CHAPTER 23

34 2 0
                                    

"Sandali! Bakit niyo kinukuha ang gamit namin? Anong karapatan n'yo!" sigaw ni Celine sa mga lalaking walang abisong pumasok loob ng mansion at pinaghahakot ang mga mamahaling gamit na makita sa loob.

"Pasensya na po, may sinusunod lang po kaming patakaran. Malaki na po kasi ang utang ninyo sa bangko at nabenta narin po lahat ng ari-arian ninyo." Sa sinagot nito ay labis na ikinataka ni Celine kaya napatigtig siya sa mommy niya na mukhang naguguluhan din.

"P-Paano? N-Nagbibiro ba kayo, hindi pa nga ako naglalabas ng malaking pera tapos sasabihin ninyo na nagbenta rin ako ng ari-arian?" Galit na galit na taka ni Celine.

Inilabas ng isa sa kasamahan ng mga ito ang isang file at nang mabuklat nila ay halos bumigay ang tuhod ng mommy niya sa bigla. Ngunit pinagmasdan lang ito ng maigi ni Celine habang umiiling at 'di makapaniwala sa nakasulat.

May inilahad bigla ang isa sa head ng bangko at nakita niya ang napakalalaking transaction na nagmula sa account nila.

"Hindi 'to totoo, siguro kagagawan lang 'yan ni Aubrey para gumanti 'diba? H'wag ninyo akong patawanin dahil kahit kelan hindi pa ako gumamit ng gan'yan kalaking pera!" panggagalaiting pagkainis ni Celine na halos magwala pero hindi sila tumigil sa pagkuha ng mga mamahaling bagay sa bahay nila Celine. Ang mga gamit na kailan man ay 'di pinahalagahan ni Celine, ngayo'y pinipilit na niyang maisalba.

"A-Anak, a-anong gagawin natin..." napakapit nalang si Mrs Quintana kay Celine sa braso habang pinagmamasdan ang mga gamit na pakaunti nang pakaunti sa bahay nila.

"Sabing tumigil kayo!" Hindi na nakapigil pa si Celine at pinanlisikan sila ng mata. Nang makita ni Celine na mas malalaki ang katawan nito kaysa sa kanila. Na sa anomang oras ay pwede silang kaladkarin ay pinilit niyang kumalma at huminga ng malalim.

"Bigyan n'yo ko ng 3 araw..."

"Bigyan ninyo lang ako ng tatlong araw at isasampal ko si mismong may-ari ng bangko ang lahat ng utang namin. Kaya magsilayas kayo rito!" ulit niya gamit ang galit na boses bago nilisikan ng mata ang mga tauhan ng banko.

Wala naman nagawa sila kaya nagkatinginan ng ilang segundo bago harapin si Celine.

"O, sige po. Aasahan po namin ang pangako ninyo pero sakaling 'di kayo tumupad ay mas magiging malaki pa ang interest."

"Patungan niyo lang kung anong gusto niyo. Wala akong pake basta magsipaglayas kayo rito, ngayon na mismo!" utos ni Celine at nagsipagsunuran sila palabas. Nang makaalis na ang mga ito ay natumba siyang mala lantang gulay sa takot. Pinilit niyang kumalma at huminga ng malalim habang nanginginig na sinuri ang papel na may datos ng transaction history.

"I-Impossible na hack ang atm natin. Paano kung nagcasino ang daddy mo?" Utal Utal na 'di makapaniwala na inisip ni Mrs Quintana ang mga posibilidad habang si Celine ay isa lang ang sinisisi sa lahat.

"Hindi gano'ng uri na tao si Daddy! kaya kagagawan ito ni Aubrey!"

"Celine, tumigil ka nga sa paninisi mo sa ibang tao? Kita mo na ngang sa Daddy mo nakapangalan lahat ng transaction nang 'yan," Hindi na napigilan ni Mrs Quintana ang mga paratang ng anak na wala sa dahilan kaya nasigawan niya ito.

"Sa ngayon ang company nalang ang magiging scapegoat natin kaya tumigil kana. Imbis na manisi ka ay gumalaw ka nalang para 'di mabaon sa utang."

"Mommy... namimiss ko na si Daddy. "-Celine

...

"Ms. Belleza, iligtas mo ang kompanya. Nasa piligro ang mga shares namin sa Palace Company dahil sa naluluging project na pinapagawa ni Ms. Celine. Marami naring nagsialisan na clients kaya kahit ikaw na ang mamahala basta 'wag lang ma bankrupt ang company," pagmamakaawa ng ibang shareholders kay Aubrey. Napangiti nalang si Aubrey dahil sa 'di inaasahang pagkalugi ng Palace Company.

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon