CHAPTER 1
Inalalayan ko si mama na bumaba ng sasakyan pagkatapos ay ibinaba ko naman ang mga bagahe namin. Pagkatapos kong maibaba ang lahat ay tumigil muna ako at pinagmasdan ang bagong lugar na titirhan namin mula ngayon.
Pagkatapos ng aksidenteng iyon ay inilayo na ako ng aking pamilya sa aking mga barkada. Naghanap si mama ng bagong malilipatan namin para sa kapakanan ko. Timing rin na bakasyon na kaya may panahon pa akong mag-adjust.
Malayo na ito sa Maynila. Isa itong street. Sa bawat gilid ng kalsada ay mga bahay na halos magkadikit. Halos pare-pareho lang ang laki ng mga ito. May iba man na mas malaki at mataas sa iba tulad ng sa amin ngunit maliit lamang ang agwat ng laki nito. Bawat bahay ay may balkonahe sa pangalawang palapag. Ang ibang balkonahe ay may halaman at bulaklak, ang iba'y may iba't ibang dekorasyon, at ang iba na may walang kahit ano maliban sa upuan, maliit na lamesa, at duyan.
Napatingin ako sa bagong titirhan namin. Maganda rin tulad ng iba, ang naiiba lang ay walang kahit na anong nakalagay sa aming balkonahe sa ikalawang palapag, ni upuan ay wala. Napalingon ako sa katabing bahay nito. Nakita ko ang isang dalaga na nakaupo at nagsusulat sa kanilang balkonahe. Bigla itong tumayo at pumasok sa loob 'tsaka isinara ang pinto. May straight na buhok ito na hanggang baywang.
"Son, let's go inside? Kakain na tayo," sabi ni papa sa akin. Inakbayan niya ako kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Alam ko anak na kahit pasaway ka, masunurin ka pa rin minsan. Balang araw, may magtuturo sa 'yo na maging isang tunay na lalaki at binata. At kung pano ba talaga mabuhay," sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Lumingon siya sa akin na nakangiti pa rin. Napatawa siya bigla nang makita niyang nakakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya dahil sa pagkalito.
"Naalala ko lang kasi ang sarili ko sayo noon. Aaminin kong may pagkagago talaga ako noon ngunit nang makilala ko ang mama mo, nagbago ako. Hindi niya sinabing magbago ako, ako ang kusang nagbago para sa sarili ko at dahil sa kanya," nakangiti niyang sabi na nakatingin ulit sa kawalan at parang kinikilig habang binabalikan ang kanyang nakaraan. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagkukwento habang nakatingin pa rin sa kawalan at nakangiti.
"Kaya ayun, from gago hanggang sa nagseryoso na ako sa buhay at para na rin sa future namin ng mama mo hehe," kinikilig niya pang ani at tumingin sa akin. Napailing-iling na lang ako at natawa rin sa kanya.
Pagkatapos ng kwentuhang iyon ay pumasok na kami ni papa sa loob para kumain. Nakaakbay pa rin siya sa akin.
"Oh! Nagbabonding ang mag-ama suuss," pang-aasar ni mama sa amin pagkarating namin sa kusina. Kasalukuyan siyang nagpe-prepare sa hapag. Natawa naman kami ni papa. Humiwalay si papa sa pagkakaakbay sa akin at lumapit kay mama na may ngiti sa labi.
"Ikaw naman mahal tampo agad kasi 'di sinali," asar pabalik ni papa kay mama habang nakahawak siya sa magkabilang baywang ni mama. Nagtitigan naman sila sa isa't isa habang nakangiti.
"Ehem nagugutom na po ako," pang-eepal ko sa magandang moment nila at natawa. Lumingon sila sa akin at natawa rin saka sila naghiwalay sa isa't isa.
"Wala ka lang jowa eh," banat ni mama sa akin. Abaaa! Napasimangot na lang ako at natawa naman sila sa reaksyon ko.
"Marami namang nagkakagusto sa akin. Gwapo eh," banat ko pabalik.
"Eh san ka pa nagmamana?" singit ni papa na nag-pogi sign pa.
"Tss," sabay naming sabi ni mama. Napasimangot naman si papa kaya kaming dalawa na naman ang natawa ni mama.
"Kain na nga tayo. Puro kayo kalokohan," sabi ni mama. Tumayo siya at nilagyan ng kanin ang aking plato at kay papa. Nilagyan naman ni papa ng rice ang plato ni mama.
"Kain mabuti," sabi ni mama sa amin.
"Opo mahal ko," sagot ni papa. Inirapan naman siya ni mama ng pabiro. Natawa naman ako sa kanila.
Masaya kaming kumakain nang may kumatok sa pinto.
"Ako na," sabi ni mama sabay tayo. Sumunod naman sa kaniya si papa. Sinundan ko rin sila ng tingin at naghintay kung sino ang kumatok.
"Oh! Aling Nesing! Pasok ho kayo," pagbati ni mama sa panauhin sabay bukas ng malaki sa pinto.
"Ah Belinda eto pala pagkain. Handog namin 'yan bilang pang-welcome namin sa inyo rito," sabi ng isang ale na payat at parang nasa mid-40s na ito. Inabot niya ang isang malaking baunan kay mama.
"Hala nag-abala pa kayo pero maraming salamat po," pagpapasalamat ni mama.
"Ito pala si Arianne o mas kilala bilang Aning at ito naman din si Thara," pagpapakilala ni Aling Nesing sa kanyang mga kasama. Mukhang nasa mid 40s din.
"Nagagalak ho akong makilala kayo," sabi naman ni mama habang nakangiti.
"Ah doon po tayo sa kusina. Samahan niyo po kaming kumain," aya ni mama.
"Ayy nako! Pumunta lang talaga kami rito para i-welcome kayo. Ganito lang talaga kami kapag may bagong lipat para na rin sa magandang pagsasama," sabi naman ni Aling Nesing.
"Nakakatuwa naman pero sige na samahan niyo na kami," ngiting sabi ni mama.
"Oo nga para makapagkwentuhan din tayo," pagpupumilit din ni papa.
Walang nagawa ang mga bisita kundi pumunta na lang sila sa kusina.
"Ito pala si Sebastian. Anak namin nitong aking asawa na si Neil," pagpapakilala ni mama sa amin. Tumayo naman ako at nagmano sa mga panauhin.
"Napakagwapo at napakabuting bata," sabi ni Aling Nesing. Napangiti naman ako konti hehe.
"Upo kayo," aya ni papa. Umupo naman sila.
Magkasama kaming kumain ng pananghalian kasabay ang mga bisita. Ngayon ay dessert naman ang aming kinakain habang nagkukwentuhan sila.
"Ayy maitanong ko po ha. Diba andito ka po Aling Nesing noong unang punta ko rito para tingnan itong bahay? May nakita kasi akong dalaga diyan sa katabing bahay. Nasa balkonahe siya sa ikalawang palapag. Tumingin ako sa kanya tas tumingin din siya sa akin kaya nagsabi ako ng hi with matching wave. Pero bigla na lang siyang tumayo at nagmamadaling pumasok sa loob. Ahmm takot ba talaga siya sa mga tao o sadyang mahiyain lang siya?" kuwento ni mama. Bakas din sa kanya ang pagkakuryoso sa babaeng kaniyang tinutukoy. Lumungkot naman ang mukha ng mga panauhin at ngumiti ng mapait. Mababakas sa kanila ang awa.
"Siya si Yuriets o mas kilala sa tawag na Yurg. Hindi naman talaga ganyan iyang batang 'yan noon. Nagbago lang nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Pinatay yung papa niya ng isa sa kanilang kamag-anak dahil sa inggit. Namatay naman ang mama niya pagkalipas ng ilang buwan dahil inatake ng sakit sa puso dulot ng pagdadalamhati. Mula noon ayaw na niyang makihalubilo sa mga tao. Hinahatiran na lang siya tuwing buwan ng kaniyang Tita ng one month supply sa mga pangangailangan niya," naaawang pagkukuwento ni Aling Nesing. Nangilid naman ang luha ng iba pati si mama.
"Sobrang close ng batang iyan sa mga taga-rito. Mababait din ang kaniyang mga magulang. Tuwing umaga, lalabas 'yan si Yuriets at makikipagbatian sa amin. Nakikipaglaro din siya sa mas nakakabata sa kaniya. Napakamasayahin niya, napakabait, at palakaibigan, mapa matanda man, bata, o kaedad niya. Ngunit bigla na lang nagbago ang lahat sa isang iglap dahil sa inggitero nilang kamag-anak," naluluha nang pagkukuwento ni Aling Nesing.
"Nalulungkot ako sa nangyari," sabi naman ni mama habang pinapahiran niya ang kaniyang mga luha.
Sumikip din ang aking dibdib sa narinig. Naalala ko noong nakita ko siya kaninang umaga. Kahit nakatalikod siya sa akin ay para pa rin siyang anghel. Mabuti't nakayanan niya pang mabuhay at kumilos.
Pagkatapos ay umuwi na rin sila Aling Nesing. Pumunta naman ako sa aking kwarto para magpahinga.
Bago ako makatulog ay nag-flashback ulit sa akin ang mga nangyari kanina. Noong nakita ko si Yuriets sa balkonahe, ang mga sinabi ni papa, at ang mga kwento ni Aling Nesing tungkol kay Yuriets.
Isa lang ang natutunan ko. Lahat ay nagbabago.
'Hindi man tayo magkakilala pero ipapanalangin kong maging okay ka na.'
BINABASA MO ANG
CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED]
De TodoI'm a boy with childish acts. I was influenced by my friends. I learned how to smoke and drink alcohol even if I'm minor. I learned to disobey my parents. I was a boy not a man. But I've changed when I met her. When I see her everyday. At first, you...