CHAPTER 11

2 1 0
                                    

Gumising ako na wala ng Yuriets sa kaniyang balkonahe. Walang sigla ang aking kalooban. Walang musika sa umaga.

Maghihintay ako, Yuriets. Kahit parang hindi ko kakayanin kung matagal pero kung para sa iyo, maghihintay ako. Iyan din ang aking pangako.

Dumaan ang mga araw at halos pareho lang din ang aking routine. Gigising, maglilinis ng bahay, kakain, maliligo, tambay sa kwarto, kakain, balik sa kwarto, kakain, matutulog.

Si mama'y sobrang close na sa mga kapitbahay kaya minsa'y pupunta rito ang aming kapitbahay o si mama ang pupunta sa kanila. Si papa nama'y nasa trabaho palagi.

"Kuya Seb?" rinig kong katok sa pintuan ng aking kwarto. Boses ng isang batang babae. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ito.

"Oh! Levant," gulat na usal ko nang makita si Levant.

"Napadalaw ka?" tanong ko.

"Ahh. Sumama ako sa mama mo nang pauwi na siya rito para dalawin ka. Alam ko kasing nami-miss mo na si Ate Yurg, and she will not be happy knowing you're lonely and sad while waiting for her. I don't want her to worry, too. I promised her to take care of you while she's away," litanya niya na ikinangiti ko. Umupo ako sa kaniyang harapan para magpantay ang aming tingin.

"Thank you," nakangiting pasalamat ko sabay gulo ng kaniyang buhok.

"P'wede mo po ba akong samahan sa park? Nagpaalam na ako kay mama at sa mama mo rin. You don't need to worry," sabi pa niya. Napatawa ako dahil parang mas matanda pa siya sa akin.

"Sure. Hintayin mo ako sa baba, okay?" wika ko. Ngumiti naman siya nang pagkalaki-laki at excited na bumaba. Tumayo na ako at bumalik sa loob ng kwarto para maligo at magbihis. Nagsuot ako ng isang maroon v-neck shirt at maong pants. I wear my blue sneakers and sprayed myself with cologne and alcohol. Nagsuklay muna ako ng buhok bago lumabas ng kwarto at bumaba.

I saw Levant sitting properly at the sofa while talking with mom. Nakadikit ang dalawa niyang paa habang inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang harapan at nakapatong sa kaniyang tuhod.

"Tara?" bungad ko nang makalapit sa kanila. Tumayo naman siyang ngiting-ngiti.

"Mag-iingat kayo ha?" paalala ni mama sa amin. Nagmano muna kami bago lumabas ng bahay.

"Maglalakad lang tayo kuya. Malapit lang naman eh," sabi niya.

"Sure," sambit ko naman.

"Nasaan pala ang mama mo?" tanong ko kay Levant.

"May trabaho," sagot niya. Tumango lang ako.

"Ayy! Puwede paki-hold nito, kuya?" pakiusap niya sabay bigay sa akin ng dilaw na pitaka.

"It's my money. We will gastos that mamaya," paliwanag niya. Napangiti ako sa ka-cute-an niyang magsalita. Why so conyo? Hahaha.

Ilang minuto lang ay dumating na kami sa gate ng park. Kitang-kita ang excitement sa mga mata ni Levant nang lumingon siya sa akin na ngiting-ngiti.

Bigla niya akong hinatak nang papasok na kami sa loob ng parke at masayang tumakbo. Dinala niya ako sa lilim ng puno ng malaking mangga at umupo sa may bench.

"Pahinga po muna tayo," hinihingal niyang sabi. Sumang-ayon naman ako.

"Alam niyo po ba? Dito po kami ni Ate Yurg noon naglalaro palagi. Tapos ang lagi po naming binibili ay iyong sorbetes na strawberry flavor. Favorite po kasi namin iyon. Ikaw po? Ano pong gusto niyo?" kwento niya.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon