CHAPTER 4

30 4 2
                                    

CHAPTER 4

Nandito kaming dalawa ni Yuriets sa balkonahe namin. Dito na rin siya nagtanghalian kanina dahil pinilit namin. May ipinakita ako sa kaniyang painting na nasa loob ng kwarto ko dahil nalaman namin kanina habang kumakain kami ng tanghalian na mahilig din siya sa art.

Tinatanaw namin ngayon ang mga batang naglalaro ng "Langit Lupa". Napakasaya nilang pagmasdan at napakasayang isipin na hindi nila nakahiligang mag-gadget.

"Ayy Yuriets?" Napatigil siya sandali nang tawagin ko 'tsaka tumingin sa akin.

"Ang daya! Alam mo na ang pangalan ko sapagkat hindi ko pa alam ang sa iyo. Ayy bakit ba hindi ko naitanong? Hahaha! Sa tinagal-tagal nating pag-uusap 'di ko man lang natanong," sabi niya.

"Hahaha oo nga! By the way, my name is Niall Sebastian Crisostomo. Seb for short," pagpapakilala ko.

"Ahmm lahat ba ng kakilala mo 'Seb' iyong tawag sa iyo?" tanong niya. Tumango ako.

"Yeah. Seb lang talaga ang tawag nila sa akin. Wala ng iba," sagot ko. Tumango-tango naman siya sabay tingin sa kawalan 'tsaka balik sa akin. Cute!

"Eh pwede bang iba ang itawag ko sa iyo? Para kapag narinig mo ang nickname na binigay ko sayo, alam mo nang ako iyon kahit di mo pa ako nakikita." Nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako sa sinabi niya.

"Oo naman," sagot ko naman habang nakangiti.

'Basta ikaw,' pagdudugtong ko sa isip.

"Hmm?" sabi niya habang nag-iisip at nang may pumasok na sa kaniyang isipan ay tuwang-tuwa siyang tumingin sa akin.

"Ahh alam ko na! Niscri! Ni for Niall, S for Sebastian, Cri for Crisostomo. Oh diba? Short for your fullname hahaha," natutuwang wika niya dahil sa nickname na nagawa para sa akin.

'Kahit naman ano basta galing sa iyo alam kong magiging masaya ako.' Pero hindi iyon ang sinabi ko s'yempre.

"Gusto ko 'yan," sabi ko na natutuwa rin. Pero mas gusto kita hihi.

"Ayy may cellphone ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Noong nabubuhay pa 'yong mga magulang ko sa kanila ako nanghihiram minsan for picture-picture. Sabihin na lang nating ako iyong gustong maiwan ng sibilisasyon," sabi niya.

"Ako rin. Noon, meron akong cellphone pero simula nung mangyari ang aksidenteng iyon kaya ayun wala na akong kahit anong gadgets. Pagkatapos ay lumipat kami rito,"sabi ko.

"Aksidente?" nagtatakang tanong niya.

"Ahh oo. Nabangga kaming magbabarkada sa isang malaking puno dahil sa sobrang kalasingan. Weekend 'yon. Ang iba'y tumakas at ang iba nama'y nagsinungaling para payagang makalabas. Kasali na ako dun," pagkukuwento ko.

"Wala talagang magandang dulot ang pagsuway sa ating mga magulang lalo na kung ito'y makakabuti lamang para sa atin. At mas lalong walang magandang dulot ang pagsisinungaling," sabi niya at sinang-ayunan ko naman.

"Masaya akong okay ka na. Pero wala bang inpeksiyon o ano sa iyo?" tanong niya. Ngumiti ako at nag-thumbs up bilang pagsabing super okay ako.

Pagkatapos ng usapang 'yon ay katahimikan. Pinagmasdan na lang namin ang madilim na kalangitan. Ilang sandali lang ay unti-unti na itong pumapatak. Ang mga tao nama'y dali-daling kinuha ang kanilang mga sinampay. Ang ibang bata ay tumigil sa paglalaro sa labas at sumilong sa terasa para doon ipagpatuloy ang paglalaro.

"Ate Yurg!" tawag ng isang batang babae na nasa kanilang balkonahe. Katapat lang ito ng bahay nila Yuriets. Malaki ang ngiti nito habang kumakaway. Nilingon ko si Yuriets. Parang gulat na gulat siya nang makita ang bata ngunit ngumiti rin siya nang malaki at kumaway pabalik. Parang tuwang-tuwa siya sa kaniyang nakita.

"OMG! Hi Levant! Kelan pa kayo bumalik?" sigaw ni Yuriets na 'di mapapawi ang ngiti at tuwa sa labi.

"Kaninang madaling araw lang po ate," sigaw pabalik ng bata. Mukhang nasa pitong taong gulang na siya.

"Hala si Levant oh!"

"Levant!"

"Hala! Maligayang pagbabalik Levant!"

"Laro tayo Levant!" Narinig ko ring sigawan ng mga bata sa ibaba kaya iyon na naman ang pinagtuunan ng pansin ni Levant.

"Sino siya?" Bulong ko kay Yuriets.

"Ahh siya si Levant. Levant Alanis. Isa sa tumira rito noon pero umalis. It's been two years at ngayon bumalik ulit sila. Siya ang pinaka-close ko rito noon. Napaka-sweet ng batang iyan," sagot niya naman.

"Matanong ko lang. May close ka namang mga ka-edad mo rito diba?" Ewan ko pero parang biglang lumungkot ang kaniyang mukha.

"Meron," sagot niya sabay tingin sa nga bata at kay Levant na nasa terasa ng kabilang bahay at naglalaro.

"Lahat siguro ng tao rito ka-close ko. Pero mas close nga lang talaga ako sa mga matatanda't bata rito. Ngayon, ikaw na ang pinaka-close ko." Sabay tingin pabalik sa akin.

'Ngayon, ikaw na ang pinakaclose ko.'

'Ngayon, ikaw na ang pinakaclose ko.'

'Ngayon, ikaw na ang pinakaclose ko.'

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Napatulala ako saglit dahil sa pagkagitla at pagkatuwa. Kahit simpleng mga salita pero kapag galing sa kaniya grabe ang epekto sa akin.

Binalik niya ang kaniyang tingin sa mga bata.

"Pero may isang taong hinding-hindi ko na siguro makakasundo kailanman," dugtong niya at pumikit. Pagdilat niya ay basang-basa na ang kaniyang mga mata. Nag-uunahan sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Dali-dali niya itong pinahiran.

"Sorry. Napuling lang hehe," pagpapalusot niya at umiwas ng tingin sa akin.

Dahil nakatayo kami ngayon kaya madali ko lang makuha ang pagitan naming dalawa. Humakbang ako ng isa papunta sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at pinaharap ko siya sa akin. Nakakadurog ng puso na makita mong umiiyak ang babaeng mahal mo dahil sa pait at sakit ng kaniyang nakaraan. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinalis ang kaniyang mga luha gamit ang dalawa kong hintuturo. Nagtitigan kami sa isa't isa. Napatigil ako sa aking ginagawa ngunit hindi ko binawi ang aking mga kamay.

"Hindi ko man alam ang buong kwento ngunit gusto ko lang itong sabihin sa iyo. Base lamang ito sa mga nababasa ko," mahinang sabi ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Lahat may rason. Minsan, kailangang aalis at mawala ang isang tao sa buhay natin dahil nakaplano na ito. May rason kung bakit. Pero alam kong makakabuti ito," may ngiting sabi ko.

"Nalulungkot man ako sa nangyari pero sobra kong ipinagpasalamat ang mga nangyayari. Lalo na ngayon," malumanay niyang sabi.

"Ngayon na magkasama tayo," dugtong niya.

Dug dug

'Ngayon na magkasama tayo.'

'Ngayon na magkasama tayo.'

'Ngayon na magkasama tayo.'

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko na nagpapasaya sa kalooban ko.

"Mahal kita," biglang sabi ko.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon