EPILOGUE

3 1 0
                                    

Three years later

Sebastian's POV

I stood inside my room facing the calendar and smiled while looking at the encircled date. May 13. Today.

Pupunta kami ngayon sa isang magandang beach dito sa lugar namin kasama ang aking pamilya at mga kaibigan ko para magsaya. After all those years, finally I've been fully healed from my illness. Ngayon ang napag-usapan namin para ipagdiwang iyon.

"Anak?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig kong kumatok si mama. I went to the door and opened it. Bumungad si mama na nakangiti.

"You're ready?" tanong niya.

"Yes!" masayang sagot ko.

"Tara na," sabi niya. I held my backpack near my side and went out of my room. Sabay kaming bumaba ni mama at nang makarating na kami sa sala ay nakita ko na ang mga kaibigan ko. Sina Kent, Lloyd, Harley, Nico, Ben, Rendel, Kian, at Kurt na prenteng-prenteng nakaupo sa aming sofa.

"Naks! Ang gwapo natin ah," pambobola ni Rendel na tinawanan namin.

"Handa na ba ang lahat?" sulpot ni papa.

"Yes po," sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan ko.

Before we left the house, we've checked first if it was locked already. We all went inside the car with our things. Pinaandar na ni papa ang makina ng sasakyan at bumyahe na kami. After several minutes ay dumating na kami sa isang beach resort.

Mapipino at mapuputi ang buhangin dito. Shades of blue from the seawater was visible from afar. The palm trees at the surrounding completed the fantastic view here. I saw big speakers at the right side pero wala pang tugtog.

Pumunta na kami sa aming nirentahang cottage. It was similar to a nipa hut. The roof was made of nipa and the floor was made of 'kawayan'. May katamtamang laki ito, kasiya hanggang labinlima ka-tao siguro. May maliit na hagdanan na may dalawang palapag. There were long chairs still made of kawayan that was attached to each four sides of the cottage.

Inilabas namin ang mga dalang pagkain at inilatag sa maliit na lamesang nasa gitna ng cottage. There were several foods to name: spaghetti, carbonara, fried chicken, pansit bihon, leche flan, ube jam, chocolate cake, and ice cream. Nagdala rin kami ng kanin at mga inumin katulad ng softdrinks, wine, at malamig na tubig.

Kumain muna kami bago magtampisaw sa dagat. Kumuha ako ng spaghetti, carbonara, pansit, at fried chicken. Pagkatapos kong maubos ang mga ito ay nag-dessert naman ako. Inilagay ko sa plato ang hiniwa kong leche flan at cake, at ang ube jam. Sa baso ko naman inilagay ang ice cream. Hindi ko alam kung bakit strawberry flavor ang kinuha ko, eh chocolate flavor naman ang paborito ko ngunit hindi ko na lang iyon inintindi at bumalik sa aking pwesto para kumain.

"Himala at hindi chocolate flavor ang napili mo. Noon ang takaw mong kumain ng chocolate ice cream," manghang usal ni Kurt. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Wanna try new," sabi ko na lang.

"May wine at softdrinks dito. Kuha lang kayo," agaw pansin ni mama sa amin. Tumango naman kami at ang iba'y lumapit doon para kumuha ng iinumin.

Masaya kaming nagkuwentuhan habang kumakain pagkatapos ay nagpahinga muna.

Ilang sandali lang pagkatapos naming magpahinga ay napagpasiyahan naming pumunta at maligo na sa dagat.

"Tita, Tito, maligo na po kami," paalam ni Harley kina mama at papa na kumakain at nagpapahinga.

"Sige. Mag-iingat kayo," sabi ni mama pagkatapos malunok ang kinakain niyang ube jam.

"Susunod kami sa inyo maya-maya," singit naman ni papa. Tumango kami at masayang umalis sa cottage. Nag-unahan pa sina Rendel at Kurt kaya't natawa kami.

"Ang mahuli... taya!" sigaw ni Harley at tumakbo kasunod nina Kurt at Rendel kaya't nagtakbuhan din kami.

Nagtawanan kami nang makitang nadapa si Nico kaya't siya'y nahuli. May nakakita pang grupo ng limang babae sa kaniya kaya mas nakakatawa. Pinuntahan naman siya ni Ben na tawang-tawa at saka tinulungan. Nang makarating sila sa aming pwesto ay nakita namin ang namumulang mukha ni Nico. Ganiyan kasi siya kapag nahihiya. Tumigil kami sa pagtawa at inakbayan siya nina Ben at Lloyd.

"Okay lang naman madapa. Huwag ka nang mahiya," pag-comfort ni Harley.

"Sinong nahihiya? Mainit lang, noh!" dipensa ni Nico. Sinang-ayunan na lang namin siya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay lumusong na kami sa dagat at nagtampisaw. Naglaro kami ng habul-habulan at nang sumunod sina mama't papa ay sumali naman sila sa amin.

"Ang sweet!!!" sigaw namin nang makitang niyakap ni papa si mama mula sa likod dahil taya ni papa. Natatawa naman silang tumingin sa amin.

Hays. Akala ko ba maglalaro lang, bakit may kasamang landian? Respeto naman sa mga single. Char.

Nagpatuloy lang kami sa paglalaro ng habul-habulan hanggang sa bumalik na sina mama at papa sa cottage habang kami nama'y lumangoy-langoy na lang sa dagat at tumigil na sa paglalaro.

Lumangoy ako at nang umahon ay idinilat ko ang aking mga mata. Nlagulat ako nang makita ang isang babaeng nakatalikod sa akin. Naka-one piece hot pink bathing suit at nakalugay ang kaniyang mahaba at tuwid na buhok. Lumingon siya sa akin nang sinenyasan siya ng kaniyang mga kasama at pareho kami ng reaksyon. Nagulat.

Humingi agad ako ng paumanhin. "I'm sorry po."

She showed me a shy smile and nodded. Umalis na siya sa aking harapan at pumunta sa kaniyang mga kasama. Tinawag na rin ako ng aking mga kasama kaya umalis na rin ako sa pwestong iyon.

"Do'n tayo," pag-aaya ni Harley habang nakaturo sa may malalaking speakers na nakita ko kanina na ngayon ay nakatugtog na. May mga tao na rin doon na sumasayaw at parang may banda na kumakanta. Umahon kami at pumunta sa bandang iyon.

"We only live once, so, make the best out of it. We'll not gonna be young until the end. Enjoy your today," sabi ng isang lalaki na vocalist siguro nila at nakahawak ng mikropono habang may background na instrumental music.

Tumugtog ang isang kantang pamilyar ng karamihan. It was a hit song since 2012, an uptempo, upbeat bubblegum pop song which features rock undertones, vocal harmonies, hand claps, prominent electric guitar riffs, and repetitive synthesizers.

All of us were ready for the chorus.

"Let's go!" sigaw ng vocalist at nagtatalon-talon kami't itinaas ang mga kamay nang dumating na ang chorus ng kanta habang sumasabay sa pag-awit nila.

I was busy jumping and enjoying the moment when I bumped into someone from my back. Sabay kaming lumingon at nagulat nang makilala rin namin ang isa't isa. Siya ang babaeng nakita ko kanina pag-ahon ko. I observed how beautiful she was with her flat nose, wide eyes, pouted lips, and chubby cheeks. The society's standard of imperfection made her perfect and incredibly beautiful. We smiled at each other.

"Hi! I'm Yuriets... Yuriets Gond," pagpapakilala niya sabay abot ng kaniyang kamay. It was so sudden but introduced myself, too.

"I'm Seb. Niall Sebastian Crisostomo," pagpapakilala ko rin at inabot ang kaniyang kamay. We've shaked hands.

"Nice name. I love to call you... Niscri? In short for your name," aniya habang natatawa. I chuckled and smiled.

"Sure."

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon