"Ma, saan ka pupunta?" tanong ko nang makitang palabas siya ng bahay pagbaba ko ng hagdan.
"Ahh, kila Aking Nesing. Tutulong ako sa pagluluto. Babalik ako mamaya," sabi niya at tumango lang ako.
"Son, kumain ka na. May nilutong ham and boiled eggs ang mama mo. Nasa lamesa ko lang nilagay. Aalis muna ako," sabi ni papa at tumango naman ako.
Dumiretso ako sa kusina at nakita ang ulam na tinakluban.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto para maligo.
Pumunta ako sa balkonahe at tiningnan kung andoon na ba si Yuriets ngunit wala siya.
Bumalik na lang ako sa loob ng kwarto. Nakita kong masyadong magulo na ito kaya naisipan kong maglinis na lang.
Tinupi ko muna ang mga nagulong damit at inorganisa ulit. Pinalitan ko ang bed sheet at pillow cases. Inayos ko ang mga nagulong gamit. Pagkatapos ay nagwalis na at nag-mop. Bumaba ako para labhan ang mga maduming damit. Inilagay ko ang mga ito sa washing machine pagkatapos ay sinampay at ibinilad na sa araw.
Pagkatapos kong maglinis ay naligo ako kaagad. Habang tinutuyo ko ang aking buhok ay nanood ako ng telebisyon hanggang sa inantok ako. Unti-unting pumikit ang aking mga mata at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa boses ni mama.
"Anak, gising na. Maghanda na tayo at pupunta kina Aling Nesing," rinig kong sabi ni mama. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nakita ang mukha ng napakaganda kong ina sa aking harapan. Napangiti ako.
"Maliligo na muna ako ha? Maghanda ka na rin," sabi niya ulit bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.
Nag-inat muna ako bago tumayo. Namili muna ako ng susuutin bago pumuntang banyo. Naligo ako ulit para mabango at fresh. Sinuot ko ang puting polo na binigay ni mama sa akin noong pasko. Pinaresan ko ito ng aking denim pants at black rubber shoes. Kinuha ko na ang regalo na nakapatong sa aking side table. Nag-spray muna ako ng cologne at alcohol bago lumabas ng kwarto at bumaba sa sala.
Pagbaba ko ay nakita ko si papa na nakaupo at nanood ng balita sa telebisyon. Nakasuot siya ng puting long sleeves ngunit nakatupi ito hanggang sa kaniyang siko, maong pants, at kulay kayumangging boots. Umupo ako sa kaniyang tabi habang naghihintay kay mama.
Ilang sandali lang ay bumaba na si mama. Nakasuot siya ng kulay itim na fitted dress na hanggang tuhod at black doll shoes. Kinumpleto ng kaniyang maroon handbag ang kaniyang outfit. At nakalugay ang kaniyang tuwid na buhok.
Tumayo na kami ni papa at sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay. Nagulat ako nang makita si Yuriets na naghihintay sa amin sa labas ng terasa ng aming bahay. Nakasuot siya ng maong jumper dress na hanggang tuhod at ang ilalim nito'y puting blouse, pinaresan ng kaniyang black sandals at white headband.
"Good evening po," bati niya sa amin. Binati naman namin siya pabalik. Ini-lock muna namin ang bahay bago tuluyang umalis.
"Happy birthday Aling Nesing," bati namin pagkarating. Ibinigay ni papa kay Aling Nesing ang dala-dala niyang karton na may lamang cake. Ibinigay rin namin ni Yuriets ang mga regalo namin para sa kay Aling Nesing.
"Maraming salamat sa inyo," nagagalak na pasalamat ni Aling Nesing. Ngumiti naman kami.
"Tuloy na muna kayo," anyaya pa ng may kaarawan. Akmang huhubarin na namin ang aming mga sapatos at sandals nang pinatigil niya kami.
"Nako! Huwag na. Mawala pa iyan mamaya," sabi niya. Hindi na rin kami umangal sapagkat wala rin kaming makitang mga footwears dito sa labas.
Pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay at nakita ang maraming panauhin. Bigla akong nahiya at kinabahan.
"Belinda!" tawag ng dalawang ginang kay mama. Sa pagkakatanda ko ay Arianne at Thara ang mga pangalan nila.
"Uy! Andito na pala kayo," ngiting sambit ni mama.
"Halika kayo rito," anyaya nila sa amin.
"Doon muna ako sa kusina ha? Babalikan ko kayo mamaya," sabi ni Aling Nesing.
"Sige ho, Aling Nesing. Maligayang kaarawan ulit," sagot ni mama. Ngumiti naman nang pagkatamis-tamis si Aling Nesing at pumuntang kusina. Lumapit naman si mama kina Aling Arianne at Thara. Sumunod lang kami sa kaniya.
Umupo si mama sa tabi ni Aling Arianne at sa tabi ni mama ay si papa naman. Tumabi ako kay papa at katabi ko naman si Yuriets. Sumali si papa sa kuwentuhan nina mama, Aling Arriane, at Aling Thara. Lumingon ako kay Yuriets na nakatingin na sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman. Ikaw?" tanong niya pabalik.
"Medyo nahihiya," honest na sabi ko.
"Ako rin eh," sabi rin niya at pareho kaming mahinang natawa.
"Yuriets," tawag ng isang binata at tumabi kay Yuriets.
"James?" tanong ni Yuriets sa katabi.
"Naalala mo pa ako?" tanong pabalik ng katabi ni Yuriets sa kaniya.
"Oo naman no. Kailan pa kayo bumalik dito?" tanong ulit ni Yuriets.
"Ahh, nagbakasyon lang kami rito. Babalik din kami sa Maynila kapag malapit na ang pasukan," sagot ni James.
"Akala ko rito na talaga kayo titira ulit," sabi ni Yuriets.
"Hindi. Nasa Maynila kasi ang hanapbuhay ni papa," wika naman ng kaniyang kausap.
Marami pa silang pinag-usapan habang ako'y tahimik lang na nakaupo.
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Yuriets ang kamay ko na nakapatong sa aking tuhod. Napalingon ako sa kaniya na nakatingin sa akin.
"Ito pala si Seb. Kaibigan ko," pagpapakilala niya sa akin at nakatingin na ngayon sa kaniyang kausap.
"Hi, bro! Nice to meet you," bati ni James. Ngumiti naman ako.
"Nice to meet you rin," bati ko pabalik. At bumalik na sila sa pag-uusap.
Mabuti na lang nang ilang sandali lang ay sinabing kakain na raw. Sa wakas.
Nag-pray muna pagkatapos ay kumanta kami ng "Happy Birthday To You" para kay Aling Nesing.
"Happy birthday to you!
Happy birthday to you!
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you~" kanta ng karamihan pagkatapos hipan ni Aling Nesing ang kandila ng cake."Kain na!" sigaw ng isang bata. Mukhang apo siguro ito ni Aling Nesing. Natawa naman kami.

BINABASA MO ANG
CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED]
RandomI'm a boy with childish acts. I was influenced by my friends. I learned how to smoke and drink alcohol even if I'm minor. I learned to disobey my parents. I was a boy not a man. But I've changed when I met her. When I see her everyday. At first, you...