CHAPTER 2

24 4 0
                                    

CHAPTER 2

"Let's go crazy, crazy, crazy 'til we see the sun
I know we only met but let's pretend it's love
And never, never, never stop for anyone
Tonight let's get some and live while we're young
Whoa oh oh oh oh oh oh
Whoa oh oh oh oh oh oh
(and live while we're young)
Whoa oh oh oh oh oh oh
Tonight let's get some
and live while we're young~"

Argh! Nagising ako dahil sa malakas na tugtog na iyon. Nagmulat ako ng mga mata at napa-eks ang mga kilay. Padabog akong bumangon at pumunta sa balkonahe. Pero napatigil at napalingon ako sa katabing bahay nang makita ko si Yuriets sa kanilang balkonahe. May speaker na nakapatong sa isang upuan habang sumasayaw at kumakanta naman siya. Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kaniya  na may malaking ngiti sa mga labi. Siguro masaya sila sa kanilang nakikita. Maybe, she's not that very lonely. I think she just want peace, space, time for herself, and time for healing. She isn't that lonely, she just want to be alone for awhile. Maybe. And I'm happy about it.

Hindi ko namalayang nakatingin na rin pala siya sa akin. Akala ko magwo-walk out siya at pumasok sa loob ngunit hindi. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa harap at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Tumingin din ako rito at nakita ang napakagandang papalubog na araw. Ngayon ko lang naappreciate ang sky happening at dahil iyon sa kaniya. Nakakawala ng stress at problema.

Nagbaba ako ng tingin sa mga tao at nakitang nakatingin pa rin sila kay Yuriets habang nakangiti. Parang tumigil muna sila sa kanilang ginagawa para pagmasdan ang kasiyahan niya. Lumingon naman ako ulit kay Yuriets.

Maybe, she looks like that shooting star, moon, sunset, sunrise, and eclipse that can make everyone stop for awhile to witness the beautiful view it delivers. Then, I turned my sight to the sun that is setting down. It's like saying goodbye and see you again with a smile. After that, the stars are twinkling and the moon is shining with the darkness. They are now visible because of the dark. Even if it's dark, there's still light that you can see, just look around.

Ang mga tao ay bumalik na sa kani-kanilang gawain. Si Yuriets naman ay nagsusulat na sa balkonahe. I looked at the sky again. Woah! Bakit ngayon ko lang ito na-appreciate?! Maybe, if people will stop for awhile and take a moment to see the beautiful views in the sky, maybe, they can feel relaxment for some seconds, I think. At siguro, mababawasan din ang pagiging malungkutin ng mga tao sa matagal na panahon. It can be a remedy. God really loves us. Gumawa Siya ng mga bagay na makakapagpagaan sa ating loob. Nagbibigay siya ng lunas sa mga sugatan nating puso at mga katawan nating pagod. I smiled.

"Oh! Shooting star!" nagugulat kong ani. Hindi ko alam pero napalingon ako kay Yuriets na napatingin na rin sa kalangitan habang nakangiti.

"Ahmm bakit hindi ka mag-wish? Minsan lang iyan," malakas kong sabi para marinig niya. Isang metro lang din naman ang agwat  sa pagitan ng aming bahay kaya malapit lang din ang balkonahe namin sa isa't isa. Akala ko hindi niya ako papansinin ngunit lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Kaya nga, minsan lang ito. Why would I close my eyes and wish if I can open them and see the beauty it gives? And besides, I don't wish because I pray," she said while smiling. Kahit na ganun ang nangyari sa kaniyang nakaraan pero nakayanan niya pa ring ngumiti, magsaya, maging positive, at manalig sa Diyos. A girl can't really be destroyed when she have God. I also smiled at her. Binalik na niya 'yong tingin niya sa kalangitan.

"Siguro malungkot na ang mga tao rito dahil hindi na ako lumalabas. Minsan talaga sa buhay ay nalulugmok tayo pero dapat huwag mawalan ng pag-asa para bumangon at magpatuloy sa buhay. Kaya ito ako ngayon, babangon na at muling gagalaw rito sa mundo. Na-miss ko na ang makipagsalamuha. At ikaw yung unang nakausap ko ngayong nagsimula na akong bumangon mula sa pagkakadapa. Salamat," aniya sabay tingin sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Ngumiti rin ako.

"Ahmm walang anuman?" Hindi siguradong sagot ko. At natawa na lang kaming dalawa.

Nothing can get in the way
Nothing can tear us down
We're gonna celebrate
We're gonna sing out loud.

Live it up, we live in the moment
Now's our time, now we gotta own it
Live it up, we live in the moment
Now's our time, now we gotta own it

Say it loud, say it proud
We gotta live in the moment, moment (yeah)
Let it go, lose control
We gotta live in the moment, moment~

Kasalukuyan naming pinagmamasdan ang kalangitan nang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto.

"Anak? Kakain na tayo!" Narinig kong tawag ni mama sa akin.

"Sige, ma. Bababa na ako," sagot ko naman pagkatapos ay lumingon kay Yuriets na nakatingin na rin sa akin. Ngumiti siya at tumango na parang nagsasabing "kumain ka na".

"Sige na! Kakain na rin ako. Bukas ulit," sabi niya.

"Wala kang kasamang kumain?" tanong ko kahit obvious na. Umiling naman siya.

"Ahm pwede bang maghintay ka muna saglit dito? Saglit lang," sabi ko. Alam kong nalilito siya pero tumango pa rin.

Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina.

"Upo ka na rito anak," aya ni papa. Ngumiti ako.

"Ahmm ma, pa, pwede po bang doon ako sa balkonahe kumain? Gusto ko lang samahan si Yuriets eh," nahihiyang sabi ko. Ang mga tingin naman nila'y parang nanunukso.

"Sus binata na ang anak namin," pang-aasar pa ni mama. Napa-pout naman ako.

"Sige na nga hahaha. Dalhan mo na rin siya ng pagkain," pagpayag ni mama kaya napangiti ako.

"Napangiti mahal oh. Kinikilig siguro," pang-aasar din ni papa. Pinagkunutan ko lang siya ng noo. Natawa lang si mama.

Sa gabing iyon ay sabay kaming kumain ni Yuriets ng hapunan habang tanaw ang kalangitan. Nag-thank you rin siya sa akin at sa mama ko.

Ewan ko pero first time kong maging masaya dahil nalaman kong okay na ang isang tao. Noon kasi ay wala akong pakialam sa mga nararamdaman ng mga tao pero ngayon? Ewan. Maybe, change is the permanent thing in this world.

Tulad ng magandang kalangitan ay maganda rin ang naging araw ko.

_________________________________________
Songs:

Live While We're Young-One Direction
(Song being played. Dahilan kung bakit nagising si Seb)

Live in the Moment-Barbie
(Background music. Pagkatapos ng una nilang pag-uusap)

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon