CHAPTER 6

12 2 8
                                    

CHAPTER 6

Ilang minuto lang ay nakita ko na si Yuriets na lumabas ng kanilang bahay. Nakasuot siya ng maroon shirt at gray sweat short. Agad naman siyang sinalubong ng mga bata lalo na ni Levant. Niyakap siya kaagad ni Levant nang magtagpo sila. Napangiti ako sa ka-sweetan nilang dalawa. Nang maghiwalay sila sa yakap ay kinurot ni Yuriets ang pisngi ng bata at tumawa naman ito. Cute!

Napatalon ako kaunti sa aking kinatatayuan nang lumingon si Yuriets sa akin at ngumiti. Help! Kanina pa siya ngiti nang ngiti ha baka matunaw na ako, char. Nahihiyang ngumiti rin ako pabalik.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at kumakaway-kaway.

"Ligo tayo!" sigaw niya. Napaturo naman ako sa aking sarili.

"Oo Niscri, ligo tayo!" sigaw niya ulit.

"Kuya Niscri! Ligo tayo ulan!" sabi naman ni Levant. At sumunod naman 'yong ibang bata sa pagtawag sa akin. Nang lumingon ako kay Yuriets ay ngumiti ito sa'kin ng napakatamis.

"Ahh wait lang, bababa na ako!" sagot ko at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto. Inilagay ko pabalik ang supot sa lamesa at bumaba papuntang sala.

"Ma, pa, maliligo po ako ng ulan?" pagpapaalam ko sa kanila at tinanguan lang nila ako dahil busy pa sila sa pag-uusap.

Lumabas na agad ako ng bahay at sinalubong naman ako nila Yuriets.

"Laro daw tayo ng habul-habulan," bulong niya na natatawa. Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Oh, sino ang taya?" tanong niya sa mga bata.

"Si Kriz poooooo," sagot ng iba.

"Si Kriz hahahahahah," sabi rin ng isa.

"Okay ka lang ba Kriz?" tanong ni Levant.

"Oo naman hihi," sagot ni Kriz. Hmm, I smell something fishy. Char.

"O sige, ready na ba kayo?" tanong ni Yuriets sa mga bata at tumango-tango naman sila. Lumingon siya sa akin at nag-thumbs up kaya tumango rin ako.

"Go!" sigaw ni Yuriets at agad naman kaming nagtakbuhan. Natatawa naming pinanood si Kriz at Levant na naghahabulan sa daan. Malapit niya nang makalabit si Levant mabuti na lang ay nakaiwas ito. Kami naman dito ay naghihintay na habulin din ni Kriz pero parang target niya talaga si Levant. Lumingon si Levant na natatawa kaya naabutan siya ni Kriz. Ngunit ang mas nakakagulat ay imbis na kalabitin lang ay niyakap siya ni Kriz patalikod at tumatawa sila. Huy mga bebe ha, magiging kayo ba sa future?

"Taya si Levant hahaha!" tumatawang wika ni Kriz sabay kalas sa pagyakap niya kay Levant at tumakbo papunta sa grupo ng mga bata. Pero natigil kami saglit nang magpaalam ang isang batang babae na ayaw na niya.

"Uuwi na po ako ate Yuriets," pagpapaalam niya.

"Bakit?" tanong ni Yuriets.

"Ah eh kasi nigiginaw na po ako eh," sagot niya at tumango-tango naman si Yuriets.

"Sige. Ba-bye, Hera," pagpapaalam din ni Yuriets sa bata.

Bago umalis si Hera ay lumingon muna ito kay Kriz at kay Levant na parang galit. Kumunot naman ang noo ni Levant na parang nagtataka. Kaagad na pumasok si Hera sa kanilang bahay habang kami nama'y nagpatuloy sa paglalaro.

Hinabol ni Levant si Yuriets mabuti na lang ay nakailag ito. Naghabulan sila samantalang kami nama'y naghihintay na habulin din.

"Oy, taya ni ate Yurg hahaha!" masayang sabi ni Levant nang makalabit kaunti ni Levant si Yuriets.

"Damit lang yun," pagpapalusot pa ni Yuriets. Natatawa ako sa kanila. Napa-pout naman si Levant kaya napatawa si Yuriets.

"Joke lang hahaha! Ako ang taya," natatawang wika ni Yuriets kaya tumakbo si Levant papunta sa amin. Tumingin si Yuriets sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Ako ang target.

Tumakbo siya papunta sa akin kaya nagtakbuhan na rin kami. Tawa kami nang tawa habang naglalaro sa gitna ng daan.

"Taya si Niscri bwahahahhaha!" May patalon-talon pang sigaw ni Yuriets. Napatigil ako saglit dahil sa sandaling iyon. Pinagmasdan ko siyang tumawa na parang wala ng bukas. Sana totoo na ang saya niya. Napakaganda niya.

Ang tubig ulan na dumadaloy sa kaniyang mukha. Ang mga mata'y nakapikit at ang kaniyang mga ngipin na kitang-kita dahil sa kaligayahang nararamdaman niya. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang tinitingnan siya. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig kong tinutukso kami ng mga bata.

"Uyyyy si Kuya Seby ang tamis ng ngiti kay ate Yurg!"

"Bagay po kayoooooo yieeeeee!"

"YurSeb pur da wiiinnn!"

Napalingon ako sa kanila at napakamot sa batok. Tsaka tumingin ako kay Yuriets. Nakangiti na ito sa akin pagkatapos ay tumingin sa kalangitan.

"Tumila na ang ulan," parang may nababahid na lungkot na kaniyang wika.

"Uwi na po ako ate, kuya," sabi ng isang bata.
"Ako rin po," pagpapaalam din ng isa.

At nagsiuwian na ang iba. Kaming apat na lang ni Yuriets, Kriz, at Levant ang naiwan dito.

"Ate Yurg, mauuna na rin po kami," pagpapaalam ni Levant at tinanguan din siya ni Yuriets. Lumingon din ako sa kanila at ngumiti saka tinanguan. Sabay silang umalis ni Kriz at umuwi.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Yuriets at nakitang nakatingin pa ito sa dinaraanan nina Levant at Kriz. Nang maramdaman niya sigurong nakatingin na ako sa kaniya ay lumingon siya sa akin. Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago ako nakapagsalita.

"A-ah uwi na na tayo?" nahihiyang tanong ko. Tumango naman siya at naunang maglakad. Sumunod ako sa kaniya. Ihahatid ko muna siya bago ako umuwi sa amin.

Papasok na sana siya sa kanilang gate nang lumingon siya sa akin.

"Ahmm Niscri may sasabihin ako," seryoso niyang sabi. Kinakabahan ma'y nakapagsalita pa rin ako at sumagot.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Gusto kita," nakangiting sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Walang paligoy-ligoy at pag-aalinlangan. Natulala ako. Hindi ko alam ang aking gagawin o sasabihin. Para akong natuod sa aking kinatatayuan.

"Ano ba! Kinakabahan ako d'yan sa reaksyon mo eh," she pouted.

"Ayy hindi, hindi. A-ahm ano, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman." Hindi ko na alam ang sinasabi ko. And still, she pouted.

"I'm really happy Yuriets. I don't know what to say nor what to do. I just want to feel everything..."

"I'm crazy inlove with you," seryosong sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

She stepped forward at kinuha ang aming distansya sa isa't isa. Tumingkayad siya at inabot ang aking balikat saka ako niyakap. I could feel her warmth eventhough we were wet. I wanted to stop the time just for this moment. I hugged her back.

"Me, too. I'm also crazy for you," she whispered between our hug. I hugged her tightly and closed my eyes. If this is a dream, please, don't wake me up.

Siya ang unang kumalas sa aming yakap saka ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik.

"Uwi na ako," pagpapaalam niya. Nakangiti lamang akong tumango at pumasok na siya sa kanilang gate. Pinagmasdan ko pa siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay nang kumaway siya bago isarado ang pinto. Masaya akong umuwi sa amin at hindi mawala ang ngiti sa labi. Nakita ko sila mama't papa na nagluluto sa kusina. Nagpaalam lang akong maliligo at magbihis saka umakyat na sa taas.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon