CHAPTER 3
"Niall Sebastian Crisostomo anak? Gising naaa," narinig kong mahinang sabi ni mama.
"Hahaha," narinig ko ring tawa ni papa.
Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm. Yeah, ginawa kong alarm ang tinig nina mama't papa kasi sa tuwing naririnig ko ang mga boses nila'y biglang gagaan 'yong mabigat kong pakiramdam. Nakaka-good mood rin ang mga mahinhin at masayahing boses nila. Kaya masigla ako tuwing umaga dahil sa alarm ko.
Bumangon ako at nag-inat ng katawan. Pumunta ako sa CR ng aking kwarto para magtoothbrush at maghilamos.
"Magandang umaga Kalye Calceta!" Narinig kong sigaw ni Yuriets. Napangiti agad ako.
"Magandang umaga at maligayang pagbangon dyosang pinakakyut, aming pinakamamahal na Yuriets!" sagot naman ng mga kapitbahay. Napatawa ako roon sa 'dyosang pinakakyut' pero totoo naman. Maganda at ang cute ni Yuriets. May narinig akong tugtog. Siguro nagpatugtog na si Yuriets sa kaniyang speaker.
"Yes, the wind blows a little bit colder
And we're all getting older
And the clouds are moving on with every Autumn breeze~" Pagsabay ni Yuriets sa kanta. Lumabas na rin ako sa balkonahe."Peter Pumpkin just became fertilizer
And my leaf's a little sadder and wiser
That's why I rely on certain certainties~" Ang mga bata naman ngayon ang sumabay sa kanta na mukhang naglaro ng tumbang preso kani-kanina lang dahil sa lata na nasa gitna ng daan at mga tsinelas na hawak nila.[Tumbang preso also known as tumba lata or bato lata is a traditional Filipino children's game. It is usually played in backyards, parks, or in streets when there is little vehicular traffic. The equipment needed are an empty can or bottle, and a slipper as a "pamato" for each player. --Google, Wikipedia]
"Yes, some things never change
Like the feel of your hand in mine
Some things stay the same
Like how we get along just fine
Like an old stone wall that will never fall
Some things are always true
Some things never change
Like how I'm holding on tight to you~" Kanta ng lahat. Mapa-bata, matanda, babae, lalaki, may ginagawa, o wala ay nakikisabay. Nakakatuwang isipin na nagkakaisa sa kasiyahan ang mga tao sa isang lugar. They can twist ordinary days with their cheerful voices, optimistic minds, and grateful hearts. Ang madalas kasi ay puro chismisan, chikahan, siraan, at parinigan ang mga magkakapitbahay na nagreresulta ng hindi magandang pagsasama. Siguro, kahit anong pagsubok at dilim ang dumaan, patuloy pa ring magliliwanag ang Kalye Calceta dahil sa mga tao rito."Magandang araw, pamilya Crisostomo," maligayang bati ni Aling Nesing kina mama't papa na nasa terasa sa labas ng bahay.
"Magandang araw, Aling Nesing," nakangiting sagot nina mama at papa.
"Psst huy! Magandang umaga!" Napalingon ako kay Yuriets nang batiin niya ako.
"Magandang umaga rin," nakangiting bati ko sa kanya.
"Oh iho! Andyan ka lang pala. Magandang araw sa iyo! Close na kayo ni Yuriets ha?" nakangiting sigaw ni Aling Nesing na may halong pang-aasar. Napatawa't napalingon naman kami ni Yuriets sa kaniya. Sina mama't papa ay napatawa rin.
"Siya po kase 'yong una kong nakausap Aling Nesing," sagot ni Yuriets at napangiti't tango-tango naman si Aling Nesing.
"O sya! Magluluto muna ako ng umagahan. Magandang araw ulit sa lahat," nakangiting sabi ni Aling Nesing.
"Sige ho!" Sagot namin at pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay.
"Anak! Magluluto na rin muna kami ng breakfast," sigaw ni mama sa akin. Dito naman ako napalingon. Nakangiti naman si papa habang nakatingin sa aming dalawa ni Yuriets.
"Sige ma," sagot ko. Napatingin at napangiti naman siya nang nilingon niya si Yuriets na nakatingin din sa kanila.
"Magandang umaga, Yuriets," sabay nilang bati ni papa.
"Magandang umaga rin ho," nakangiting sagot ni Yuriets.
"Ahm dito ka na sa amin mag-umagahan iha! Magluluto ako ng marami," may malaking ngiti na sabi ni mama.
"A-ah sige ho. Salamat ho," parang nahihiyang sagot ni Yuriets.
Kinindatan ako ni mama at masiglang pumasok sa loob ng bahay. Kinindatan din ako ni papa at sumunod kay mama papasok sa bahay.
"Ang cute naman ng mga magulang mo hahaha. Ang saya-saya nilang pagmasdan," nasisiyahang wika ni Yuriets.
"A-aah hihi," 'yon na lang ang nasabi ko sabay kamot sa aking batok. Nilingon ko siya at nakitang biglang lumungkot ang kaniyang mukha lalo na ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa pinto ng aming bahay na pinasukan nina mama't papa kanina.
"Na-miss ko bigla sina mommy at daddy," malungkot niyang sabi sabay tingin sa kalangitan. Ngumiti siya bigla at tumingin sa akin.
"Pero masaya rin ako dahil alam ko na masaya na sila kung nasaan man sila ngayon at alam kong ayaw rin nilang nalulungkot ako. Hindi rin naman ako mag-isa eh kase alam kong maraming nagmamahal sa akin," sabi niya.
"Alam kong kaya ko ito," mahinang sabi niya sabay tingin sa kalangitan.
"Kaya natin ito," sabi ko naman at napalingon siya sa akin.
"Sabi mo nga diba? Hindi ka nag-iisa dahil maraming nagmamahal sa iyo. Marami kaming aagapay at karamay mo. Kaya natin ito!" Dugtong ko sabay pakita sa dalawa kong kamao at inilagay sa harap ng aking dibdib. Napangiti naman siya.
"Kaya natin ito," sabi niya at ginaya ang ginawa ko.
_________________________________________
Song:Some Things Never Change from the movie Frozen 2
BINABASA MO ANG
CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED]
De TodoI'm a boy with childish acts. I was influenced by my friends. I learned how to smoke and drink alcohol even if I'm minor. I learned to disobey my parents. I was a boy not a man. But I've changed when I met her. When I see her everyday. At first, you...