"Uy Seb!" tawag ng mga kabarkada kong sina Kent, Lloyd, Harley, Nico, Ben, Rendel, Kian, at Kurt. Nasa isang gazebo sila ng school. Lumapit naman ako sa kanila.
"Uy mga pre! Mag-iinuman ba tayo mamaya pag-uwi?" tanong ko sa kanila pagkarating. Ang ibang barkada ko ay dala ang kanilang mga girlfriend.
"Nako pre, sobrang higpit na ng parents ko ngayon tapos grounded pa ako. Lagi na akong hatid-sundo simula ngayon tapos may isang personal guard naman namin na nakabantay doon sa gate sakali daw na tatakas ako," pagsasalita ni Harley na nagsisilbing leader sa aming grupo.
"May date naman kami ng gerlpren ko pati yang sina Kent at Lloyd," sabi naman ni Nico na kasama rin ang kaniyang girlfriend.
"Susunduin din ako ni dad mamaya argh!" May pagkabugnot na sabi ni Rendel.
"Hmm... hindi tayo kompleto mamaya, so... baka pwedeng sa weekend na lang?" suhestiyon ni Ben na sinang-ayunan ko agad.
"Sige game!" Sabay-sabay naman nilang sigaw.
"Sasabihin ko na lang kay Dad na may gagawin tayong project hihi," pagsasalita pa ni Harley na tinawanan naman namin.
"Hahaha amputa project my ass. Sana tumalab yan pre," natatawang sabi ni Kian. Kami nama'y natawa rin.
"Ako pa! Pogi ko kaya," pagmamayabang pa ni Harley sabay pogi sign.
"Iiiiiwwwsss," sabay-sabay naming sabi at saka nagtawanan.
Nag-ring na ang bell kaya pumunta na kami sa aming classroom.
_________________________________________
SATURDAY
2:00 PM"Antagal naman ni Harley. Baka 'di yun pinayagan ng kanyang daddy," sabi ni Kurt.
"Maghintay na lang muna tayo sandali," sabi ko naman.
Kasalukuyan kaming naghihintay ngayon kay Harley sa isang restaurant na lagi naming pinupuntahang magbabarkada mula pa noon. May pagkasosyal ng kaunti ang restaurant na ito. Nasa labas ang mga lamesa at upuan na nasa ilalim ng malaking tent. May mga lights na nakasabit para maging maliwanag at maganda ang bawat gabi. Mura lang din ang bilihin dito. Makakapili ka rin ng mga street foods na gusto mo.
"Uy sorry napatagal," biglang sulpot ni Harley.
"Oh! Akala namin 'di ka pinayagan?" tanong ni Ben.
"Sus! Ako pa! Sinabi kong ang project natin ay gagawa ng film kaya marami tayong pupuntahang lugar. Anggaling ko diba?" Pagmamayabang na naman ni Harley 'tsaka umupo sa katabing upuan ni Kian. Natawa naman kami.
"Hindi pa kayo umorder?" tanong ni Harley nung napatingin siya sa lamesa.
"Hindi pa. Hinintay ka namin," sagot ni Kurt.
"Order na tayo," pag-aaya ni Harley.
Tumayo na kami at umorder. Naiwan naman doon sina Kian, Kurt, at Rendel para bantayan ang aming pwesto.
Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ng alak ang naubos namin. Nararamdaman ko na ang tama ng alak sa aking sistema. Ang iba'y nakatulog na sa sobrang kalasingan. Alam kong sobrang lasing na namin.
"Uuwi *hkk na tayo mga pre. B-byaka 'di *hkk na tayow makalabas *hkk sa susunod." (Uuwi na tayo mga pre. Baka 'di na tayo makalabas sa susunod.) Hindi na gaanong maintindihang sabi ni Harley. Tumango-tango naman yung iba.
Napagdesisyunan naming lahat na sumakay na lang sa kotse ni Kurt. Si Kurt lang ang nagdala ng kotse dahil ang iba'y hinatid kanina ng kanilang personal drayber at ang iba nama'y namasada na lang para hindi mabisto o mabuking.
Pagewang-gewang kaming naglalakad papunta sa pinarkingan ng kotse. Ang iba'y natumba na tinawanan lang rin namin.
"K-kaya mwo pa bang *hkk mwag-drayb Kurt?" (Kaya mo pa bang mag-drayb Kurt?) tanong ni Harley nang nasa loob na kami ng sasakyan at tumango lang si Kurt. Sa aming magbabarkada, si Kurt lang ang hindi madaling malasing ng sobra kaya may tiwala kami sa kanya.
Masaya ang aming byahe. Sila ay nagkantahan kahit wala naman talaga sa tono. Ang iba nama'y nakatulog na. Si Kurt naman ang nag-drive at katabi niya si Harley sa frontseat. Nakasandal lamang ako sa upuan ng kotse at naki-jamming sa kanila.
Sa kalagitnaan ng aming pagsasaya ay biglang sumigaw si Harley. Pagtingin ko sa harap ay automatic na nanlaki ang aking mga mata. Biglang nag-slowmo ang lahat bago kami bumangga sa isang malaking punong kahoy.
Narinig ko pa ang kanilang sigawan bago magdilim ang aking paningin at mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED]
SonstigesI'm a boy with childish acts. I was influenced by my friends. I learned how to smoke and drink alcohol even if I'm minor. I learned to disobey my parents. I was a boy not a man. But I've changed when I met her. When I see her everyday. At first, you...