CHAPTER 5
Lumipas ang tatlong araw at hindi na kami nag-usap pa ni Yuriets. Kapag lalabas ako sa balcony ay papasok siya sa loob ng kaniyang kwarto. Tuwing hapon naman ay sabay pa rin naming pinagmamasdan ang papalubog na araw ngunit hindi na tulad nang dati na nagpapansinan at nag-uusap ng mga bagay-bagay.
Hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin pagkatapos kong magtapat sa aking nararamdaman para sa kaniya. Natatakot akong malaman ang kaniyang sagot sa aking sinabe.
"Dalawang kilo nga po nito," sabi ni mama sa tindera habang nakaturo sa isdang may mapula-pulang kulay. Nasa palengke kami ngayon ni mama dahil malapit nang maubos ang mga pagkain sa bahay. Si papa naman ay may inaasikasong business sa Maynila.
"Pakidala nito anak," pakiusap ni mama sabay lahad sa akin ng kulay blue na cellophane na naglalaman ng mga isda. Kinuha ko naman ito at binitbit.
"Ay! Wala pa pala tayong gulay," wika ni mama. Kaya pumunta naman kami sa tindahan ng mga gulay na katapat lang ng bilihan ng mga isda. Bumili siya ng kalabasa, talong, okra, sitaw, sayote, at hindi ko na alam ang pangalan nung iba. Bumili rin ng mga kamatis, sibuyas, ahos, at iba pang pampadagdag lasa sa lutuin. Pagkatapos ay pumunta na naman kami sa tindahan ng mga tsinelas, damit, at kung ano-ano pang gamit. Nagsusukat si mama sa mga tsinelas habang ako nama'y nagmamasid lang.
Nagtitingin-tingin ako sa mga paninda nang may mahagip ang aking mata. Isa itong pantali ng buhok na may design na puting rosas. Simple ngunit maganda. Naalala ko bigla si Yuriets. Kinuha ko ito at lumapit kay mama na hindi pa rin makapili ng tsinelas.
"Ma," tawag ko sabay kalabit sa kaniyang likod. Lumingon naman siya sa akin ng may nagtatanong na tingin.
"U-uhmm..." Pa'no ko ba ito sasabihin?
Ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong pantali ng buhok. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"N-naalala ko lang si Yuriets," nauutal na sabi ko.
Bigla naman siyang ngumisi at agad na kinuha ang nasa kamay ko.
"Sus! Binata na ang baby boy namin hahaha," pang-aasar niya naman sa akin at pinagkunutan ko na lang ng noo. Umiiling-iling siya habang natatawa kaya mas kumunot pa ang noo ko.
"O s'ya, bibilhin ko 'to at ibibigay mo kay Yuriets ha?" Nakangiti naman akong tumango.
Tumalikod na siya sa akin at namili ulit ng tsinelas. Nang may mapili na siya ay ibinigay na niya ang mga ito sa tindera at binayaran pagkatapos ay kinuha na ang supot na inilahad ng ale.
Lumabas na kami ng palengke at nagpara ng tricycle. Isa lang ang kotse namin at ginamit ito ni papa ngayon.
Pagkarating namin sa bahay ay tinulungan ko si mama sa pag-organize ng aming mga binili at tumulong na rin ako sa pagluto para sa tanghalian namin. Nagtadtad ako ng sibuyas, kamatis at luya para sa lulutuing sinabawang isda ni mama. Nagpaalam muna ako na umakyat muna sa taas para maligo at magbihis ulit.
Inilagay ko muna ang isang supot na naglalaman ng pantali ng buhok na ibibigay ko kay Yuriets mamaya sa maliit na lamesa na nasa gilid ng aking kama. Kinuha ko ang puting tuwalya na nakasabit sa aking hanging clothes rack at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na naman ako para kumuha ng mga damit na susuotin. Ang napili ko ay ang gray v-neck shirt at black sweat short. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako at pumuntang kusina. Nakita kong naglalatag na si mama ng mga plato sa lamesa kaya tumulong na ako.
"Wala pa po si papa, ma?" tanong ko.
"Tumawag siya kanina. Parating na raw siya," sagot ni mama. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Umupo na ako sa upuan habang si mama naman ay isinalin muna ang iniluto sa isang bowl.
"I'm hoooooome!" Agaw pansin na tawag ni papa sa amin pagkarating niya. Agad naman siyang sinalubong ni mama na may ngiti sa labi. At... at... at... nag-kiss sila sa lips pero smack lang naman. I'm alright. Tumayo ako at sinalubong din si papa para magmano.
"Kain na tayooooo," masayang sabi ni mama at umupo na kami.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako ng pinggan habang sina mama't papa ay nasa sala at may pag-uusapan.
Iniisip ko kung pa'no ko ibibigay kay Yuriets ang pantali ng buhok.
(Pati ako naiistress kay Sebastian mga dai!)
Bahala na si batman. Hayyy.
S'yempre, pagkatapos kong maghugas ng mga plato ay umakyat na ako sa taas. Nakita ko pa sila mama't papa na nag-uusap nang dumaan ako sa sala.
Kinuha ko ang supot na nasa lamesa at dumiretso kaagad sa balkonahe ng aking kwarto. Tiningnan ko kung nasa labas din ba si Yuriets ngunit wala siya doon. Napatingin ako sa kalangitan dahil siguro sa nasanay na. Makulimlim ito at unti-unti na ngang pumapatak ang iilang butil ng tubig mula sa langit. Itinaas ko ang kamay ko at sinasalo ang bawat butil ng ulan. I don't know but it feels satisfying. Nag-i-enjoy na sana ako sa aking ginagawa nang sumigaw ang mga batang naliligo sa ulan.
"Ate Yurg! Ate Yurg! Ligo po tayo ng ulan!" tawag ni Levant ba 'yon. Napalingon ako agad sa balkonahe ni Yuriets at nahuli ko pa siyang tumingin sa akin ngunit nag-iwas kaagad at sinagot ang mga bata.
"Ah hahahaha! Sige, enjoy lang kayo d'yan!" nakangiting sagot niya.
"Ate Yuuurrgg! Ligo po tayo pleaseeee?" pagmamakaawa pa ni Levant at walang nagawa si Yuriets kundi sumang-ayon na lang.
"O sige, sige, sige. Wait niyo ako d'yan!" sagot niya pa. Pero bago siya bumalik sa loob para lumabas ng bahay ay tumingin muna siya sa akin at ngumiti.
What was that? What was that for?
BINABASA MO ANG
CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED]
AcakI'm a boy with childish acts. I was influenced by my friends. I learned how to smoke and drink alcohol even if I'm minor. I learned to disobey my parents. I was a boy not a man. But I've changed when I met her. When I see her everyday. At first, you...