CHAPTER 25

40 3 0
                                    

...
Nang mapansin ni Bryan ang pagkaputla ng mukha ni Celestine ay agad niyang kinuha ang papel.

"Goblin," basa pa nito.

'Sino naman ang magpapadala nito' pag-iisip ni Bryan at isa lang ang nakikita niyang tao na possibleng na sa likod nito.

Napansin naman ni Bryan ang maliit na sulat sa ibaba ng papel at ibinasa. "Sampaguita Cemetery."

"Mukhang may gusto magpakita sa'tin ngayon," bigkas ni Bryan na nakatingin kay Celestine. "Mukhang ngayon ko na gagamitin ang pinagkasunduan natin," dugtong pa niya at tiningnan lang siya ni Celestine na may pagkalito.

"Balak mong puntahan kung sino nagpadala nito?... H-Hindi ako sasama." Agad tumalikod si Celestine at intinaas nang bahagya ang gown upang makalagad ng mabilis.

"Celestine!" sigaw ni Bryan. Nilingon siya ni Celestine nang marinig ang pangalan nito.

"Ano ba! Hindi ako si Celestine, kaya tigilan mo ako. N-Nakakatakot siya... Nakakatakot ang tao o nilalang na nagbigay n'yang sulat na 'yan kaya tigilan mo ako." Umakyat agad ng stage si Celestine at kinuha ang microphone bago nagsalita sa harap.

"Tapos na ang event. Maaari na kayong umalis, bye!" bulaslas ni Celestine at marahas na ibinigay ang microphone sa staff at dali-daling umalis na ani mo'y may nanginginig sa takot.

"Celesti-"

"Sabing tumigil kana sa kaka Celestine mo 'diba!" Huminga siya ng malalim bago nagsalit muli. "Kung ang Evil Goblin man ang nagpadala n'yan... Ayoko siyang hanapin o puntahan. B-Basta ayoko siyang makaharap, sulat palang ang ibinigay niya, pero parang nakakita na ako ng pangalawang kamatayan. Ayoko na maulit iyon."

Natahimik si Bryan ng segundo bago bumuntong hiniga. "Gan'yan ba talaga ang mga babae, walang isang salita?" Napatahimik si Celestine dahil alam niyang mali rin siya ngunit ayaw na niya talaga makita ang illusion niya o ang sinasabing Evil Goblin.

Sighing~

"Nakamit mo na siguro ang nais mong makapaghiganti. Kaya madali nalang sayong kalimutan ang iba," sumbat ni Bryan at naglaho. Magsasalita na sana si Celestine ngunit mabilis itong nawala at naiwan siyang nag dadalawang isip.

"Master?" Isang malalim at malaking boses ang tumawag sa kaniya kaya agad niya itong nilingon.

"Daddy, hindi ba sabi ko na h'wag po ninyo akong i address nang ganyan sa public." Napapunas siya ng luha at ngumiti.

"Malungkot ka ata?" tanong ni mr Director nang mapansin ang namamagang mata ni Celestine. Inakala naman nito na tungkol ito sa Palace Company. Lalo pa't napagmasdan niyang malungkot ito bago ang event.

"Aubrey, makinig ka..." Lumapit si Director at hinawakan ang dalawang kamay ni Celestine. "Alam kong hindi ka tao pero mas matanda parin ako kaya mas maganda kung saakin na ito manggaling."

"Hay~ Ilang taon narin nang kunin ang company ko, nangako akong maghihiganti ako at aangat sa kanila. Pero, namatay lang pamilya ko dahil sa nais ko. Ngayon na naabot ko na ang rurok at napagtanto mag-isa nalang ako. Tinatanong ko tuloy ang sarili ko kung ano bang nakuha ko? Ano ba ang nais ko sa simula palang? Bakit ba ako naghiganti? Masaya ba ako ngayon?" Sa mga katagang iniwan ni Mr Director ay napaisip ng malalim si Aubrey.

"Ngayon na matatapos na ang paghihiganti mo. Sayo ko ito itatanong... Masaya kana ba?" Ilang minuto ang lumipas bago may isang luha ang putak mula sa pisngi ni Celestine, at pinipigilan pa ang magbabadyang mga luha na umagos ng tuluyan.

Umiling si Celestine at hindi makatingin ng diretso. "Bakit nung una. Uhaw na uhaw ako na pabagsakin sila. Bakit ngayon... sinisisi ko na ang sarili ko? Bakit ako nakokonsensya, samantalang sila wala man lang konsensiya at pagdadalawang isip noong pinatay nila ako! Bakit... Bakit, kailangan k-ko itong maramdaman?" nanginginig na salita ni Celestine habang pinipigilang matumba sa harap ni Mr Director.

"Kasi, hindi ikaw sila." Sinagot ni Mr Director ang tanong ni Celestine at pinatahan sila habang nakayakap.

"Bata ka pa, hindi mo dapat agad nakita ang kasakiman ng mundo pero mali rin na makisabay tayo rito." Muling hinarap ni Mr Director si Celestine at ngumiti sa kaniya habang hinihimas ang buhok ni Celestine.

"Simula ng mawala ang mga anak ko ay kinilala na rin kitang pamilya at aking anak. Kung pwede lang kitang piliin bilang iyong ama, magiging pinakamasaya akong ama, dahil nabiyaan ako ng isang anak na katulad mo." Tagos sa puso ang matatamis na salita ni mr Director kay Celestine bilang isang ama.

"Pagod na po ako, gusto ko nang itigil 'to at mamumuhay na walang hinanakit sa kanila. Kakalimutan ko na po ang lahat," ngumiti si Celestine ng matamis na mukhang natauhan sa sermon ni mr Director at unti unting pagbalik ng inosente niyang mukha bilang si Celestine.

'Goblin~'
Nanlaki ang mata ni Celestine at 'di makagalawa ng may bumulong sa kaniya na malamig na boses mula kung saan.

"Aubrey?" -mr Director

"Master?" -mr Director

"Nandito siya~" mahinang bigkas ni Celestine at humawak sa kamay ni mr Director. "Kailangan na po nating umalis rito!"

Hinila ni Celestine si mr Director patakbo pero wala pang dalawang hakbang ay may umugong na putok ng baril malapit sa kinatatayuan niya.

Bang!

Natakot siyang harapin si mr Director na biglang kumalas sa pagkahawak.

"A-Aubrey... A-An...nak ko-"

Hinarap ng dahan-dahan ni Celestine ang ulo niya at umaasang mali ang akala nito. "D-Director!" sigaw niya sa karag na boses.

"Director!" sigaw niya muli at lumapit rito. Nilapat niya ang kamay niya at sinubukang pagalingin ito. Ngunit tuloy tuloy parin ang agos ng dugo na mula sa tyan nito na natamaan ng baril.

"Bakit ganito! BAKIT AYAW! MAGHILOM KANA!" pinilit niyang mapagaling ngunit walang nangyayari kaya nilingon nalang niya ang paligid at

"Tulong!" halos mawalan ng boses si Celestine pero wala paring taong dumadating.

Isang mala-demonyo na tawa ang umalingawngaw sa utak niya at kinokotrol ang pandinig niya. Sinubukan ni Celestine makaalis sa kinatatayuan niya pero hindi nito makakilos.
'Ako ang gumawa sayo! Ako ang dahil ng kapangyarihan mo, niligtas kita at inilayo sa masaklap mong kapalaran. Dapat magpasalamat ka sa'kin at bayaran ang kabutihan ko sayo'

"Bayaran? Ito ba ang dahilan mo kung bakit mo ko ginugulo?!" nanggagalaitng tanong ni Celestine.

'Haha, hindi pa sa ngayon. Pero may regalo lang ako para sayo, kaya gusto kong makita ka ng personal.'

Sinundan nang sunod-sunod na tawa at pag-echo nito sa padinig ni Celestine. Napatakip siya ng tainga ngunit hindi ito napipigilan upang hindi marinig ang bawat tawa.

"Celestine!"

"CELESTINE!"

Nawala ang boses ng Evil Goblin sa isipan ni Celestine ng takpan ni Bryan ang tainga niya at nakapatong sa kamay niya. "B-Bryan?" tawag ni Celestine at nagtagpo ang mata nilang dalawa. "Dumating ka?" dugtong pa niya.

Nilingon lang ni Bryan ang paligid at sabay binitawan si Celestine. Lumayo naman siya agad at lumapit kay mr Director, habang si Celestine ay nakatulala parin at nakatingin sa kamay niya na mukhang wala sa sarili.

"Celestine!"
Napabalik sa wisyo si Celestine at naalala si Mr Director kaya agad siyang lumapit rito.

"Kailangan nating madala si Director sa Hospital!" ani ni Celestine pero umiling si Bryan at huminga ng malalim.

"Patay na siya," sagot nito sa malamig na boses.

"Patay? Nagbibiro ka ba?" taka ni Celestine. Nilapat niya ulit ang kamay niya sa tiyan ni mr Director at sinubukang mai- revived ito ngunit wala paring nangyayari.

"H-Hindi 'to totoo!" ani niya habang na iling at pinipilit na ngumiti.

"Panaginip lang 'to? 'Di ba? SABIHIN MO BRYAN PANAGINIP LANG ITO HINDI BA?!"

"Tama na Celestine... tumahan kana." Lumapit si Bryan at niyakap si Celestine na humagulgol sa pag-iyak.


Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon