CHAPTER 10

3 1 0
                                    

"Thank you po sa pag-imbita," pasalamat ni mama kay Aling Nesing na mababakas ang kasiyahan sa mukha.

"Thank you rin sa pagpunta at sa mga ibinigay niyong regalo," wika naman ni Aling Nesing.

"Uuwi na ho kami ha?" pagpapaalam ni mama.

"Mag-iingat kayo," sabi ni Aling Nesing. Nagmano muna kami bago tuluyang umalis. Inihatid muna namin si Yuriets at hinintay na makapasok sa loob bago kami pumasok sa aming bahay.

Dumiretso na ako sa itaas at pumasok sa kwarto para maligo't magbihis. Ngayon ko pa lang naramdaman ang sobrang antok.

Pagkatuyo ng buhok ko ay humiga na ako kaagad sa aking kama. Ilang sandali lang ay nakatulog na ako.
______________________________________________________________
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Bumangon ako't pumunta muna sa banyo para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay tumingin ako sa wall clock na nasa ibabaw ng aking kama. Eight thirty five na pala ng umaga. Lumabas ako sa balkonahe at biglang kinabahan nang makitang maraming tao sa labas ng bahay nila Yuriets. Hindi ko siya mahagilap sa mga taong nasa terasa nila at wala rin siya sa kaniyang balkonahe.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto at bumalik sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng isang kulay maroon na t-shirt at black shorts. Lumabas ako ng kwarto at bumaba na kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit. Nang nasa sala na ako kay doon ko pa lang naalalang hindi pa pala ako nagsuklay. Bahala na.

Hindi ko mahagilap sila mama at papa sa loob ng bahay.
Parang ang tahimik din ng bahay kaya lumabas na lang ako at dumiretso sa bahay ni Yuriets.

"Anak!" tawag ni mama sa akin nang nasa labas na ako ng terasa sa bahay ni Yuriets. Nakaupo siya't nakikipag-usap sa ibang kapitbahay kasali na sina Aling Nesing, Aling Arianne, at Aling Thara.

"Halika," sabi ni mama kaya naman lumapit ako sa kaniya.

"Nasaan po si Yuriets, ma?" tanong ko.

"Ikaw ba si Seb?" tanong ng isang babaeng kaedad ni mama na kakalapit lang sa amin. Tumango ako.

"Papuntahin ka raw ni Yuriets sa kusina," sabi niya. Sumunod naman ako sa kaniya papuntang kusina. Nakita ko si Yuriets na nakaupo at kumakain ng hilaw na manggang isinawsaw sa bagoong. Nang maramdaman niyang nandito na kami ay lumingon siya sa amin... sa akin... at ngumiti.

"Umupo ka," sambit niya habang nakalahad ang kaniyang kamay sa upuang kaharap. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa kaniyang harapan.

"Sa labas muna ako Yuriets," paalam ng babae kanina. Tinanguan lang ito ni Yuriets at tumingin ulit sa akin.

"I'm sorry," sabi niya. Nagtataka ma'y tahimik lang ako't handang makinig sa iba pa niyang sasabihin.

"Aalis na ako," dagdag niya. Sobrang nagulat ako sa kaniyang sinabi at naghalo-halo ang mga emosyon sa aking kalooban. Malungkot, nagtatampo, o ewan. Hindi ko alam. Tahimik pa rin ako.

"Kukunin na ako ni Tita eh. Iyong babae kanina," paliwanag niya.

"Mag-iingat ka," nasabi ko na lang at tumayo. Hindi ko kayang hindi siya makikita araw-araw. Naiisip ko pa lang, parang mababaliw na ako. Maglalakad na sana ako papuntang sala para umuwi nang malapit kong mabangga ang isang babaeng may pagkakahawig ni Yuriets at parang kaedad lang din namin. Tumitig ito sa akin pagkatapos ay ngumiti.

"You're handsome," sambit nito.

"Hi! I'm Izha. Yuriets' cousin," pagpapakilala niya. Tinanguan ko lang ito at akma na sanang aalis nang magsalita siya ulit.

"Hi there, my cousin! Bagay ba kami?" tanong niya sa taong nasa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Yuriets na nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko alam pero gusto kong magpaliwanag sa kaniya ngunit hindi ako makapagsalita.

"Bagay naman. Maganda ka at gwapo rin si Seb," sagot ni Yuriets na may pilit na ngiti. Biglang bumagsak ang aking mga balikat. I hope you're also proud of your feelings for me.

"So, you're Seb?" patanong na sabi ni Izha. I didn't respond. Walang umimik sa aming dalawa ni Yuriets. Dumaan siya sa aming gilid at umakyat sa hagdanan. My gaze was left on the place where she was awhile ago. Before my tears will fall down, I immediately leave the house. Sinundan pa ako ni Izha palabas at tinawag din ako ni mama ngunit dire-diretso akong umuwi at pumasok sa loob ng bahay. I ran to my room and sat on my bed. Nakaharap ako sa pintuan ng aking kwarto at parang blangko ang aking kalooban at isipan. Hindi ko maproseso lahat ng nangyari ngayon.

"Son? Wake up. Let's eat dinner." I didn't realized that I fell asleep. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nakita si papa.

"I'll go first, okay?" he asked and I just nodded as my response. He left my room and closed the door. Bumangon na ako't isinuot ang aking tsinelas. I gazed at my balcony and heaved a deep sigh. I went out of my room and went downstairs.

Nang makarating na ako sa kusina ay nakita kong nakaupo na sina mama at papa, at parang hinihintay nila ako. Umupo na ako sa aking pwesto. Doon pa lang sila kumuha ng pagkain. Sobrang tahimik namin habang kumakain nang magsalita si mama.

"Seb, may ipinapabigay pala si Yuriets sa akin para sa'yo. Kunin ko muna," sabi niya at tumayo. Naiwan kaming dalawa ni papa sa hapag-kainan.

"Son, nagtatampo ka ba kay Yuriets?" tanong niya na ikinatingin ko. Hindi ako sumagot sapagkat hindi ko alam ang aking isasagot.

"Distance doesn't matter when you really love someone," sambit niya. Akala ko magsasalita pa siya ngunit hindi na. Dumating na si mama na may dalang box. Kulay brown ito, hugis parisukat, at ang size niya'y halos katulad ng laki ng isang ordinary notebook.

"Kain ka muna," sabi ni mama at inilagay ang box sa kaniyang gilid.

"I'll wash the dishes," anunsyo ni papa. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti sa akin.

"Ako na po. Alam ko pong pagod kayo," sabi ko.

"Huwag na kayong mag-away. Ako na," sabi naman ni mama.

"Ako na, ma. Please?" pilit ko. Napangiti naman sila.

"Sige na nga. Thank you!" wika ni mama.

Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos naming maghapunan ay naghugas ako ng mga pinggan. Bumalik na ako sa kwarto na dala ang box na binigay ni Yuriets para sa akin. Bago ako naligo ay tiningnan ko muna kung ano ang nasa loob nito. Isang notebook na kakulay ng pattern paper ang kaniyang cover at isang brown envelope. Tiningnan ko naman kung ano ang inilagay niya sa loob ng envelope. I saw a white paper. Isang letter. Binasa ko ito.

Dear Niscri,
         
Hindi ko alam paano sabihin sa iyo ito personally kaya naisipan kong sulatan na lang kita. Aalis na kasi ako rito dahil kukunin ako ng aking tiyahin. Huwag kang mag-alala dahil babalikan kita, pangako. At gusto kong malaman mo ang tunay kong nararamdaman para sa iyo. Unang kita ko pa lang sa iyo, parang tinambol na ang puso ko. Sa kalituhan noon, pumasok ako sa loob ngunit pinagmasdan pa rin kita kahit nasa loob na ako ng aking kwarto. Gusto kita, Niscri. At hulog na hulog na ako sa iyo. Hintayin mo ako. Hintayin mo ang paglubog ng araw dahil may Yuriets na darating.

                                                                          Nagmamahal,
                                                                                Yuriets

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon