CHAPTER 15

5 1 0
                                    

Nakahiga na ako sa aking kama ngayon at paulit-ulit na naririnig ang tanong ni mama sa akin kanina.

"Gusto mo na bang umuwi?"
"Gusto mo na bang umuwi?"
"Gusto mo na bang umuwi?"

Gusto ko bang umuwi?

I closed my eyes and heaved a deep sigh.

I don't know.

Madali lang naman itong sagutin minsan pero may mga pagkakataon talagang kahit ang pinakamadaling tanong ay mahirap sagutin.

"S-son? G-gumising ka na," rinig kong umiiyak na sabi ni mama. Kinabahan ako kaya napabalikwas ako ng bangon at nakita ang aking sarili sa loob ng aking kwarto. Napahinga na lang ako ng malalim at kumalma. Panaginip lang pala.

"Son? Gising na," mahinang usal ni mama. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang dumilat. Nakita ko si mama na nakangiting tumingin sa akin. Panaginip lang din iyon?

"Magtatanghalian na," dagdag niya. Tumango lang ako at bumangon habang siya nama'y nakatayo sa gilid ng aking kama.

"Ayaw mo pa bang umuwi, anak?" tanong niya na ikinatingin ko. Ewan ko pero ang tanong na iyan ay nakakapagpakaba sa akin.

"No pressure, anak. Pag-isipan mo muna," sabi niya. Tumango lang din ako.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at bumaba papuntang kusina para kumain. Nakita ko si papa na naghahanda sa hapag-kainan pagkarating namin. Ngumiti naman siya nang makita niya kami.

"Kain na tayo," nakangiting pag-aaya niya. Umupo kami sa kaniya-kaniya naming pwesto at kumuha ng pagkain. Tahimik na natapos ang aming tanghalian. Naghugas muna ako ng pinggan bago bumalik sa kwarto. Dumiretso ako sa aking balkonahe at umupo sa upuang hugis bilog. Tinanaw ko lang ang asul na kalangitan na may mga puting ulap at hinayaan ang sariling magpahinga ang kalooban.

Hindi masyadong mainit ang sinag ng araw lalo na't may maginaw na hanging dumadampi sa aking balat. Napakasarap sa pakiramdam.

Habang nakatanaw sa malayo ay may isang tanong na sumulpot sa aking isipan.

Ano kaya ang pahinga ng bawat tao? Sana. Sana may pahinga sila.

Nasa balkonahe lang ako buong maghapon at nang papalubog na ang araw ay nakita kong lumabas na si Yuriets at umupo rin sa upuang nasa kaniyang balkonahe. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik.

Tulad ng dati, sabay naming pinanood ang haring araw na namamaalam. Ngunit, sa ngayon ay sobrang tahimik ng aming atmospera. Walang umimik sa aming dalawa. Nang magpakita na ang buwan at mga bituin sa kalangitan ay lumingon ulit sa akin si Yuriets at ngumiti pagkatapos ay tumayo at pumasok na sa loob.

I stayed. I stayed in my balcony for an hour, I guess, after she went inside. I always love the view here and this time, I felt mixed emotions. Parang sa loob-loob ko'y mami-miss ko ito.

Nang tinawag na ako ni mama para kumain ng hapunan ay doon pa lang ako umalis sa aking balkonahe.

Katulad kanina ay tahimik lang din kami habang kumakain ng hapunan hanggang matapos. Naghugas pa rin ako ng mga pinggan pagkatapos naming kumain at pumunta na sa aking kwarto pagkatapos. Nag-half bath muna ako bago natulog.

Nagising na naman ako kinaumagahan nang may kumatok sa aking pintuan. Nagmulat ako ng mga mata at dahan-dahang bumangon. Nag-inat muna ako bago tumayo para buksan ang pinto.

Nakita ko si mama at sa likod niya'y sina Yuriets at Levant na nakangiti sa akin.

"Doon daw kayo kina Yuriets ngayon," sabi ni mama. Naguluhan ako.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon