CHAPTER 12

63 4 0
                                    


“Mr Scoth, mukhang mag-isa nanaman po kayo dito.” Pangiting kausap ni Celine kay Bryan. Napatingin naman si Celine kay Aubrey na nakikipag-usap kay Daniel.

“Hindi po ba kayo na babahala na kasama ngayon ni Aubrey ang boyfriend ko?”

Napatingin naman sa kaniya si Mr Scoth at uminom ng wine.

“Doon siya masaya kaya bakit pipigilan ko siya?”

Umupo naman sa tabi ni Mr Scoth si Celine. “Napatanto ko nga rin mo na hindi napipilit ang pag-ibig ng tao kaya siguro susuko na ako kay Daniel. Kung mahal niya talaga si Aubrey ay 'di na ako manggugulo.” Nahalata naman agad ni Mr Scoth si Celine sa peke nitong intensyon.

“Gano'n ba?”

Tumayo naman si Celine at nagkunwaring napatapilok kaya napahiga s'ya sa hita ni Mr Scoth.

“P-Pasensya na po.” Agad namang humingi ng paumanhin si Celine at nang aalis na sana sa pagkakahiga ay natanggal pa ang ribbon ng bra niya sa likod.

“Sir, maaari bang patali ng bra ko.” Napangiti naman si Celine nang sinunod siya ni Mr Scoth at napatingin kay Aubrey na abala kay Daniel.

“Aray!” hiyaw niya ng mahigpitan ni Mr Scoth ang tali. “Pasensya na lalaki kasi ako at wala akong alam sa pagtatali ng gan'yan.”

Ngumiti naman si Celine at lumapit sa mukha ni Mr Scoth. “Ayos lang po, hindi ko kayo masisi kung ngayon palang kayo nakahawal sa katawan ng babae.”

Nang makalayo si Celine ay mabilis niya inayos ang pagkakabuhol ng tali dahil sa sobrang higpit at 'di na s'ya makahinga.

Samatalang kahit nakatalikod si Aubrey at malayo ay rinig at klaro sa kaniya ang pinag-usapan ng dalawa. Agad siyang nagtungo kay Bryan matapos makaalis ni Celine ay inasar niya si Bryan.

“Woah, hindi ka papala nakahawak nang katawan ng babae. Gusto magpraktis ka sa'kin para pagkaharap mo na siya ulit 'di kana matakot ulit,” asar ni Celestine pero 'di siya pinansin ni'to.

“Ayoko kong humawak sa ibang tao dahil nakikita ko ang mga nakaraan nila. Maliban sayo ewan ko ang dahil. Marahil isa ka kasing Goblin.”

Habang nakaupo siya ay pumatong sa kaniya si Celestine habang nakaupo siya na balak talagang mangasar.

“Talaga? So, kaya pala 'di ka nagalinlangang halikan ako kahapon?” Napatingin si Bryan sa paligid at mukhang pinahinto niya ang paggalaw ng mga tao sa paligid.

“Umalis kana jan, hindi ako papatol sa kahit na sino. Maliban sa kasintahan ko.” Pagtanggi ni Bryan at tinulak si Celestine.

“Haha. Mukha bang ganon din ako? Kahit pa mangakit ako ay ‘di ko parin ramdam ‘yun lalo na't ‘di walang natibok saki-” ‘Di siya napatapos ng hilain siya ni Bryan at itulak pahiga sa bunginan tsaka pumatong sa kaniya. Hinalikan s'ya ng mariin nito at sa ‘di mapaliwanag ay may kung anong nadaloy sa pagkatao niya na malaman kung saan galing. Nag-init ang pakiramdam niya habang nasa bisig ni Bryan na hindi niya naramdaman kahit kelan. Dahil simula ng mamatay siya ay ‘di na ang bago ang pakiramdam niya at puro nalang lamig at pagkamuhi.

Nag-respond siya sa marahas na halik ni Bryan at lalo pang hinigpitan ang yakap dito. Nawalan naman ng kontrol si Bryan at nakalimutan ang pangako niya sa dating kasintahan. Pinasok niya sa manipis at masikip na damit ni Celestine ang kaniyang kamay at pinagala sa iba't ibang parte nang mahubog na katawan nito.

Bigla naman pumasok sa isip ni Celestine na may nagmamay-ari na kay Bryan at hinihintay s'ya nito kaya marahas niyang tinulak si Bryan at binalik ang ulit sa pagkakagalaw ang mga tao.

“M-May gagawin papala ako.” Tumakbo naman si Celestine at napahawak sa dibdib n'ya na may pagkalito.

“Bakit parang naramdaman ko na may mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko kanina? Nang may mangyari samin ni Daniel, wala akong naramdaman kundi sakit lang,” pagtataka niya. Nakaramdam siya na para bang gusto niyang ulitin ito dahil sa nagustuhan niya nag paghalik ni Bryan sa kaniya. Ngunit agad siyang napailing.

“Celestine, may nagmamay-ari na sa kaniya at mahigit Dalawang-daang taon na siyang hinihintay nito. Kumpara sayo na Sampung taon palang.”

Napasandal siya sa pader at huminga ng malalim.

'Ano ba 'tong nararamdaman ko?'

...

Pinilit naman ni Bryan at ni Celestine ang nangyari at hindi magpansinan kaya nagkaroon nang pagkakataon ni Celine na lalong mapalapit kay Bryan at maging pormal sa isa't isa.

Hanggang sa isagawa na ni Celine ang plano niya. Pina-inom niya ng pampahilo si Bryan para mawala ito sa katinuan, ngunit lingid sa kaalaman niyang hindi tao si Bryan at sinakyan lang ni Bryan ang ginagawa ni Celine.

'Bryan, patawarin mo ko. Masyado kang inosente pero dahil kay Aubrey ay mapapahamak ka.' pag-iisip niya pa habang nasa harap ni Bryan, nakasandal sa pader.

“Bryan, mahal kita simula ng una kitang makita,” pagsisinungaling pa niya.

“Talaga?”

“Oo, hindi ako papayag na mawala ka sakin.” Dugtong ulit niya sa kasinungalingan niya pero ngumiti lang si Bryan.

“Patawad may girlfriend na ko at walang iba kundi si Aubrey.” Tinulak naman siya ni Bryan at nagulat s'ya nang nagagawa pa nitong makagalaw ng maayos kahit na naglagay siya sa inumin nito ng pampahilo.

“Paanong...”

Kinataka niya naman pero bigla siyang napahinto ng may bumungisngis sa gilid.

“And... Cut!” bigla namang lumabas si Aubrey s apinagtataguan niyan amay hawak na camera.

“Gosh! Perfect! You know what, Celine. You're such a good actress,” asar ni Aubrey at 'di naman makapaniwala ni Celine.

“Kung gano'n plano n'yo to?”

“No. Bali binaliktad ko lang ang plano na ginawa mo.” Napatawa naman si Aubrey nang i-replay ang video record.

“Haha, This is a most epic rejection, I've ever seen. Bali hindi ka nakuntento sa isang boyfriend at gusto mo madami sila?”

“It's your fault! Ginawa ko lang naman 'to para gumanti sayo! at ako papala ang hindi kuntento sa isa? e Ikaw nga ang higad sa relationship namin ni Daniel kaya ‘di mo ako masisi!”

Halos duro-duruin ni Celine si Aubrey pero halatang ‘di natatakot si Aubrey sa kaniya.

“Kasalanan ko bang mas gusto nilang humiga sa malabot kaysa sa matigas at flat na gaya mo? Kaya kung gusto mong itali ang boyfriend mo sayo siguraduhin mong komportable siya para hindi humanap ng bagong higaan na mas malambot.” ‘Di naman nakapagtimpi si Celine at balak sampalin si Aubrey pero hinarangan ito ni Bryan.

“Bakit n'yo ba siya pinagtanggol! Halata namang siya na ang mali diba.”

Napatawa naman si Aubrey at niyakap si Bryan. “Malamang ipagtanggol niya talaga ako dahil boyfriend ko siya. Kaya sana Celine matuto kanang lumagar at alam ang binabangga mo sa susunod. Bye!”

Nang napansing wala na s'yang kakampi ay padabog siyang umalis at naiwan si Aubrey na halakhak.

“Haha. Ang Epic ng mukha niy-” napahinto agad si Celestine ng mapansing seryosong nakatingin si Bryan sa kaniya. Hindi parin naman makalimutan ni Celestine ang nangyari sa kanila kaya agad siyang nag-isip ng palusot para takasan ulit si Bryan.

“Ah... Aalis na ako, may kailangan papala akong asikasuhin.” Tumalikod s'ya agad pero napahinto siya ng may pumalupot na braso sa bewang niya.

“Celestine, ‘wag mo sana akong layuan. Feeling ko may nawawalng piraso sa pagkatao ko kung wala ka,” bulong sa kaniya ni Bryan. Napalunok laway si Celestine at humarap kay Bryan.

“Hindi ako katulad ng kambal ko. Kaya kong lumugar kung hanggang saan lang dapat ako. Alalahanin mo kung sino man ang dati mong kasintahan dahil malulungkot siya kung mawawala ka.” Niyakap ulit siya ni Bryan at napansin s’ya na tuwing makadikit sila ni Bryan ay may kung anong na-koryente sa kaniya at muling nakakaramdam na buhay pa siya.



Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon