CHAPTER 32

36 3 0
                                    

...


" Hindi... hindi!" Agad napabalikwas ng bangon si Celine at hinabol ang kaniyang hininga.


"B-Buti panaginip lang..." maluwang na hinga niya at napatingin sa repleksyon n'ya sa salamin na malapit sa higaan. "Paano kung, bumalik siya at singilin ako?" Taka niya na napalitan ng pagkumbinsi sa sariling malabong iyon.


"Hindi!.. Impossibleng bumalik siya, hindi pwede."


Napahawak si Celine dibdib niya at kinuyom ang kamao. "G-Gusto ko ng magbagong buhay," dugtong pa niya at inalala ang kaniyang kambal na si Celestine.


Flashback...


"Ate Celine!!" masayang tumakbo papasok si Celestine sa kwarto ng kaniyang kambal at may dalang make up kit. Lumundag ito pa upo sa kama at may matang mapungay sabay abot sa kit.


"Teka, bakit nagmamadali ka ata? May humahabol ba sayo?" tanong ni Celine. Hinabol mo Celestine ang hininga niya bago nagsalita.


"K-kasi... may dala ako. Sabi nila karamihan daw sa babae nabili ng pamapaganda kaya binilhan kita. Hehe." Ngumit si Celestine at binuksan ang make up kit pagtapos inisa-isa ang pagbigay sa kaniyang Ate Celine.


"E, sayo? Bumili ka ba?" - Celine


Agad umiling si Celestine at nnagatwiran, "Ayaw ko, kumakalat 'yong lipstick pagnagamit ako. T'saka naiiwan sa baso pag nainom ako, kaya baka hindi talaga para sa'kin ang pag papaganda. Hehe." Pinagmasdan ni Celine ang make up at sinusi isa-isa at dahil magagandang klase ito ay ikinasiya niya.


"Ako mag-maaayos sayo. Nakita ko sa tutorial kung paano mag-ayos. Sabi ahitin daw ang kilay at mag-apply muna ng moisturizer t'saka...-" Biglang napahinto si Celestine at napakamot kaya lumapit nalang si Celine sa salamin nang kusa.


"A-Ako na!" awat ni Celine kaya napahinto si Celestine. "Baka kung ano pa magawa mo sa mukha ko kaya mas mabuting ako nalang."


Agad naman silang sabay nagtawanan.


End of Flashback


"Bakit? Bakit ko nagawa ang bagay na 'yon?" tanong ni Celine sa sarili.


"Celestine, sana mapatawad mo ako," buntong hininga ni Celine. Napunta ang tingin niya sa pinto at nakapagpasyahang umalis nang bahay.


"Celine, saan ka pupunta?" -Mrs Quintana


"May dadalwin lang po," sagot ni Celine at hindi nilingon ang ina dahil direderetso ang pag-alis ng bahay.


Nang makarating siya sa puntod ni Celestine ay nagtirik siya ng kandila sa tabi ng lapida. At pinagmasdan ang natutunaw na wax ng kadila. Hinawi niya ang mga kalat sa lapida at nag-alay ng bulaklak.


"Celestine..."


"..Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sayo. Pero sana, hindi ka galit sa ginawa ko-" nagsimulang bumuhos ang mga luha ni Celine.


"Dahil sa pagiging makasarili ko ay... n-nakipagkasundo akong patayin ka. Para, mabuhay ako ng normal kahit maikling oras lang ang ibinigay niya sa'kin, kapalit nang buhay mo." Sa sobrang iyak ay nakahawak siya sa kaniyang bibig at ilang segundo hinayang tumulo ang luha at ipakawala ang hingapis. Nang matapos ang minuto ay napapunas siya ng luha ngunit patuloy parin ang pag-agos nito.


Lumunok siya bago nagsali muli, "Alam mo ngayong nasa labas na ako at nakakagala... ngayon ko lang napagtanto na... mas mahirap pala mabuhay sa labas at sana ako nalang ang namatay para hindi akonnasampal ng realidad ng buhay..."


"..Siguro, kung hindi ako nainggit sayo, sana tahimik akong nakahimlay sa libingan mo. At ikaw naman, maayos mong mapapatakbo ang company at naaalagaan ang parents natin," masayang aniya at naging seryoso. "Pero, hindi na mababalik ang nakaraan at totoo nga ang sabi nila. Nasahuli ang pagsisisi," matapos magbitaw ng kataga ni Celine ay humuhos ang luha lalo sa harapan ng puntod ni Celestine. Dahan dahan niyang nilapit ang kaniyang kamay sa naka-ukit na pangalan ni Celestine sa lapida.


"Patawad... hinila ko sa kaguluhan ang pamilya na'tin. Pero, h'wag kang mag-alala... makakasama mo na si ate Celine huh, s-sa kabilang buhay. P-Pangako babawi ako.." napaluhod si Celine at umikit sa labi ang isang mapait na ngiti.


"Anong ibig mong sabihin?" isang boses ng lalaki ang nagsalita at kanina pa nakikinig. Nilingon niya ito at bumungad ang mukha ni Bryan na ikinalaki ng mata niya.


"K-Kanina ka pa nakikinig?" tanong ni Celine.


"Sagutin mo ako, MAY KINALAMAN KA BA SA PAGKAMATAY NI CELESTINE!!" nang gagalaiting tanong ni Bryan, nanlambot ang binti ni Celine at 'di makasagot na ikinatumba niya.


"Esperanza? PAANO MO NASIKMURANG GUMAWA NG NAPAKALAKING KRIMEN!!"


"Nadala lang nang pag kainggit ko!!" sagot ni Celine. "Kasalanan ko ba na pinanganak akong may kamalasan sa buhay? Buong buhay ko nakakulong ako at lumalaban sa sakit ko, tsaka nakakaingit na sa dami rami ng taong magkakasakit ako! Bakit kailangan magkaroon ako ng limitasyo at sa dami rami ng tao bakit ako pa ang naghihirap ng ganito!!" binuhos na ni Celine ang matagal na niyang tanong. Napatingin siya sa lapida ni Celestine at pininunasa ang luha sa pisngi.


"Nangyari na ang lahat. Kahit ibalik ko pa ang puso niya ay hindi na siya mabubuhay pa. Kaya sasamahan ko nalang siya sa hukay," sagot ulit ni Celine na ikina lito ni Bryan.


"Anong ibig sabihin mo?" taka ni Bryan kaya nilingon siya ni Celine bago tumayo.


"10 years ago, nabulag ako sa pagka-inggit. Habang nakikita ko na masaya ang kambal ko lalo akong naiinis. Kaya nang may i-alok sa'kin ang isang mula sa inino ay 'di ko na pinakawalan pa ang opportunity na makalabas sa Ospital. Simula nun, naging mabait sa'kin si Daddy at lahat ng nais ko binibigay niya. Habang nakikita kong nahihirapan ang kapatid ko ay napakasaya ko noon lalo na ng sabihin ni mom and dad na may donor na ako. Pero, huli ko na nalaman na may kabayaran pala lahat nang natatamasa ko. Kaya hinahabol ako ng konsensiya ko ngayon at ginulo ko lang ang buhay ng pamilya namin. Sa kabila nun, pinilit ko paring mabuhay ng maayos dahil alam kong sa kahit anong oras maaaring bawiin ng anino na 'yun ang buhay ko, hanggang sa dumating si Aubrey at sinira ang buhay ko," pagku-kwento ni Celine.


"Nagpapasalamat na rin ako sa pagdating niya, kung hindi dahil sa kaniya hindi ako masasampal ng katotohanan. Salamat kasi nilagay niya ako sa pinakababang sitwasyon at pinaramdan lahat nang ginawa ko sa kambal ko. Ngayon ko lang na realize lahat ng mali ko, lahat ng kasalanan ko kay Celestine."


Humakbang papalapit si Bryan kay Celine at iniyakap ito. "Kung nasaan man si Celestine ngayon ay malamang kung marinig man niya ang pagsisisi mo ay mapauunawaan ka niya."


Kinalas ni Celine ang yakap ni Bryan at umatras ng kaunting hakbang.


"T'saka nga pala, gusto ko sanang layuan mo na ako at tigilan na ang kakahabol at pagmamasid sa'kin. Kung totoo man na ako si Esperanza na dati mong kasintahan ay mas magandang kalimutan na natin ang nakaraan."


"P-Pero..."


"Alam kong may gusto ka kay Aubrey kaya kalimutan na natin ang nakaraan, kung pwedeng mag forward na tayo at alalahanin ang future."


"May ihihiling sana ako..."


"Ano yun?"


"P-Pwedeng pag nawala nako sa mundo, pakibantayan ang mommy ko. Hindi ko alam kung kelan darating ang Katulad mong nakipagkasundo sa'kin. "


" Hindi ko hahayaang--"


"Hayaan mo na ako, gusto ko na rin makita ang kapatid ko at makahingi ng tawad sa kaniya."

Revenge of the heartless daughter (Goblin Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon