman ni Celestine.

“Slap”

“How dare you to ruined my dignity! You're shameless guy! I'll make sure you will pay for the crime you committed against me!” pangingiyak sa galit ni Celestine  at naiwang balangko nag mukha ni Daniel dahil sa gulat at pagkataka.

“Hindi pa ito ang plano ko pero ang tanging masasabi ko lang ay malapit na ang kalbaryo niyo.” Pagngiti ni Celestine at dumako sa parking lot.

Agad namang may humatak sa kamay niya.

“Ano nanaman kailangan mo?” Bored na tanong niya at napataray sa pakealamerang reaper.

“Bakit mo ginawa yun!” halos mamula sa galit ang repear kaya napaisip si Celestine kung alin sa mga ginawa niyang masama ang tinutukoy nito.

“Wala nabang kahihiyan sa sarili mo para pati pagkababae mo gagamitin mo makapaghiganti ka lang?” Halos bumaon ang kuko ni reaper sa braso ni Celestine pero nakatingin lang ito sa kaniya ng parang hindi nasasaktan.

“Tsk!”

“Bakit against ba sa rule niyo ang ginawa ko? Tsaka wala panaman akong pinapatay para patawan ng parusa at isa pa... Ako ang magpapasiya kung anong gagawin ko sa sarili ko.” Hinila naman ni Celestine ng marahas ang braso n'ya kahit mapunit ang balat niya at laman. Napatingin siya sa braso niyang sugatan na wala man lang kahit isang patak ng dugong tumulo rito. Unti-unti namang bumalik sa dating makinig na balat ang kan'yang balat sa braso.

Imbis na magalit sa reaper ay nginitian niya lang ito. “Walang sino man ang kayang kumontrol sakin. Hindi ikaw , hindi ang magulang ko o walang kahit sino, kaya gagawin ko kung anong nais ko makamit lang ang paghihigati sa mapait na dinanas ko.” Tumalikod siya at tumingin sa kotse niyang nakapark.

‘Nawalan na ko nang gana mag-drive’

Nagteleport naman siya papunta sa mansion ng Belleza at iniwan ang kotse siya sa parking lot nang condo.

“Panira ng araw!” bulalas niya pa.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon