CHAPTER 7

4 0 0
                                    

Days passed, unti-unti na akong nasanay sa lugar na ito. Ka-close ko na rin ang halos lahat ng kapitbahay namin. At mas naging close kami ni Yuriets. We might have no clear label between us but we both knew our feelings for each other. Soon, I'll court her and tell my parents about us.

"Tao po?" Rinig kong may kumatok. Si Yuriets na siguro iyon.

"Ako na po ma," sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa sa sala. Sunday kasi ngayon kaya magsisimba kami. Inanyayahan ni mama si Yuriets na sumabay sa amin sa pagsimba.

"Hi," nakangiting bati niya nang mabuksan ko na ang pinto. Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

"Tuloy ka," anyaya ko. Pumasok naman siya. Isinarado ko muna ang pintuan bago sumunod sa kaniya.

"Magandang umaga tita, tito," bati niya sa aking mga magulang na busy sa pananalamin at pagsasapatos.

"Good morning, iha. Maupo ka," sabi ni mama. Umupo naman si Yuriets sa tapat ni papa na nagsasapatos. Ako nama'y umupo rin sa tabing upuan na inuupuan ni Yuriets.

"Kumain ka na ba Yuriets?" tanong ni papa.

"Ahh opo. Maaga po talaga akong bumangon kasi excited hahaha," natatawang kwento ni Yuriets. Napatawa rin naman kami.

"Tara?" tanong ni mama habang nakatingin kay papa na tapos nang magsapatos.

"Sure. Let's go," sabi ni papa at tumayo na.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan.

Natapos na ang misa at palabas na kami ng simbahan nang may kumalabit kay Yuriets.

"Oy! Yuriets, kumusta ka na?" tanong ng isang ginang na nasa mid-30s na siguro. Ngumiti naman si Yuriets sa kaniya.

"Ate Sync, okay lang ho ako. Ikaw ho? Kailan po kayo nakauwi?" tanong naman ni Yuriets sa ginang.

"Nako, maayos lang din ako. Last week lang ako nakauwi rito," sagot naman ng kausap ni Yuriets.

"Ayy, sino ba itong mga kasama mo?" pahabol na tanong ng ginang.

"Ahh mga bagong kapitbahay ko po sila. Sina tita Belinda, tito Neil, at si Sebastian, anak nila," pagpapakilala ni Yuriets sa amin. Ngumiti naman ang ginang sa aking mga magulang at sa akin. Ngumiti rin kami pabalik.

"Hello, ako si Sync. Kapitbahay lang din tayo ngunit isa akong OFW galing sa Singapore. Kakauwi ko lang," pagpapakilala rin ng ginang.

"Nice to meet you, Sync. Sana makapag-bonding tayo minsan," sabi ni mama.

"Ayy sure! Pwede bang pumunta sa inyo mamaya? Magluluto kasi ako ng spaghetti. Kayo pala iyong bagong kapitbahay. Hindi ko man lang kayo na-welcome," sabi rin ni ate Sync.

"Oo naman. Salamat in advance," wika ni mama. At nagtawanan sila.

"Mama," tawag ng isang dalaga kay ate Sync siguro.

"Oh," sagot ni ate Sync. Lumapit ang dalaga sa aming kinatatayuan.

"Ah, ito pala si Cae, anak ko." Pagpapakilala ni ate Sync sa bagong dating na nakatingin kay Yuriets. Lumingon ako kay Yuriets, nakatingin din siya kay Cae. The atmosphere felt like heavy and dark between them. What's up with these two? Naputol lang ang kanilang titigan nang lumingon si Cae sa kaniyang ina.

"Mama, let's go. Naghihintay na si papa sa kotse," sabi nito.

"Mauuna na kami sa inyo..." tumingin ang ginang kina mama't papa "Yuriets," kay Yuriets at sa akin.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon