CHAPTER 14

3 1 0
                                    

Pagkatapos naming maubos ang aming kinakaing ice cream ay napagpasiyahan na naming umuwi sapagkat malapit nang magtanghalian.

Katulad kahapon ay maglakad lang din kami pauwi. Hindi pa man kami nakakalabas ng park ay nakasalubong namin si Cae kasama ang dalawa pang babae. Tumigil sila sa aming harapan habang nakatingin kay Yuriets.

"Looks like walang makakatagal sa iyo na ka-edad mo," nakakalokong pahiwatig ni Cae. Si Yuriets ay nanahimik lang.

"Nakakagulat na you still have friends Yuriets. Sadly, hindi mo kaedad," sabi naman ng isang kasama ni Cae at nagtawanan silang tatlo. Hindi na ako nakapagtimpi pa at sumingit sa kanilang usapan.

"Ako. Ka-edad ko si Yuriets," seryosong usal ko. Napatigil sila sa tawanan at tumingin sa akin. Unti-unting naglaho ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi.

"Oh! Knight and shining armor? But, still, we never know," sabi naman ni Cae.

"Yuriets, siya ba ang nakuha mo ngayon? I'm wondering if nakuha mo ba si Cesar or James noon? How about Harold?" pang-iinsulto pa ng isang kasama ni Cae. Tahimik pa rin si Yuriets.

"I think you were friends with Ate Yurg. Thank goodness, it didn't last long," singit ni Kriz. Napangiti naman ang tatlo sa aming harapan. Naguluhan naman ako, buti na lang ay nagpatuloy siya.

"Because Ate Yurg is too good to be your friend. She doesn't deserve toxic people like you..." turo niya sa isang babaeng nasa kanan ni Cae "...you" turo niya naman sa babaeng nasa kaliwa ni Cae "...and you," pagpapatuloy niya sabay turo kay Cae.

"At wala namang masamang makipagkaibigan sa hindi kaedad, 'di ba?" pangangaral ni Kriz.

"Hey, kid! You don't know what happened, so, shut up," gigil na sabi ng babaeng nasa kanan ni Cae.

"We're kids, yes. Pero bakit parang ang ugali niyo'y hindi angkop sa edad niyo? Parang walang nagpapalaki sa inyo... nang maayos," wika naman ni Levant. Siguro sa sobrang gigil ng tatlo ay padabog na umalis sa aming harapan.

"Are you okay, Yuriets/Ate Yurg?" sabay naming tanong habang nakalingon kay Yuriets. Nakatulala pa si Yuriets habang nakatingin kung nasaan sila Cae kanina. Nang bumalik na siguro siya sa ulirat ay lumingon siya sa amin at ngumiti.

"Tara na," sabi niya at hindi sinagot ang aming tanong. Nauna siyang maglakad. Nagkatinginan naman kaming tatlo at bakas ang pag-alala para kay Yuriets.

Tahimik kaming naglakad pauwi. Hinatid muna namin sina Kriz at Levant pagkatapos ay hinatid ko naman si Yuriets.

"Salamat," nakangiting sabi niya pero alam kong pilit ang ngiting iyon bago niya isarado ang pintuan.

Umuwi na rin ako at naligo bago humiga sa kama.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong mga kalabog sa labas. Napatingin ako sa alarm clock ko at umaga na pala. Bumangon ako at dumiretso sa balkonahe para masusi kung ano o kung saan galing ang ingay. Napalaki ang aking mata nang makitang nag-aaway sila Yuriets at Izha. Si Tita Izhyl naman ay nasa kanilang pagitan. Maraming tao na rin ang nakatingin sa kanila. Dali-dali akong pumuntang banyo para maghilamos pagkatapos ay lumabas na ng kwarto at bumaba. Hindi ko maaninag sila mama at papa sa loob ng bahay pero hindi ko muna iyon inintindi. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso kina Yuriets. Nagkasalubong naman kami ni Levant kaya sabay kaming pumunta roon.

"Izha naman! Bakit ba, ha? Ano na namang nagawa ko sa iyo? Ano ba ang problema? Bakit mo ba ako kinamumuhian?" umiiyak na hiyaw ni Yuriets.

"Dahil sa iyo nahumaling si James!" sigaw ni Izha. Ang kaninang umiiyak na Tita Izhyl ay napatigil at napakunot ang noo. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng anak.

"What? So, you hate Yuriets just because of that?" tanong ni Tita Izhyl na may halong gigil. Ngunit, imbis na sumagot si Izha ay tumakbo siya papasok sa loob ng bahay.

"Izha!" sigaw ni Tita Izhyl. Susundan na sana niya ito nang hawakan ni Yuriets ang kaniyang bisig.

"Mamaya na lang po ninyo siya kausapin. Walang magandang mangyari kapag pareho po kayong galit," paliwanag ni Yuriets at parang kumalma naman ng kaunti si Tita Izhyl. Lumingon silang dalawa sa amin... sa mga kapitbahay at nanghingi ng paumanhin dahil sa ingay. Iba ang mga tao rito dahil ngumiti lang sila at nagbigay pa si Aling Nesing ng pagkain. Pumasok na sila sa loob kaya umuwi na rin kami ni Levant.

Nang umuwi ako ay dumating ang sasakyan ni papa. Bumaba si mama na nakangiti sa akin. Sumunod naman si papa.

"We have good news for you," bungad ni mama at dinala ako papasok sa loob ng bahay habang nakasunod naman si papa sa amin. Pero hindi ako makasabay sa kanilang nararamdamang kasiyahan sapagkat iniisip ko si Yuriets.

"Maghahanda muna ako ng breakfast natin," sabi ni mama sabay kuha ng mga plato, kutsara, tinidor, at inilatag ito sa lamesa. Nakaupo na kami ni papa sa hapag-kainan. Inilagay naman ni mama ang rice cooker sa gitna pagkatapos ay ang tinola at fried chicken na ulam namin ngayon.

"So, what's the news?" tanong ko sabay kuha ng pagkain.

"Well," panimula ni papa.

"It depends on you pa rin kung ano ang gusto mo," sabi pa ni mama.

"We know that you've enjoyed this place already but who knows what you really want 'di ba?" pagpapatuloy ni mama. Naguluhan ako sa kanila.

"We believe na nagbago ka na rin, son. Na-miss mo na ba ang mga kaibigan mo?" tanong ni papa. And that moment, bigla kong naalala sila. Siguro sa sobrang attached ko na rito, hindi ko na naisip ang nagdaang buhay ko. Buhay ko sa ibang lugar. Biglang nagkaroon akoxng bagong buhay at mundo simula nang tumira, kami rito. This place is quite different than usual. The people here are wonderful and unexpected.

"Honestly, I don't know." sagot ko.

"But I also feel nostalgic right now," pagpapatuloy ko.

"Where do you want to study this school year?" tanong ni mama. Sasagot na sana ako nang sumingit ng tanong si papa.

"Saan gusto mong tumira?" Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin sa kanilang dalawa.

"The point is... gusto mo na bang umuwi?" tanong ni mama na ikinatahimik ko.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon