"They're so cute."
"What a cute family."
"Ang babata pa, nagpamilya na."
"Okay lang naman magpamilya, basta makasustento na."
"Sana lahat, complete family na, happy family pa."
Narinig naming bulung-bulungan ng mga tao sa parke. Nagkatinginan na lang kami ni Yuriets at natawa. Hindi naman lahat na parang pamilya ay magkapamilya talaga.
"Ate Yurg, laro po tayo doon, please?" pakiusap ni Levant sabay turo sa may mga swing. Tumungo kami roon at masayang tumakbo sina Levant at Kriz papunta sa mga duyan. Kami naman ni Yuriets ay sumunod sa kanila.
Kami ni Yuriets ang taga-tulak sa mga duyang sinasakyan nila Levant at Kriz. Ang mga bata naman ay hindi mapawi ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
"Wah! Wah! Waaaaahhh! Hahahahahaha," maingay na sigaw ni Levant.
"Waaahhh! Huwag niyo pong lakasaaaaannn," sigaw ulit ni Levant. Natawa naman kaming dalawa ni Kriz sa kanila. Pagkatapos naming magsaya sa may mga swing ay tumungo kami sa ibang palaruan.
Pumunta naman kami sa may mga seesaw at doon naglaro. Sina Levant at Yuriets ang magkapares habang kami naman ni Kriz sa kabilang seesaw.
"Waaaaaahhhhh!" masayang sigaw nina Yuriets at Levant. Ilang sandali lang ay napagpasiyahan naming magpahinga muna.
Aalis na sana kami roon para bumili ng ice cream nang may narinig kaming tunog kaya napatingin kami sa may statue na hindi lang kalayuan sa amin. Nakita namin ang isang matandang lalaki na tumugtog ng gitara habang kumakanta. May ibang taong dumadaan at nagbigay ng pera na inilagay nila sa may sombrerong katabi ng mama.
Pumunta kami roon para makinig. Napangiti ang matanda nang makita niya kaming umupo sa kaniyang harapan.Pagkatapos niyang kantahin ang isang kantang hindi ko alam kung ano ang pamagat at hindi rin pamilyar sa akin ay tumugtog na naman siya para sa panibagong kanta.
Nang kinanta niya ang unang salita ay napangiti ako dahil naalala ko si lolo. Ang kantang ito ay ang palagi niyang kinakanta habang nakaharap kay lola noon.
Sumabay ako sa kanta. Naramdaman kong napatingin sa akin ang aking mga kasama. Nagtataka siguro sila kung paano ko ito nalaman o bakit ko alam ang kantang 'to. Lumingon ako sa kanila at ngumiti.
"This is the theme song of my grandparents," paliwanag ko. Napatango-tango naman sila at bumalik sa harapan ang kanilang tingin kaya tumingin din ako pabalik sa matanda at nanood.
Naalala ko pa noon na laging ganito ang pinapatugtog nina lolo at lola tuwing umaga pagkatapos ay sasayaw silang dalawa na magkayakap. Ang sweet 'di ba?
Nang matapos ang kanta ay tumugtog naman nang panibago.
Agaran kaming nagkatinginan ni Yuriets at napangiti sa isa't isa nang marinig namin ang first line ng kanta.
This was the song Yuriets sung for me last time.
Sumabay kami ni Yuriets sa tugtog ng musika.
Nang nasa chorus na ng kanta kay nagulat ako nang sumabay sina Levant at Kriz sa pag-awit. Hindi ko aakalaing alam nila ang kantang ito.
Natapos ang kanta at nagpalakpakan naman kaming apat.
"Napakagaling niyo po, tay," sabay-sabay naming wika. Napangiti naman ang matanda.
"Salamat sa pakikinig ninyo. Naging buo ang araw ko," sabi naman ng matanda.
"Ngunit... nabigla ako dahil alam niyo ang mga kanta," sambit niya at bakas nga ang kaniyang pagkalito.
"Themesong po kasi ng lolo't lola ko iyong unang kantang napakinggan namin kanina at masarap po talagang pakinggan ang mga kanta noon," paliwanag ko.
"Ahh. Kaya pala," sabi ni tatay.
"Heto po, tay." Abot ni Yuriets sa one hundred kay tatay.
"Nako! Huwag na. Masaya na akong may natutuwang makinig sa akin," sabi naman ni tatay ngunit inilagay pa rin ni Yuriets ang pera sa sombrero.
"Salamat sa inyo," pasalamat ulit ni tatay sa amin.
"Walang anuman po iyon," sabay rin naming sagot.
"Mauuna na muna ako sa inyo," pagpapaalam ni tatay sabay tayo. Tinulungan naman namin siya.
"Mag-iingat ho kayo, tay," paalala ni Yuriets.
"Mag-iingat din kayo. Napakabuting mga bata," sabi pa ni tatay bago tumalikod at umalis.
"Punta naman tayo kay Manong," pag-aaya ni Yuriets na sinang-ayunan namin. I held Kriz' hand while Yuriets held Levant's.
"Kumusta po, Manong?" tanong ni Yuriets pagkarating namin sa pwesto ni Manong. Tulad kahapon, nang makita niya si Levant ay gulat na gulat din siya nang makita si Yuriets ngayon.
"Oh! Yuriets! Kumusta ka na? Nako! Walang pinagbago. Maganda pa rin," sabi ni Manong.
"Nambola pa. Parang binata pa rin kayo ha," pambobola rin ni Yuriets. Napatawa naman si Manong.
"Sino naman itong bagong kasama niyo ngayon? Itong batang lalaki," tanong ni Manong na tinutukoy si Kriz.
"Ahh. Si Kriz po. Kaibigan ko," pagpapakilala ni Levant.
"Ahh. Oh, anong flavor ba ang gusto niyo?" tanong ulit ni Manong.
"Strawberry po sa'kin," sagot ni Yuriets.
"Strawberry din po sa akin," sabi naman ni Levant.
"Chocolate po sa akin," sambit ko.
"Sa iyo, Kriz?" tanong ni Yuriets.
"Vanilla po," sagot ni Kriz.
Pagkatapos iabot ni manong ang aming napiling ice cream ay nagpaalam na kami after kong magbayad. Ilang hakbang lang ay nagulat kami nang sumigaw si Levant.
"Look! A rainbow," sambit niya habang nakaturo sa kalangitan. Tumingala naman kaming tatlo sa kung saan siya nakaturo.
There, I saw a ray of different colors. It was in a perfect curve and the colors were clear and vibrant. It was a wonderful rainbow.
Ngunit, nagulat na lang kami nang bigla itong naglaho na parang bula. It didn't fade slowly but it literally disappeared in a blink of an eye. Ipinagsawalang bahala namin iyon at nagpatuloy sa paglalakad nang biglang kumirot ang aking ulo kaya't napatigil ako't napahawak dito. Naramdaman ko ring tumigil ang aking mga kasama at napalingon sa akin.
"Niscri, ayos ka lang?" tanong ni Yuriets. My throbbing head suddenly felt at ease. Biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko kanina. Lumingon ako sa kanila.
"It's because of the ice cream lang siguro. But I'm now okay," sabi ko. Tumango naman sila sa akin at nagpatuloy na kami.
BINABASA MO ANG
CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED]
AléatoireI'm a boy with childish acts. I was influenced by my friends. I learned how to smoke and drink alcohol even if I'm minor. I learned to disobey my parents. I was a boy not a man. But I've changed when I met her. When I see her everyday. At first, you...