CHAPTER 12

5 1 0
                                    

"Hala! Anong oras po kayo bumalik, Ate Yurg?" tanong ni Levant nang nasa loob na kami ng bahay ni Yuriets.

"Kani-kanila lang," sagot naman ni Yuriets habang naghahanda ng pagkain.

"Akala ko magtatagal kayo doon," wika ni Levant.

"Napakiusapan ko naman si Tita Izhyl. Hindi ko kayang umalis nang matagal dito," sagot ulit ni Yuriets.

"Kain," sambit niya sabay abot sa amin ng malaking platong may slices ng apple at asin sa gilid.

"Thanks," sabay naming usal ni Levant. Sandaling katahimikan habang kumakain kami ng apple nang magsalita si Levant.

"Ahh. Hinanap po pala kayo ni Manong, iyong nagtitinda ng ice cream sa parke."

"Oh? Balik tayo doon sa susunod?" manghang usal ni Yuriets.

"Sure. Iyon naman talaga ang plano namin ni Kuya Seb," sabi naman ni Levant. Nagkatitigan kami ni Yuriets. Ngumiti siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik pagkatapos ay itinuon na niya ang kaniyang tingin kay Levant.

"So, galing pala kayong parke?" tanong niya.

"Hmm," sagot ni Levant na kumakain ng mansanas sabay tango-tango.

"Bukas ba tayo babalik ng parke, Ate Yurg?" tanong ni Levant.

"Sure," sagot ni Yuriets na nagpatuloy sa pagkain.

"It's my treat. As planned," singit ko. Napatingin silang dalawa sa akin at saka nagkatinginan.

"Thank you!" masayang sabi nila at sabay na niyakap ako.

Kinaumagahan ay maaga akong bumangon para maghanda. Tahimik pa ang bahay kaya alam kong hindi pa nagising sina mama at papa. Nagluto muna ako ng ham and egg para sa aming umagahan. Kumain na ako at tinirhan sila mama at papa ng ulam. Pagkatapos ay bumalik sa kwarto para mag-toothbrush at maligo. Pumili ako ng damit para sa aking susuotin. Ang napili ko ay isang white t-shirt at black pants, paired with my black rubber shoes. As usual, bago lumabas, nag-spray ako ng cologne at alcohol.

Pagkababa ko ay nakita kong kumain sila mama at papa. Alam na nila kung saan ako gagala ngayon kasi nagpaalam na ako kagabi.

"Good morning," bati ko sa kanila sabay halik sa kanilang mga pisngi.

"Good morning, son/ Good morning, anak," sabay nilang bati pabalik.

"Ang bango talaga ng baby ko," sabi pa ni mama.

"Naman," usal ko sabay pogi sign. Napatawa naman kaming tatlo sa aking ginawa.

"Mauuna na ako, ma, pa," paalam ko at nagmano sa kanila.

"Mag-iingat kayo ha?" paalala ni mama. Ngumiti ako at tumango. Tumalikod na ako at lumabas ng bahay.

"Tao po!" sigaw ko sa labas ng bahay ni Yuriets. Nakita kong lumabas si Yuriets sa kaniyang balkonahe. Nang makita niya ako'y agad siyang napangiti.

"Wait," excited na sambit niya at tumakbo papasok sa loob ng kaniyang kwarto. Ilang sandali lang ay bumukas ang front door at bumungad si Yuriets na nakasuot ng white flowy dress at white doll shoes. Naka-ponytail ang kaniyang buhok. Para siyang diwata. Tumalikod siya sa akin at itinuro ang pantali. I smiled when I recognized it. The one I gave her. Ang pantaling binili ko sa palengke noon na may design na puting rosas. Humarap siya sa akin na nakangiti. Nabigla ako nang bigla niya akong niyakap nang napakahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik. Kusa siyang bumitaw sa yakap at tumingin sa akin nang nakangiti pa rin. Naguluhan na ako kaya't tinanong ko siya.

"Why?"

"Anong why? Hindi na ba pwedeng ngumiti?" tanong niya pabalik sa akin.

"I mean, bakit ang saya-saya mo?" tanong ko ulit.

"Hindi ko rin alam," sagot niya.

"Okay. I get it already," sabi ko naman. Parang naguluhan siya sa aking sinabi kaya kumunot ang kaniyang noo.

"I mean, I get it. Minsan, nararamdaman na lang nating maayos tayo at masaya. Some things just don't need explanation. Reasons aren't important sometimes. What matters is that we feel good and happy," mahabang paliwanag ko. Ginulo niya naman ang aking buhok.

"You've grown," usal niya. Napatawa naman kaming dalawa.

"Tara na nga. Kunin na natin si Levant," pag-aaya niya. I held her hand and was about to go when...

"I-lock ko muna ang pinto," sabi niya sabay bitaw sa magkahawak naming kamay. I just watched her back while closing the door. As soon as she turned back, a smile crept on her lips.

"Tara," maligayang sabi niya sabay hawak ulit sa aking kamay. Magkahaway kamay kaming naglakad papunta kina Levant.

"Oh, Kriz?" gulat naming tanong ni Yuriets nang makitang nasa terasa ito ng bahay nila Levant. Naka-white polo shirt at maong pants at naka black rubber shoes. Ngumiti siya sa amin at bumati.

"Good morning po," sabi niya sabay mano sa amin.

"Pwede ho ba akong sumama?" tanong niya. Nagkatinginan kami ni Yuriets.

"Huwag po kayong mag-alala. Nagpaalam na po ako kay mama. Andoon po siya oh," sabi pa niya sabay turo sa kabilang bahay. Lumingon naman kami at nakita namin ang kaniyang ina na ngumiti sa amin at tumango-tango.

"Pakibantay na lang ha?" sigaw niyang tanong sa amin.

"Opo," sigaw naman namin pabalik ni Yuriets para marinig. Tumingin kami kay Kriz at ngumiti.

"Salamat po," usal ni Kriz. Lumabas na si Levant habang nasa likod niya ang kaniyang mama. Naka-sleeveless blouse na kulay puti ang kaniyang top at jagger naman ang kaniyang pang-ibaba na pinaresan ng kaniyang flat sandals. Bumagay ang kaniyang braid hairstyle sa kaniyang suot. Nagkatitigan sila ni Kriz. Napangiti ako sa naisip. Gusto ko kayong magkatuluyan.

Kriz turned her gaze to Levant and he looked like in awe.

"Ang ganda," usal pa niya.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon